Chapter 19

243 12 0
                                    

Raile's Pov

Una si Charlie tapos ngayon si Sam? Ano bang klaseng tao sya? Demonyo sya.

"Ok kana ba?" Tanong sakin ni Matt

"Hindi ko alam" Sabi kong tulala

Andito kami sa may canteen at walang ginagawa

"Hindi ka ba lalapit kay Austin? Sa kanila?" Napatingin ako kay Austin at nakatingin din sya sakin, tumingin ulit ako kay matt

"Ewan ko kung paano, alam kong nasa malapit lang ang lalaking naka red mask pero hindi ko alam kung sino sya, natatakot ako na maging pain nanaman"

"Andito pala kayo" Sabi ni Jake at umupo sa tabi ni Matt "Raile, condolence pala"

"Thank you"

"Anong araw namatay si Sam?" Tanong ni Jake

"Nung 23 bakit?" Pag tataka ko

"Nakita ko si Arthur sa Rooftop may hawak syang Black Mask" Sabi nito at lalo akong nag taka

"Black Mask?"

"Hindi kaya katulong si Arthur ng naka red mask?"  Sabi nya , kaibigan ni Arthur si Austin,si Sam at Charlie hindi gagawin ni Arthur 'yon

"Hindi nya gagawin 'yon" Sabi ko "Kilala ko si Arthur"

"Kaya nilang pumatay diba?" Sabi nito

"Kaya nilang pumatay pero hindi ang kanilang kaibigan"

"Siguro nga pero black mask ang nakita ko" Ngayon lang pumasok sa isip ko na wala si Arthur sa tuwing may nangyayari sa iba.Nung araw na namatay si Sam at na ospital si Harold ay wala sya.

Hindi! Hindi gagawin ni Arthur 'yon. Kilala ko si Arthur.

"Walang may alam kung sino ang naka red mask o sino ang kakampi nya" Napunta ang atensyon namin kay Matt. "Maaring kaibigan sya o nag papanggap na kaibigan"

"Anong ibig mong sabihin Matt?" Tanong ni Jake

"Siguro'y malapit lang sya at maaring lagi syang naka subaybay sa inyo" Napaka seryoso nya "Maaring may isunod na sya. Ang tanong ay Who's next?" Sa pagkasabi ni Matt non ay may naalala ako

Kahit mag hiwalay kayo,Kahit mag layo kayo di parin kayo makakaligtas,Ang mamatay ay mamatay. Who's next?

Hindi ko na alam kung sino o ano talaga ang totoong nangyayari ngayon, Sino kaba talaga naka red mask? Ba't ayaw mo nalang mag pakilala? Tumayo ako

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Jake

"Gusto kong mag isip" Lumabas ako ng Canteen at napadaan ako sa locker ko, may maliit na papel na nakalagay don. Kinuha ko 'yon

Sino nga ba ang susunod? Who's next?

from: Lil brother of Kervin

Lil brother of Kervin? Sino si Kervin? Kinuha ko yung Sticky Note at pumunta sa Canteen.

Inabot ko kay Austin ang Sticky Note.Kumunot ang noo nya pero kinuha nya rin

"Kervin?" Sabi nito, Napatingin ako kay Arthur at tila bang parang nag iisip sya.

"Kervin? Diba ito sya?" Tinuro ni Benjamin si Kevin.

"Benjamin si Kevin yan hindi si Kervin" Sabi ni Drake na inis

"I'm just kidding" Sabi nito ulit.

"Si Kervin patay na sya" Sabi ni Austin kaya napunta ang atensyon namin sa kanya "Napatay ko sya" Napatay? Umupo ako sa tabi no Harold

"Pero bakit mo ginawa 'yon? Sino ang kapatid nya?"

"Austin kill him dahil babarilin ni Kervin si Sam dahil gusto ng Girlfriend ni Kervin si Sam pero nung araw na 'yon gusto ni Sam ay ikaw and Sam told her, he can't love her and one day Kervin's Girlfriend commit suicide, hindi namin alam kung sino ang pamilya nya basta ang alam namin ay may kapatid si Kervin at sila nalang ang mag kasama. Hinanap namin ang kapatid ni Kervin pero di namin nakita" Sabi ni Arthur "Di namin alam ang pangalan nya at hindi namin alam kung asan sya"

"Hindi kaya ang kapatid ni Kervin ang naka red mask?"

"Pero wala tayong clue kung sino sya" Sabi ni Kevin "Hindi kaya nagalit sya dahil don?"

"He killed Charlie and Sam,that's not enough?" Sabi ni Austin na seryoso "If he want's a game, I'll give it"

"when I found out who he is, I will make sure he will pay what he did to Charlie and Sam" seryosong sabi ni Patrick at uminom ng Soda.

Tinapon ni Austin ang sticky note kung saan.

"Tara na ihahatid na kita" Hinila ako ni Austin kaya wala na akong naggawa. Nag lakad kami papunta sa room ko

"Bakit kailangan mo pang pumatay?" Tanong kong seryoso

"My murded has a reason"

"Pwede ka bang bumalik kana sa dati?" Huminto ako ay huminto rin sya.Yumuko ako dahil ayoko ng ganto sya, gusto ko yung dating sya. "you changed"

Humarap sya sakin "The Austin you know is fake and full of lies" Sabi nya at seryoso ang kanyang boses " Look at me" tinaas nya ang muka ko at tumingin ako sa kanyang mata "What do you think of me? Now?"

"Now? You can kill.Hindi kana ang dating Austin na kilala ko"

"I'm the real one, ako ang totoong Austin at hindi ang dating nakilala mo" I hugged him.

"Bakit kailangan mong mag sinungaling noon?"

"Dahil ayokong matakot ka sakin, natatakot ako na mawala ka"

"Pwede ka naman bumalik sa dating Austin, ang dating Austin na nakilala ko" Inalis nya akp sa yakap

"Hindi ko kayang gawin 'yon. Kailangan kong ipaghiganti si Sam at Charlie. Sorry" Umalis sya sa harap ko at iniwan ako.

Hindi na siya si Austin na nakilala ko, ang laki ng pinagbago nya. Tumakbo ako para habulin sya at hinawakan ang kamay nya, lumuhod ako sa kanya

"Tigilan mo na 'to, hayaan mo na ang lalaking naka red mask basta bumalik kana sa dati. Ayokong may mamatay nanaman" itinayo nya ako

"Raile wala na si Charlie at Sam kung babalik ako sa nakilala mo hindi parin babalik ang dati, madaming mag babago dahil wala na si Charlie at Sam hindi nanatin sila makakausap man lang o makakasama kahit saan" Sabi nitong seryoso, hindi ko mapigilan ang sarili ko na umiyak at yumuko "Hindi ko hahayaan na namatay lang so Charlie at Sam ng ganon ganon lang. " Iniwan nya ako ulit .Tama sya hindi nanamin makakausap si Charlie at Sam, bakit parang wala na akong kwenta para sa kanya? noon ayaw nya akong nakikitang umiiyak pero ngayon kaya nya na akong iwan ng basta basta lang.

Siguro tama sya ang Austin na nakilala ko puno ng kasinungalingan.Siguro ngayon hindi narin sya ang lalaking minahal ko dahil ang lalaking minahal ko ay ang Austin na full of lies.

Gangster Inlove2  - BTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon