Chapter 10

270 11 0
                                    

Raile's Pov

Tulala lang ako sa bintana habbang may klase,Kaya na nya akong patayin.Sa tingin,Boses at hawak nya sakin kagabi ramdam ko ang galit nya,Galit na galit sya sakin.

Narinig ko nalang ang bell kaya lumabas ako ng Room,Nakita ko nalang si Matt at mukang iniintay nya ko. Sabay lang kaming nag lakad.

Hindi parin maalis sa isip ko,Kaya nilang pumatay at ngayon ko lang nalaman ang totoo,Akala ko noon ay hindi sila pumapatay dahil iyon ang pag kakaalam ko.

"Raile,Kumain kana ba?" Sabi nito

"Hindi pa"

"Ililibre kita"

"Lahat ng pagkain dito ay libre" Sabi ko

"Oo nga pala"

Biglang dumaan si Harold pero di nya ako pinansin o diman lang sinulyapan,Anong problema nya? Napahinto ako at tumingin kay Harold na palayo ng palayo.

"May problema ba?" Sabi ni Matt.Baka di nya lang ako nakita

"Wala" Sabi ko at nag lakad na kami ulit papuntang Canteen.

Pumasok kami sa canteen at umupo sa bakanteng upuan. "Kukuha lang ako ng pagkain natin" Sabi ni Matt at naiwan na ako dito

"Patabi" Sabi ni Jake at tumabi sakin "Ano naniniwala ka na ba?"

"Saan?" Tanong ko

"Pumapatay sila" Sabi nito

"Oo,Alam ko na" Sabi ko na inis

"At kaya ka nyang patayin,Naging kayo pero hindi ibig sabihin ay kilala mo na sya" Seryoso nyang sabi "Madaming tao na ang napatay nya,Madaming tao na ang kaya nya pang patayin" Sabi nito na seryoso at walang emosyon "Ang Gangster ay Gangster,Huwag mong isipin na mababait sila,Kung akala mo ay ganon sila ay nag kakamali ka.Siguro nakilala mo na sila pero alam mo ang salitang gangster at alam mo ang katangian nila" Sabi nito "Hindi ko alam kung gangster paba sila o mas malala pa,Mas maganda ang salitang Mafia sa kanila."

"Mafia?"

"Mafia,Pumapatay---- ba't ang dami mong hindi alam?"

"Bakit kailangan ko bang alamin 'yon?" Sabi ko at tumingin sya sakin

"Kamusta ka na pala?? Bakit parang iniiwasan mo sya?" Tumingin sya sa ibang direksyon kaya tumingin din ako don at si Austin ang kanyang tiningnan.Umiwas ako ng tingin

"Bakit ako ang tinatanong mo? Alam mo ang dahilan" Sila naman ang dahilan

"Di namin kasalanan 'yon.Ang kailangan namin ay si Austin.Hindi namin gustong saktan ka,si Austin langang kailangan naming saktan pero yung babaeng si Dannica sabi nya makikipag tulungan sya sa amin" Sabi nito "She's crazy" Sabi nya

"Bakit? Bakit kailangan nyong gawin 'yon?" Tanong ko

"A big big secret,Wag mo ng alamin"

"Sana kasi ikaw ang nakakaramdam ng sakit na nararamdaman ko" Bulong ko

"Ano?"

"Nevermind" I said

"Raile----Jake?" Umupo na si Matt sa may bangdang harap namin

"Bakit?" Sabi ni Jake

"Ba't ka andito?" Sabi ni Matt at nakakunot ang noo

"Kakain? Bakit labag na ba sa batas ngayon ang pagkain sa Canteen?" Sabi nito na ikinairap ko.

"Oh Raile" Sabi ni Matt at inabot sakin ang pagkain kong palabok.

"How about me?"

"About you? Kumuha ka ng sayo" Sabi ni Matt na inis

"Hays" Tumayo ito para kumuha ng kanyang pagkain.

"Ok kalang?"

"Oo naman"

"Pag gusto mo pa,Sabihin mo lang" Sabi nito "Nag bago na sya tama?"

"Oo,Miss ko na ang dating Austin" Sabi ko na may halong lungkot sa boses

"Paano kung hindi na sya bumalik?" Tanong nya kaya napatingin ako sa kanya,Paano nga ba kung hindi na bumalik ang dating Austin? Ang Austin na minahal ko?

