Chapter 12

241 11 0
                                    

Raile's Pov

Pumunta ako sa labas ng room ni Dannica at nang mag bell ay lumabas sya at hinarangan sya.

"Oh? May kailangan kaba?" Sabi nito

"Mag usap tayo" Seryoso kong sabi.

Nag lakad kami hanggang sa makarating sa Rooftop. Umupo ito sa bench at nakatayo lang ako sa harap nya.

"Ano 'to?" Pinakita ko sa kanya ang txt message na natanggap ko kahapon.Kinuha nya sakin at binasa. "Ano yan?" Inis kong sabi pero tumawa lang ito.

"Nakakatawa, hindi ako ito..hindi ko kayang patayin si Austin" Sabi nito.

"Hindi ikaw?"

"Kahit anong gawin ko ay hindi ako magustuhan ni Austin,Lalo syang lumala at diko na kayang lapitan sya dahil pinagbantaan nya akong papatayin"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Tama ka,Hindi ko sya kayang patayin,Masaya parin ako dahil mabilis kang ma uto" Sabi nitong natawa "Wala na kayo" Nakaramdam ako ng init sa buong katawan ko at sa ulo ko sa sobrang inis sa kanya "Kahit bumalik ka kay Austin,Hindi mo na maiibalik ang dating meron kayo"

"Bakit mo pa ginawa yon? Hindi rin naman pala magiging kayo"

"Simple lang,Ayokong maging masaya ka.Ayokong maging masaya kayong dalwa"

"bakit kailangan mong gawin na paghiwalayin kami? Dahil ba iniwan ka nya noon?" Sabi ko

"Oo,Iniwan nya ko dahil sayo..Ikaw lang naman ang dahilan."

umalis ito at iniwan ang cellphone ko sa bench,Umupo nalang ako ussa bench at napatikom ang aking kamay,Umiyak ako hindi dahil sa sakit na nararamdaman ko dahil sa inis.

"Here" May panyo akong nakita sa unahan ko at si Matt pala.

Umupo sya sa tabi ko.

"Lagi ka nalang umiiyak,Nauubos na ang panyo ko" Natawa nalang ako sa sinabi nya. "ok kalang ba?"

"Oo"

"Hindi." Sabi ko "Matt,Diba sabi mo ay isa kading gangster? May kilala kabang galit kay Austin?" Kumunot ang noo nito

"Madaming galit kay Austin,Miski ako ay galit sa kanya." Tama sya may punto sya,Galit kay Austin ang ibang gangster "Bakit?"

"Merong taong gusto syang patayin"

"Sino?"

"Yun nga,Hindi ko alam pero nag papadala sya lagi sakin ng sulat" Kumunot ang noo nito

"Asan?"

"Pinupunit ko at tinatapon"

"Pag may natanggap ka ulit ipakita mo sakin" Sabi nya "Pinag babantaan kaba nya?"

"Sabi nya,Kailangan nya pa ako" Hindi ko rin maintindihan ang gusto nyang iparating sakin "Sisirain nya daw ang buhay ni Austin katulad ng pag sira ni Austin sa buhay nya"

Hinawakan ni Matt ang kamay ko "Don't worry,I'm here for you.Sisiguruduhin kong ligtas ka kahit sa pag tulog mo"

-------------------------

Nag lalakad ako papuntang Cr nang may biglang may humigit sakin at tinakloban ang bibig ko.

"Charlie" Galit kong sabi

"Bakit?" Seryoso nitong tanong.

"Ano?" Ang mga mata nya nanakatitig sakin ay napaka seryoso .

Nagulat ako ng hilahin nya ako papunta sa garden. Binitawan nya ako at humarap sakin

Gangster Inlove2  - BTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon