Chapter 33: The Final Battle (Part 2)

199 11 0
                                    


Anicka's POV

'Anicka! Please hurry!'

Iyan ang huling narinig ko kay Athena at wala na akong narinig pa. Shit! I need to find the gem of fire!

Malawak ang lupain ng Hathoria. Dagdag pa na sobrang dilim at ang mapulang buwan lang ang nagsisilbing ilaw.

Ako ang inatasan ni Athena na hanapin ang brilyante ng apoy. Dahil kapag nakumpleto na niya ang apat na brilyante, ito ang magiging susi para makababa ang mga ivtreng galing ng Devas.

Ramdam ng kapangyarihan ko ang brilyante kaya hinayaan ko nalang ang sarili kong sundan ito.

Matapos ang ilang minutong paghahanap, nakarating ako sa pinakamalaki at nakakatakot na bulkan na pinagmamalaki ng Hathoria. Ang Mt. Lucius.

"Andito ang brilyante ng apoy?" tanong ko sarili.

Mabuti nalang at hindi ngayon ang taon na sasabog ang bulkan kung hindi, mahihirapan akong kunin sa loob ang brilyante.

May naaninag kasi akong pinto sa ilalim ng bulkan kaya natitiyak kong may nilalang na nakatira doon.

Hindi na ako nagaksaya pa ng oras, tumakbo na ako ng sobrang bilis para marating ang bulkan.

Nakapagtataka lang, wala manlang pumigil sa akin. Pero mabuti nalang at wala.

Matapos ang dalawang minuto, nakarating na ako sa pinto at binuksan ko iyon ng dahan dahan.

Nilibot ko ang buong kwarto at may nakatayong babae na ang nasa harap ko.

"Sino ka?" tanong ko

"I'm Andrea." sagot niya.

Andrea? Di kaya--

"Your right. Ako ang brilyante ng apoy na matagal na ninyong hinahanap." nakangiting sabi niya.

Agad siyang nagpalit ng anyo, mula sa pagiging tao hanggang sa maging isa na siyang brilyante ng apoy.

Lumapit siya sa nakabuka kong palad. Tiniklop ko ang kanang palad ko at mabilis na umalis.

---

Athena's POV

"Ahhh!"

Muli na naman akong tumalsik dahil sa pag-atake sa akin ng sarili kong kakambal.

"Rosela! Gumising ka please!" Anicka! Asan kana ba?

"Kill her now Rosela!" Uno

Napapikit nalang ako. Ayoko pang mamatay pero ito na yata ang katapusan ko.

Si Daniel, nawalan na ng malay dahil sa sobrang pagkauhaw niya at ako baka mamamatay na agad.

Rosela is now on her werewolf form. Kung gaano kaganda ang pagiging taong lobo niya, nakakatakot naman ang aura na bumabalot sa kanya.

"ATHENA!"

Nagising ako bigla sa pamilyar na boses na tumawag sa akin. Agad kong nasalo ang brilyanteng matagal ko nang hinahanap.

May bumalot na nakakasilaw na liwanag sa buong katawan ko. Ramdam ko narin ang pagbabalik ng lakas ko.

Nawala narin ang liwanag at nakatayo na ako ngayon.

"This can't be!" galit na sigaw ni Uno.

"Talo kana ngayon Uno." sabi ko.

Kung kanina'y galit siya, ngayon napalitan naman ng ngisi.

"Nasa akin ang tatlong brilyante. Paano mo ako matatalo Athena?" Uno

"Mali ka. Dahil pekeng brilyante ang naibigay ko sayo." sagot ko.

Namilog ang mga mata niya sa sagot ko.

"Ang brilyanteng hawak niyo ay peke. Dahil ang totoo, nasa akin talaga ang tatlong brilyante."

Inilibas ko ang tatlo sa kanang kamay ko. Bakas ang galit ni Uno dahil naisahan ko na naman siya.
"Hindi mo ata napansin? Hindi pwedeng nasa kaliwang kamay ko ang brilyante. Lahat ay nasa kanan. Akala ko pa naman matalino kana." ako

"AHHHH! MAGBABAYAD KA!" sigaw niya.

'Anicka, take my twin and Daniel to the safest place.' utos ko kay Bessie gamit ang isip.

Agad naman niyang sinunod ang sinabi ko. Inalalayan niya si Rosela na makatayo dahil bigla siyang nawalan ng malay sa nangyari kanina.

Ngayon, eto na ang hinihintay ko.

"By the power of the four gems made by our almighty God. Emre! Here my prayer! Help us to defeat the dark!" sigaw ko habang ang dalawa kong kamay ay nakataas kasama ng apat na brilyanteng nakalutang.

Isang napakasilaw na liwanag ang bumalot sa apat na brilyante. Napaiwas nalang ako ng tingin.

Maya-maya, nawala na ang nakakasilaw na liwanag at tumambad sa akin ang napakaganda at makapangyarihang brilyante na hawak ko ngayon.

Ang Inang Brilyante.

Itinaas ko ang Inang Brilyante, may lumabas na kapangyarihan mula dito papunta sa taas.

Third Person's POV

Lubos ang kasiyahan ni Athena nang sa wakas ay nabuo na niya ang apat na brilyante.

At ngayon, ito ang susi upang makababa ang mga malalakas na mga ivtre galing Devas upang kalabanin ang mga ivtre galing naman ng Balaak.

Ang kanina'y madilim na kalangitan, nabalutan na ng liwanag.

Kitang kita na ni Athena ang mga ivtreng bumababa mula sa langit.

Lalo na ang kanyang Lola Cassiopeia na hindi niya aakalaing makikita niya.

At dito na nagsimula ang totoong laban sa pagitan ng kabutihan at kadiliman.

"Makakabalik kana ng Balaak, Uno." seryosong sambit niya habang pinagmamasdan ang mortal na kaaway na unti unti ng nanghihina.

At sa wakas, magagamit na ni Athena ang kapangyarihan ng Inang Brilyante sa unang pagkakataon.

"Whom shall try to escaped from the dark, will be forever punished."

"MAGBABAYAD KA ATHENA!" rinig niyang sigaw mula kay Uno bago ito natunaw at nawala na parang bula.

Nagsaad siya ng sumpa sa mga hadezar na unti unti naring nauubos para makasigurong hindi na sila manggugulo ulit.

Finally, the great war has ended and the light won.

--

Tapos na po! Finally rin! HAHA. Pero may bonus pa po yan. 😁👍

The Famous Girl has a Secret [COMPLETED]Where stories live. Discover now