"Ang sarap diba?" Sabi ko at kumain ng palabok,Ayokong pag usapan ngayon si Austin.Lalo na yung nangyari kagabi.Seryoso sya,Kaya nya akong patayin,Pero bakit parang hindi ako natatakot na sya ang pumatay sakin?

"I'm back" Sabi ni Jake at tumabi ulit sakin,Minsan seryoso sya at minsan ay para syang bata,he's crazy.

"Gosh..Si Austin..Si Austin.." Sigaw ng babaeng pumasok sa canteen.Napatingin ako sa direksyon kanina ni Austin wala na sya "Tulungan nyo ang kaibigan ko" Sabi nito,Tatayo na sana ako ng pigilan ako ni Jake

"Madadamay ka" Naging seryoso nanaman sya.

Tumingin ako kayla Kevin,Di man lang sila tumatayo.

"Please,Help her" Sabi nito kaya wala akong naggawa kundi ang tumayo.

"Asan sila?" Tanong ko

"Sa Garden" Sabi nito kaya tumakbo ito

Charlie's Pov

Ayokong makisali sa gulo,Wala namang nangingialam kay Austin kung anong ginagawa nya,Pero ng tumayo si Raile at tumakbo palabas ay napatayo si Arthur,Harold at Kevin.

"Hayaan nyo sya kung madamay sya,Kasalanan nya naman kung ba't lumala si Austin" Galit na sabi ni Sam

Bumuntong hininga si Kevin at Harold. Pero nagulat ako ng tumakbo palabas si Arthur na parang hindi pinansin ang sinabi ni Sam,Sumunod nalang din ako sa kanya.Sumunod narin sila Kevin at Harold pero ang iba ay nanatiling nakaupo sa Canteen.Nakaabot ako sa Garden at nakita ko ay si Matt na nakatayo at yakap yakap si Raile at may sirang upuan na mukang hinampas ito ni Austin kay Matt.

"M-matt" Sabi ni Raile at kasabay non ang pag bagsak ni Matt sa sahig pero nasambot ito ni Jake.

"Ako na bahala kay Matt" Sabi ni Jake,Nagulat nalang ako ng suntukin ni Arthur si Austin.

"Tumigil kana Austin" Sigaw ni Arthur "Ayokong labanan ka"

"Pero ginagawa mo na Arthur" Napatingin ako sa babaeng dala ng sumigaw kanina sa canteen,Duguan sya.

"Tama na,Kinakain na yang buong pag katao mo ng galit"

"Kasalanan ko" Sabi ni Raile,Lumapit si Harold kay Raile at niyakap ito.Nakita ko nalang ang kamao ni Austin na tumikom dahil sa ginawa ni Harold.Umiyak si Raile sa balikat ni Harold at ang iyak nyang iyon ang nag papatunay lalo sakin na mahal nya si Austin.

"Buti alam mo" Sigaw ni Austin "Layuan mo sya Harold kung ayaw mong ako ang mag palayo sayo sa kanya" Sabi nito

"Austin,Kaibigan kita pero kaibigan ko din si Raile." Sabi ni Harold

"Anong ibig mong sabihin? "

"Austin ang totoo? Mas mahalaga para sa akin si Raile"

"Damn Harold,What do you mean?" Kevin said

"You like her?" Sabi ni Austin na mukang ang lahat ng tao dito ay nag aabang ng sagot

"Oo" Sabi nito.Nag bulungan na ang lahat ng tao sa paligid.

"Gago ka" Susugurin na sana ni Austin si Harold pero pinigilan sya ni Arthur at Kevin.

"Tumigil na kayo" Sabi ko "Kayo anong pinapanood nyo?" Sigaw ko sa taong nakapaligid samin at nag si alisan sila.

Yakap ni Harold si Raile habbang galit na galit si Austin.

"Austin,Puno na ng galit yang puso mo,Manhid kana Austin." Sigaw ni Harold "Kung wala na kayo, Wala ka ng magagawa"

"Damn" Inalis ni Austin ang hawak sa kanya ni Arthur at Kevin,Akala ko ay susugurin nya ito pero hindi umalis sya at lumayo samin.

"Are you ok?" Sabi ni Harold at niyakap ulit si Raile. Napatingin ako kay Arthur at nakatingin sya kay Harold at Raile.Umiwas to ng tingin at napalunok.

"Tara na" Sabi ni Arthur na seryoso at walang emosyon.

Gangster Inlove2  - BTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon