Chapter 18

251 14 2
                                    

Raile's Pov

"Kung wala ka sa buhay ko ay wala na akong kwenta,Kung wala ka dito ay hindi ko malalaman kung sino ako"

"Austin,Buo na ang desisyon ko."

Mahirap sya layuan pero kailangan,Kailangan ko nading mag focus sa pag aaral ko baka hindi ako maka graduate.Napatingin ako sa upuang katabi ko,Si Charlie.Wala na sya.Biglang nag Vibrate ang cellphone ko.

From: /UNKNOWN NUMBER/

Kahit mag hiwalay kayo,Kahit mag layo kayo di parin kayo makakaligtas,Ang mamatay ay mamatay. Who's next?

Ghad,Kailan ba sya titigil?

Sa oras na malaman ko na kung sino sya, Sisiguruduhin kong pag babayaran nya ang ginawa nya kay Charlie.

Nang mag lunch na ay lumabas ako ng Room. Tumaas ako papunta sa rooftop.Kailangan kong layuan si Austin at gagawin ko 'yon kahit masakit kung ito ang ikabubuti sa lahat.Umupo nalang ako sa may bench.

Tulala lang ako at iniisip ang mga nangyari,Si Charlie na mimiss ko na sya. Kung pede lang ibalik ang araw na 'yon.

"Coffee?" May nag abot saking kape at si Arthur.

"Salamat" Sabi ko at umupo sya saking tabi

"Bakit di mo kasama si Austin?" Tanong ko

"Lalayuan ko na sya"

"Seryoso kaba?" Tumingin ako sa kanya

"Arthur, Bakit ganon? Bakit kailangang may mamatay?"

"Lahat ay may Rason"

"Hindi,Namatay si Charlie dahil sakin,Niligtas nya ako.Lagi nalang ako ang nag papahamak sa inyo" Sabi ko at naiinis ako sa sarili ko

"Kaya kaba lumayo kay Austin? "

From: /UNKNOWN NUMBER/

Oww.Raile pedeng mag tanong? Mukang nawawala si Sam nakita mo ba?

Kinabahan ako sa txt na 'yon

"Si Sam" Tumakbo ako ng Canteen at nakita ko sila,Asan si Sam?

"Raile?" Sabi ni Kevin

"Asan si Sam?" Kinakabahan kong sabi

"Absent" Sabi ni Drake

"Ghad nasa panganib sya" Nag tayuan sila at tumakbo palabas ng Canteen.

bigla ulit nag vibrate ang aking cellphone.

From: /UNKNOWN NUMBER/

Nakita ko na si Sam,katabi ko.Kung san namatay si Charlie dito din sya mamatay

Tumakbo narin ako palabas ng School at sumakay na ako sa sasakyan ni Patrick.

"Patrick bilis" Sabi ko

Gangster Inlove2  - BTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon