Chapter 11

254 14 0
                                    

Raile's Pov

"Alam kong nasasaktan karin" Sabi ni Harold,Nandito kami sa bahay ko at nakaupo sa sofa. "Nasasaktan ka dahil wala na kayo" Sabi nito habbang ako ay nakayuko lang.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko"

"Minahal mo nga ba sya Raile?" Sabi nito kaya lalo akong napayuko,Hinawakan nya ang isa kong kamay "Kung alam kong mag hihiwalay kayo,Sana una palang inagaw na kita" Sabi nito kaya napatingin ako sa kanya ng seryoso "I'm just kidding" Sabi nito at ngumiti.Bumuntong hininga nalang ako. "Pero Raile,Andito lang ako kung kailangan mo" Sabi nya

"Salamat,Dika ba galit?"

"Bakit ako magagalit?"

"Diba ang sabi ko ay ginamit ko lang si Austin"

Ginulo nya ang aking buhok "Eh ano naman sakin 'yon? Tandaan mo,Mas nauna kitang naging kaibigan kaysa kay Austin"

Napangiti nalang ako sa sinabi nya,Andito sya kahit wala na kami ni Austin.Diko alam kung para saan o kung bakit nya to ginagawa.Ang alam ko lang ngayon ay may kaibigan parin ako.Kaibigan na kaya akong tanggapin kung sino ako at kaya akong tanggapin

"Ah raile aalis na ako" Sabi nito.Inihatid ko sya sa labas at inintay syang makaalis.

Nang makakaalis sya ,May anino akong nakita sa likuran ko.Bigla akong nakaramdam ng takot.Unti unti akong humarap at sya lang pala,Pero bat pala sya andito?

"Arthur gabi na ah?" Tanong ko

"Hindi ko na ba pedeng bisitahin ang babaeng gusto ko?" Sabi nito kaya napakunot ang aking noo.

"Bakit pala? May kailangan kaba?" Sabi ko

"Ikaw" Nagulat ako ng matumba sya sa balikat ko.

"Arthur.?" Bigla kong naamoy ang alak sa kanya "Uminom kaba?" Sabi ko,Wala nakong naggawa kundi ang dalhin sya sa loob ng bahay at ihiga sa sofa.Nag mulat ito. "Lasing kaba?" Nilagay nito ang dalwa nyang kamay sa likod ng ulo nya,Ito ang nag silbing unan nya at tumingin sya sa taas. "Uy..Arthur uminom kaba?" Bumuntong hininga ito

"Akala ko nung una,hindi na kita gusto" Sabi nito.Bigla itong tumingin sakin "Ang hirap palang pigilin ang sarili mo "

"Di kita maintindihan" Umupo ito at tumayo sa harap ko

"Nung araw na 'yon.Alam kong si Austin ang gusto mo,Nag paraya ako para kay Austin,Akala ko nakalimutan na kita pero habbang tumatagal,Lalo akong nag kakagusto sayo.Diko maintindihan ang sarili ko,Nanatili akong tahimik dahil ayokong guluhin kayo pero hindi ko na talaga kayang pigilin ang sarili ko,Feeling ko ay sasabog na ang puso ko"

"A-ano bang sinasabi mo?"

"Gusto parin kita" Hinawakan nya ang mag kabila kong pisngi at halos di ako makakilos ng halikan nya ako.

----------------------------

"Raile?" Natauhan ako sa boses ni Matt.

"Iniisip mo ba si Austin?" Sabi ni Jake pero ngayon hindi si Austin ang iniisip ko,Ang iniisip ko ay si Arthur.

"Hindi"

"Edi sino?" Sabi nya

"edi ako" Sabi ni Matt kaya napairap nalang ako

"Assuming karin no?" Sabi ko at tumawa sya

"Umaasa na ngalang,Sisirain mo pa" Sabi nya na nag pangiti sakin. "Ano nga ba ang iniisip mo?"

"Ha? Wala.Siguro inaantok pa ko" Sabi ko

"Edi matulog ka.Babantayan kita" Sabi ni matt at nakaramdam ako ng kilig ng diko alam ang dahilan.

"Kadiri kayo"Sabi ni Jake at tumayo sabay alis sa canteen.

Biglang tumunog ang cellphone kaya kinuha ko sa bag ko at binuksan ang text message.

/Unknown Number/

Die or Iive?

Bigla akong kinabahan sa message na 'yon,Tumingin ako kay Dannica pero nakaupo lang ito sa may isang table at walang hawak na cellphone.

Tumunog ulit ang aking cellphone.

/Unknown Number/

I need you, Hindi kita papatayin dahil kailangan pa kita.

Anong sinasabi nito? Sino ba 'tong nag tetext na 'to?

"Are you ok?" Napatingin ako kay Matt at nakatingin sya sa kamay ko na nangangatal habbang hawak ang cellphone ko

"Oo naman" Sabi ko at nilagay na ito sa bag ko.

"Inaantok ka paba? "

"No..Don't worry about me" Sino namang mag memessage sakin non? Hindi naman si Dannica.Wrong send?

Nang mag bell ay lumabas na ako ng canteen at iniwan dun si Matt.Napadaan ako sa locker ko at may nakalabas na papel kaya binuksan ko.

Hindi lahat ng nakikita ng mata ay totoo.
Walang may hawak ng buhay mo pero ngayon
hawak hawak ko na 'to at kaya ko itong wasakin
kahit kailan na gugustuhin ko,Pero bago ko wasakin
ay sisirain ko muna sya,Sisirain ko sya katulad ng
pag kasira nya sa buhay ko.Kailangan kita para
ako na ang kakatakutan ng buong tao at hindi na sya.
Masyado syang pabida sa aking mga plano at kagustuhan,
Gusto kong mag pasalamat sayo dahil dumating ka sa
buhay nya.Ngayon alam na alam ko na ang kahinaan
niya.

Anong ibig sabihin ng sulat na 'to? Anong sinasabi nya? Anong gusto nyang iparating? Bigla kong naalala si Austin,Hindi kaya? Si Austin ang tinutukoy ng sulat nito at ako ang kahinaan ni Austin? Alam nya bang wala na kami ni Austin kaya hindi na ako ang kahinaan nya? Pero kahit wala na kami ay nakaramdam parin ako ng takot.Pinunit ko ang papel at tinapon sa basurahan.Nanakot lang ang taong nag sulat nito.Sino ba sya? Bat ayaw nya nalang mag pakilala sakin at hindi nya dinadaan sa txt at sulat.So Pathetic.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa sunod na txt.

/Unknown Number/

Hindi ito isang biro,Mas maganda itong tawaging Laro.Alamin nyo kung sino ako bago ko kayo unahan,Kung hindi nyo malalaman kung sino ako ay hindi nyo mapipigilan ang plano ko,Mamatay sya..Mamatay sya..Mamatay sya...Mamatay sya...

Mamatat sya? Hindi mamatay si Austin.Hindi sya mamatay at hindi ko hahayaang mangyari 'yon.Kung si Austin ang nag proprotekta sakin noon,Ako naman ang mag liligtas sa kanya ngayon.

Gangster Inlove2  - BTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon