Chapter 1

150 25 0
                                    

Tonie

Ako si Antoniella "Tonie" Fatima. 19 years old. Masayahin,maganda daw sabi nila,makulit,active palagi.

Pero..NOON yun.

I'm dying.

Because of this fucking 'brain cancer'.

This shit. Destroyed my entire life. Destroyed EVERYTHING!!

My dreams,hope, and my future.

Nakatingin ako ngayon sa salamin dito sa kwarto ko. Ang dating mapupula kong labi ay halos namuti na dahil sa sobrang putla. Ang mga mata kong nagniningning ay halos nakaluwa na dahil sa katawan kong noon ay Nasa normal size lang na ngayon ay naging sobrang payat na.

Napatawa naman ako. Bakit nga ba parang umaasa pa ako na babalik yung meron ako NOON?

Eh mamatay na nga ako.

Ramdam ko naman na eh.

Ramdam na ramdam.

Malapit na ang kamatayan ko.

Umiwas na ako ng tingin. Napatingin ako sa bag sa kama ko. Ay Mali,kama pala toh ng bwiset na ospital na toh.

Maglalayas na ako. Ayokong mamatay sa ospital na toh. Sakal na sakal na ko dito eh. At Hindi ako papayag na mamatay habang sinasakal.

Kinuha ko ang bag ko at binuksan yung bintana dito. Inayos ko naman yung nahanda na lubid na ginawa ko. Keri ko naman na toh. 2nd floor lang naman toh.

Umayos na ako ng pwesto at humawak sa lubid. Umakyat ako dun sa bintana.

"Goodbye." sambit ko.

Nag patuloy naman na ako sa pagbaba habang mahigpit na nakakapit sa lubid.
Nang malapit na ko sa babagsakan ko ay tumalon nalang ako. Malapit naman na eh.

Successful naman akong nakababa. Inayos ko ang pagkakasabit ng bag ko sa balikat ko.

Nagsimula naman na akong lumabas ng lugar na ito. Sumabay akong lumabas dun kasama ang mga taong papalabas din. Para Hindi ako mapansin nung guard.

Nang makalabas naman na ako ay nagsimula na kong maglakbay. Naninibago ako sa paligid ko. Matagal tagal na rin kasi akong hindi nakakalabas.

Sa kalagitnaan ng paglalakad ko ay biglang lumabo ang paningin ko. Kahit medyo nahihilo na ako ay pinilit ko pa ring gisingin ang sarili ko.

*BEEEEEPPP!!!!*

"HOY!! TUMABI KA NGA!!"

"PAHARANG HARANG NAMAN TOH O!!"

"MAGPAPAKAMATAY KA BA!?"

"WAG MO KAMING IDAMAY SA KABALIWAN MO MISS!!"

Noona ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon