"Noona" ❤

228 30 3
                                    

Kookie

Ako si Kooper Markie in short "Kookie". Mag isa lang ako sa buhay. Patay na ang mga magulang ko. Isang bagay lang ang naiwan nila sa akin. Ang bahay namin. Pag aari toh ng mga magulang ko. Oo, ganun kami kayaman...

Sino ba namang di yayaman sa kakatrabaho?

Ni minsan nga wala silang time sa akin.

Kahit konti lang.

Wala.

Hindi ako nag seryoso sa buhay. Wala na akong ginawa sa buhay kundi ang magloko. Ganun talaga siguro kapag kulang sa pagmamahal.

Ang mga kapatid ng magulang ko sinukuan na rin ako. Pero sinusuportahan pa rin nila ako sa pag aaral ko.

Gusto kong ipakita na walang kwenta ang pag tulong nila sa akin. Dahil ayaw ko na rin namang mabuhay dito. Wala ng nag mamahal sa akin.

Walang wala.

Kaya eto ako ngayon...

Nakatayo sa isang handrail ng isang bridge. Na kapag tumalon ay siguradong malulunod ka dahil sa lalim ng ilog ma babagsakan ko.

Ganto ako araw araw..imbis na pumasok, gumagala gala lang.

Pero this time, iba na. Hindi ko na kaya toh.

Ipinikit ko ang mga mata ko at dinama ang hangin. Naramdaman kong may patak ng tubig na tumama sa aking mukha.

Napadilat ako dahil dun. Nakita ko namang nagmumula ito sa kalangitan. Habang patagal ng patagal ay palakas ito ng palakas.

Napangiti ako dahil dun. Ayos toh. Baka lalong lumalim ang babagsakan ko. Eh di patay ako agad. Haha.

Akmang magpapadala na ako sa hangin na parang tinutulak ako. Ngunit nilabanan ko ito ng makarinig ako ng paghikbi.

Napatingin ako sa ibaba, at nakita ko ang isang babae na nakaputi. Mahaba ang buhok niya, nakabagsak ito dahil sa tubig na umaagos na nagmumula sa kalangitan.

Nakaramdam ako ng awa. Aish! Distraction. Distraction.

Magpapakamatay pa ko di ba?

Aish!

Napatingin uli ako dun sa babae.

Kawawa naman siya.

Lalong lumakas ang ulan kasabay ng kanyang paghagulgol.

Aish!

Next week ko nalang nga itutuloy toh.

Dahan dahan naman akong bumaba ng handrail.

Nang makababa ako ay lumuhod ako sa gilid nung babaeng nakaluhod din sa sahig.

Kinalabit ko siya sa balikat niya. At agad naman siyang tumingin sa akin.

Lalo akong nakaramdam ng awa ng makitang namumutla ang mga labi niya. Pati ang mga mukha niya.

Nakita ko ring nanginginig na siya.

Nagkusa naman akong tanggalin ang suot kong jacket. Buti nalang at may suot akong ganto. Iniisip ko kasi na baka lamigin ako sa ilalim ng river na toh pag nahulog ako.

Inilagay ko ito sa ulo niya at tinulungan ko siyang tumayo.

Pinunasan ko ang mukha niya na may bumagsak na luha na may kahalong ulan.

"Wag ka ng umiyak." sabi ko.

Nakatitig lang siya sa akin.

"Sino ako?" bigla niyang sambit.

Napataas naman ang dalawang kilay ko.

Hindi niya kilala kung sino siya?

Pwede ba yun?



Noona ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon