Chapter 10

74 17 0
                                    

Tonie

Habang Nasa byahe kami ay matinding sakit ng ulo na ang nararamdaman ko pero Hindi ko pinapakita Kay Kookie. Halatang excited na siya na magkasama kami.

Pero...sorry Kookie.

Mukhang Hindi na ko magtatagal.

Nakaramdam naman na ako ng antok. Halos wala Kasi akong tulog kakaisip kagabi. Malayo pa naman ang byahe.

Kookie

Napangiti naman ako ng makitang tulog si Noona. Napagod siguro siya. Kahit ako naman.

Halos gabi na kami makarating dito sa SkyRanch. Konti lang ang tao Hindi katulad nung pumunta kami dito nung nakaraan.

Ginising ko naman si Noona at sinabing nandito na kami. Bumaba naman na kami ng kotse.

"Kookie..sakay tayo sa Ferris Wheel." sabi niya.

Na naman?! Hays pero sige na nga.

"Sige."

Hinila niya ako papunta dun. Napatingin naman ako sa ferris wheel. Halos walang nakasakay.

Sumakay naman na kami ni Noona at umandar naman na ito.

Tulad nung nakaraan...namamangha pa rin si Noona sa mga nakikita niya. Hinawakan ko naman ang kamay niya at tumingin din sa ibaba. Pakiramdam ko kasi kapag hawak KO siya nawawala ang kaba ko.

Naramdaman ko namang ipinatong niya ang ulo niya sa balikat ko.

"Inaantok na ako Kookie." sabi niya.

Napatawa naman ako.

"Inaantok ka na naman? Kakatulog mo nga lang eh. Hahaha." sabi ko. Natawa rin naman siya.

"Kookie.." tawag niya.

"Noona."

"Mahal mo ba ako?" tanong niya. Napatingin naman ako sa kanya.

"Tinatanong pa ba yan? Eh ikaw nga ang first love ko." sagot ko.

Napangiti naman siya.

"Napagod ako kanina." sabi niya.

Tumango naman ako.

"Ako rin eh! Ang haba nung kasal pero sulit kasi makakasama kita sa lifetime." sabi ko. Oo. Lifetime lang kasi walang forever!

Umayos naman na siya ng upo. Napatingin ako sa kanya pero nagulat ako ng halikan niya ako sa labi ko. Matapos nun ay ngumiti siya sa akin kaya nginitian ko rin siya.

"Thank you Kookie...sa lahat." sabi niya at ipinatong na naman niya uli yung ulo niya sa balikat ko.

"Salamat din Noona sa pagmamahal mo. Hindi ko nga akalain na may mag mamahal sa siraulong katulad ko eh." sabi ko.

"Thank you...kasi..kung Hindi dahil sayo...patay na ako ngayon dun sa bridge." sabi ko pa. Naalala ko pa nun nung tatalon ako sa bridge pero narinig ko siyang umiiyak.

"You will always be my Kookie." narinig kong sabi niya. Kinilig naman ako dun.

"And you will always be my Noona." sambit ko at ipinikit ang mga mata ko habang dinadama ang hangin.

"Pwede bang matulog na ako Mister?" tanong niya. Napatawa naman ako. Namiss ko ang pag tawag niya sa akin ng Mister.

"Mukhang napagod ka nga. Sige. Matulog ka na Noona. Sweet Dreams." sabi ko at napangiti.

Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya bago ko naramdaman na parang bumigat siya.

Ang bilis namang matulog ng Noona ko.

Hinaplos ko naman ang pisngi niya.

"I love you...my Noona."

Noona ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon