Athena's POV
"Twin."
Napalingon ako kay Rosela na nagsalita at papasok sa kwarto ko.
"Bakit Twin? Anong problema?" tanong ko at nilapitan ko siya.
"This is all my fault. Ako ang dahilan kung bakit nag aya ng digmaan si Uno. Kung sana--" hindi na niya naituloy ang pagsasalita niya dahil niyakap ko siya ng mahigpit.
"Twin, everything happens for a reason. Hindi matatapos ang gulo kung hindi tayo lalaban." sagot ko
Ngumiti lang siya.
"Athena, I have something to tell you." sabi niya.
Kumunot bigla ang noo ko at tinanong siya, "Ano yun?"
She sighed. Gusto ko mang basahin ang isip niya, pero ayokong gawin yun dahil mas magandang siya mismo ang magsabi sa akin.
"Uno is not my real fiancè."
Mas lalo akong nagtaka sa sinabi niya.
Ngumiti siya ulit, "Do you remember the handsome nurse you mentioned to me?" tumango ako. Ano naman ang nasa fafang nurse na yun?
"He's now my fiancè. To be honest, he is the Alpha of our kind."
Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya at kasabay nito ay ang pagpasok ng isang pamilyar lalaki sa aking kwarto.
"Nice to meet you again, Princess Athena." nakangiting sabi niya.
Omg! Si nurse Mikael Galore!
"Sorry kung hindi ko inamin sayo na isa akong Alpha. Hindi pa kasi ako sigurado noon na ikaw ang Prinsesa ng Lireo." Sabi niya.
"Ahh, teka? Paano kayo nagkakilala ng kakambal ko?" tanong ko
"Gusto ko mang sabihin sayo pero mas mabuting unahin muna nating tapusin ang laban na tayo ang panalo." Mikael
Tama siya. Kailangan muna naming unahin ang madugong labanan.
Naputol lang ang pagmumuni muni ko nang mapansing may lumapit na isang kawal sa akin.
May binigay siya sa akin na siyang ikinanuot ng noo ko. Binuklat ko ito at binasa.
'When the red moon appears, the battle will begin.'
Iyan ang nakasulat sa mahiwagang papel na dala ng isang hadezar sa amin.
"When the red moon will appear?" tanong ko sa isang witch.
"Tommorrow, your highness." mabilis na sagot niya.
Walang ano ano'y nagsipaghanda na kami sa paparating na laban.
Para mas mapadali ang paghahanda, hinati ni Mom ang mga witch, bampira, engkantada, werewolf at ang iba pang uri ng nilalang na kakampi namin sa kanya kanya nilang dapat gawin.
--
Tonight, the bloody war will begin.
Sa isang napakalawak na kalupaan ng Hathoria kami maglalaban laban.
Matapos ang ilang minutong pag aantay, dumating narin sila.
Hindi ko maiwasang mangamba, napakarami nga namin pero madali nila kaming mababawasan dahil sa mga hadezar.
"Whoah, napakadami niyo naman." nakangising sambit ni Uno mula sa malayo.
Hindi ko pinansin ang pang iinsulto niya, "Where's Anicka?"
Hindi ko alam kung matatawa ako sa reaksiyon niya dahil halatang gulat na gulat siya.
"Wala kaba talagang alam?!" sigaw ko na naiinis na.
Biglang sumeryoso ang mukha niya, "Hindi ako Lost and Found ng mga taong nawawala."
"Hindi ako naniniwala sayo! Kinuha mo siya hindi ba?!" ako
Ngumisi siya at sinabing, "Kung gusto mong malaman kung nasaan siya, shall we start the game?" tanong niya at nagsimulang maglakad pabalik sa kampo niya.
"Athena.." naramdaman ko ang kamay ni Daniel sa kanang balikat ko.
Dahan dahan niya akong iniharap sa kanya. Nagulat ako nang hawakan niya ang magkabilang pisngi ko.
"Please be careful, honey. I don't want to loose you." bulong niya
"I promise." sagot ko
Humarap kaming dalawa sa mga kakampi namin. At kitang kita ko ang gusto nilang manalo at para mamuhay narin sila ng tahimik.
(Play the video on this part.)
"I'm not forcing you to join this battle. This is your choice! If we want to win, we must fight! If we want to end the darkness, we must fight!" sigaw ni Daniel sa kanila.
Sa halip na umiyak sila o masaktan sa mga sinabi ni Daniel, naghiyawan sila na para bang payag sila sa nais ng hari ng mga bampira.
"For the light and peace!" ako naman ang sumigaw.
"FOR THE LIGHT AND PEACE!" sigaw nila ulit.
Maya-maya, lumabas na ang inaabangan naming pulang buwan.
"ATTACK!/FIRE!"
Tuluyan ng nagsimula ang matinding laban.
Pagsabog, tunog ng mga espada at nagliliparang mga nakakalasong pana ang nakikita ko sa buong paligid.
Ginamit ko ang tatlong brilyante sa isang malaking hukbo na papalapit sa akin.
Mabuti nalang at hindi sila hadezar kaya madali ko silang napatay.
"Honey! Go now! Hanapin mo na ang brilyante ng apoy!" sigaw ni Daniel habang patuloy na nilalabanan ang mga hadezar na umaatake sa kanya.
"I can't leave you here!" sigaw ko din.
"Kaya na namin to! Sige na!" Daniel
"Ang tigas din ng pangil mo ano?! Sabi ng ayokong umalis eh! Mamaya na!" ako
At ang ending, napalibutan na kami ng magkahalong mga buhay at patay. Yuck.
Wala kaming nagawa kundi ang tumalikod sa isa't isa.
Hindi ko na inanintala ang paghawak ni Daniel sa kamay ko na kahit sa gitna ng laban ay kinikilig ako.
Ashtadi! Mamaya kana kiligin!
Naramdaman kong may aatake kay Daniel kaya agad ko itong ginamitan ng brilyante ng hangin para malagutan siya ng hininga.
"Thanks honey." bulong niya mula sa likod ko.
Napangiti ako sa pag thank you niya.
Pero muli akong nagulat nang maramdaman ko ulit na may aatake sa kanya.
Pero huli na akong iligtas siya.
"Daniel!" sigaw ko nang makitang napaluhod siya.
Meron siyang daplis sa braso at agad ko namang nilabas ang brilyante ng lupa para gamutin ang sugat niya.
Pasalamat nalang ako at nagamot ng brilyante ang sugat niya. Galit na galit akong tumingin sa hadezar na nanakit sa aking hari.
"YOU. WILL. PAY." tatawa pa sana siya nang bigla siyang tumalsik papunta sa malalim na bahagi ng dagat na gawa ng brilyante ng tubig.
Kitang kita ko ang mga halamang dagat na pilit siyang nilulubog pailalim.
Serves you that asshole. You hurted my King.
----
How's this chapter mga babe?
YOU ARE READING
The Famous Girl has a Secret [COMPLETED]
FantasyHIGHEST RANKED: #5 in GMA #216 in MISTERY #11 in AMIHAN She has everything... She is admired by the people around her... That's why she is FAMOUS..... But, did they know about her...