Chapter 28

228 8 0
                                    

Raile's Pov

Nag iintay ako sa labas ng bahay,sabi nya kasi ihahatid sundo nya ako.

May humintong blue na kotse sa harap ko,sumakay ako 'don pero hindi sya ang nakita ko.Sino nag ba 'to.Ahm tama sya si Arthur.

"Asan si Austin?" Tanong ko na nakakunot ang noo

"Sinundo nya si Tiffany,tinext nya ako na sunduin ka at ihatid dito araw araw" Akala ko ba sya ang gagawa 'non sakin? Napatingin nalang ako sa may bintana ko "Hays.Raile alam kong wala kang maalala pero alam ko parin na naaalala ng puso mo si Austin" Tumingin ako sa kanya

"Paano mo nasabi 'yon?"

"Dahil ganyan ka umasta,nung una naging masaya ako dahil wala na kayo pero habbang tumatagal alam kong hindi ka sasaya sakin at si Austin lang makakapah bigay sayo 'non.Alam mo bang sa dami daming babae sa paligid ba't ikaw ang gusto ko,ba't kita gusto kahit alam kong iba ang gusto mo"

"A-arthur,sorry..hindi ko alam ang sinasabi mo dahil wala akong matandaan pero kung ano man ang naggawa ko sorry" Sabi ko sa kanya

"Yung sa totoo? wala ka namang ginawa,sadyang hindi ko lang mapigilan ang sarili ko na gustuhan ka,ilang beses na akong umiiwas sayo pero hindi pala effective ang ginagawa ko dahil may dumadaan na araw pag nakikitang umiyak diko magawang iwasan ka at hindi abutan ng panyo" Ba't parang na guguilt ako,nasasaktan ako sa sinasabi nya kahit wala talaga akong maalala.Ganon ba ako noon? Ganon ko kagusto si Austin para hindi makita ang ibang taong nandyan para sa akin?

Nag drive na sya papunta sa School.Nang makadating kami ay bumaba na ako at napatingin ako sa ibang direksyon,si Austin dala dala nya ang bag ni Tiffany,parang napupunit ang puso ko sa ginagawa nya.Gusto ko syang kausapin.

"Raile? May problema ba?" Napatingin ako kay Arthur

"W-wala,Arthur mauuna na ako,salamat sa paghatid" Tumakbo ako papunta kayla Austin

"Austin" Sigaw ko

Huminto silang dalwa at napatingin ako kay Tiffany

"Tiffany pede ba syang makausap?" Tanong ko

"Ahm,sorry malalate na kasi ako" sabi ni Tiffany

"Kahit 2 minutes?"

"Hindi parin e"

"1 minute?"

"Ba't ba ang kulit mo?" Nagulat ako ng sigawan nya ako "Ayoko nga diba? "

"Raile umalis ka na" Napatingin ako kay Austin,anong sinasabi nya?

"P-pero---"

"No buts" sabi nya ulit

"Tara na Babe" sabi ni Tiffany

"B-babe?"

"Oo, babe. He's my boyfriend" Napatingin ako kay Austin pero seryoso lang syang nakatingin sakin.

"Kailan pa?"

"Kahapon lang" Ba't parang ang bilis naman yata? "Kung pede iiwan na kita" Naiwan nila ako mag isa dito.

"Sabi ko palang nung una,hindi kayo ang nakatadhana sa isa't isa" Napatingin ako sa likod ko

"S-sino ka?"

"Tama nga sila,wala kang maalala.Raile ako 'to si Dannica" Sabi nya

"Dannica?"

"Akalain mo 'yon,hindi ko na kailangang gumastos para pag layuin kayong dalwa dahil tadhana na ang gumagawa ng paraan" Sabi nya at bigla nalang umalis

Anong ibig nyang sabihin? Nahihirapan na ako alalahanin lalo na kung hindi ko talaga maalala.

Nag lakad nalang ako papunta sa room ko.Pumasok ako sa loob at umupo kung nasaan ang pwesto ko.Napatingin ulit ako sa upuan na katabi ko,ano bang meron sa upuan na katabi ko? Bakit hanggang ngayon wala paring naupo dito? May gusto akong maalala sa upuan na ito pero ba't hindi lumabas sa isip ko kung ano 'yon.

"Ewan ko nga, sa dami daming mamatay si Charlie at Sam pa." Napatingin ako sa unahan ko na nag uusap

"Nung araw na nawala sila umiyak ako,ultimate crush ko kaya sila,halos dalwang taon ko sila naging crush,inistalk sa fb,twitter,instagram at sa personal pero hindi ko man lang s-sila n-na k-kausap" Umiyak bigla yung babae

"Bes,kailangan mo ng tanggapin" Ewan ko pero mag isa bg bumagsak ang luha ko. "Kahit ako din naman nasasaktan"

Sino ba kayo Charlie at Sam? Ba't hindi ko rin kayo matandaan? Alam ko ay binuwis nyo ang buhay dahil sakin pero bakit nyo kailangang gawin na ibuwis ang buhay nyo para sakin? Bakit kailangan nyong mamatay dahil lang sa isang buhay na meron ako? Ano ba ako sa inyo? Kaibigan? Kung kaibigan ko man kayo hindi nyo na dapat binuwis ang buhay nyo para ako ang manatiling buhay.

Lalo tuloy akong naiinis sa sarili ko, nagawa ko silang kalimutan sa kabila ng lahat ng ginawa nila sakin.Naiinis ako dapat ako nalang ang namatay dahil ngayon wala din akong maalala at hindi ko man lang maalala kung ano ang ginawa nyo para sa akin.

"Sorry Charlie at Sam dahil nagawa ko kayong makalimutan" Bulong ko sa sarili ko at lalong umagos ang aking luha.

--------------

Iniintay ko si Austin sa labas ng room pero ang tagal nya,bakit ko paba sya iniintay? May girlfriend na sya at hindi ko na dapay sya inaabala,mag isa nalang akong pumunta sa may Canteen at nakita ko sila Austin.Umiwas ako ng tingin sa pwesto nila at pumunta sa pwesto ni Matt.

"Oh,bat mag isa kalang na pumunta dito? " Sabi nya

"Bakit sino namang isasama ko?"

"Susunduin ka diba dapat ni Austin"

"May girlfriend na sya"

"Huh? Sino naman?"

"Si Tiffany" Sabi ko at kumunot ang noo nya

"Nag loloko kaba?" Sabi nya

"Muka ba akong nag loloko Matt?"

"Sabi ko nga,pero bakit naman sya babalik kay Tiffany?"

"Hindi ko alam,bakit kung babalik ba sua sakin masasagot mo kung bakit sya babalik sakin?"

"Oo,mabait ka,maganda at masaya kasama walang lalaking hindi ka pedeng balikan baka nga walang lalaking kaya kang iwan"

"Ba't ako iniwan ni Austin?" Tanong ko

"Yun din ang tanong ko,ba't ka nya iiwan"

Ba't ba ako ganto? Parehas lang naman kaming ex ni Tiffany bakit ganto ako makapag react? Wala naman akong maalala kasama si Austin ba't parang nasasaktan ako? Kailan ba kasi babalik ang ala ala ko,gustong gusto ko ng maalala ang lahat para hindi na ako nahihirapan mag tanong sa sarili ko dahil lahat ng tanong ko ay andon na ang lahat ng sagot.

Gangster Inlove2  - BTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon