Chapter 9

65 18 0
                                    

Kookie

2 days na ang nakakalipas. Ang tahimik ko ngayon sa bahay. Bored na nga ako eh. Kasi wala ng nagpapatawa sakin. Hays.

Namimiss ko na si Noona.

Kahit naman na alam ko na ang tunay niyang pangalan eh...mas nasanay pa rin ako sa Noona.

And...ngayon nga pala yung kasal namin. Sasabihin ko na sana kahapon Kay Lolo kaya lang nawalan ako ng lakas ng loob. Ayoko namang malungkot siya na malaman niyang fake lang ang pag sasama namin ni Noona.

Hays. Paano na toh?

Pupunta pa rin ba ako? Kahit wala naman ang bride ko?

Gosh.

Tonie

Ngayon ang kasal namin ni Kookie. Hindi ko naman makakalimutan yun eh. Ngayon ay kinakausap ko si Mama.

"Ma...siya talaga ang mahal ko." sabi ko.

"Tonie! Ilang araw lang kayong nag sama ng lalaking yun! Hindi mo pa siya Ganun kakilala tapos ngayon magpapakasal ka na!?"

"Mama! Puso ko na ang nagsasabi! Si Kookie talaga ang mahal ko. At sigurado ako sa kanya."

"Sigurado ka nga sa kanya. Pero siya!? Sigurado ba siya sayo? Alam niya ba na anytime pwede kang mamatay?"

Napayuko naman ako ng marinig ko yun.

"Minsan wag puro puso ang paiiralin. Paiiralin mo rin minsan yung utak mo."

"Mama...buong buhay ko, puro kayo ang nasunod..ni minsan Hindi ako nagreklamo! Binabalewala ko na nga lang yung gusto ng puso ko eh. Pero Ma, please kahit ngayon lang. Sana naman hayaan mo na ang puso ko ang magdikta kung ano ang gagawin ko. Mahal ko si Kookie... Please...HULING HILING ko na toh." sabi ko.

Kookie

Nag aayos na ko ng suot ko. Hays. Eto na talaga. Gosh. Kanina pa rin nandyan yung susundo sa akin. Paano nga ba yung script ko? Paano ko sasabihin?

Todo namang bumusina yung kotse na naghihintay sa akin kaya binilisan ko na ang pag aayos.

Tumingin naman ako sa wedding gown ni Noona. Kung nagka taon...bagay na bagay sa kanya toh. Siya siguro ang pinaka magandang babae sa araw na toh.

Sana makarating siya.

Bumaba naman na ako at sumakay sa kotse. Nag drive NAMAN na siya papunta sa simbahan. Todong kaba naman ang nararamdaman ko habang bumabyahe.

"Aish! Kookie...relax!" sabi ko sa sarili ko.

Mabilis naman kaming nakarating sa simbahan. Tententenen ghad eto na!!

Lord...please help me.

Lumabas naman na ako ng kotse.

"Apo..." salubong sakin ni Lolo. Wow. Andaming bisita.

Grabe naman ito.

"Relax relax ka muna dyan...habang hinihintay yung bride ah." sabi ni Lolo.

Tumango naman ako. Todo kaba ang nararamdaman ko. Hindi pa ako ready.

After 30 minutes...

"Antagal naman nung bride." reklamo ng ilang bisita.

Huminga naman ako ng malalim.

Umupo naman sa tabi ko si Lolo kaya umupo ako ng maayos.

"Kinakabahan ka ba?" tanong niya. Oo Lolo. Sobra.

Tumango naman ako.

"Wag kang mag alala. Kung mahal ka niya sisipot siya ngayon." sabi ni Lolo at tinapik ang balikat ko. Akmang Sasabihin ko na Kay Lolo ang totoo ng--

"Nandyan na yung bride sa wakas!!" sigaw nung mga bisita. Nakaramdam naman ako ng tuwa. Dumating siya.

"See? Told yah!" sabi ni Lolo at kinindatan pa ako. Napatawa naman ako dahil dun.

"Pwesto na guys!" sigaw nung isang bisita.

Pumwesto naman na ang lahat. Pati ako.

Totoo nga. Dumating siya. Nag lalakad SIYA ngayon papunta sa akin. At suot niya yung gown.

Napangiti naman ako. Ang ganda niya. Sobrang ganda.

Nakalapit naman na siya sa akin.

"Sorry...traffic eh." sabi niya. Natawa naman kaming dalawa. Ibinigay na niya ang kamay niya sa akin.

Sabay kaming pumunta sa harap ng altar.

Nagsalita naman na ang priest. Nag sabihan na rin kami ng ' I do'. Parang Ang bilis nga ng mga pangyayari author. (Author: wala kasi akong alam sa mga ganyan hahaha)

"You may now kiss the bride." sabi ng priest.

Nagngitian naman kami ni Noona. Unti unti kong nilapit ang labi ko sa labi niya hanggang sa nag kiss na nga kami.

First Kiss is real. Hahaha.

Nagpalakpakan naman ang lahat ng bisita.

Todo naman ang saya ko. Dahil Na kasal ako Kay Noona.

Nag picture taking naman na.

Pero bago yun ay may ibinulong sa akin si Noona.

"SkyRanch tayo." sabi niya. Sumang ayon naman ako dun.

Pero bigla akong nakaramdam ng kakaiba.

Bigla akong kinabahan. Bigla namang nag flash yung camera at nakuhanan na kami.

Matapos ang daan daang picture taking ay nag paalam kami Kay Lolo na kailangan na naming umalis ni Noona. Sumang ayon naman siya at sya nalang daw ang bahala sa reception.

Sumakay na kami sa kotse na pinahiram ni Lolo.

On the way to SkyRanch!

Noona ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon