Sa bawat pagdilat ng mata
Dala dala ang pangamba
Sa pagsikat ng bagong umaga
Gising ayon sa nakikita ng iba
Ngunit ano nga ba pag nakatago na?
Gising at nakadilat
Sa loob ay unti unting kumukudyat
Nilalabanan ang kidlat
Ng damdamin na pabigat.
Pasaning higit
Hindi napipikit
Di malaman ang dapat sa sapat
Dahil dilat ngunit hindi mulat.

YOU ARE READING
Out of the Blue
PoetryCollection of poems. From a mind full of chaos and confusion.