Kookie
Nag taxi kami ni Noona papunta dito sa mall na malapit lang naman halos dito sa subdivision. Pagkadating namin sa mall ay agad kaming pumunta sa restaurant na sinasabi ni Lolo.
Nang makarating kami dun ay nakita namin agad si Lolo. Inakbayan ko naman si Noona. Syempre para real na real talaga.
"Hi Lolo!"
"Ay nandyan na pala kayong mag sweetheart. Ay maupo kayo." sabi ni Lolo.
Tinulungan ko namang makaupo si Noona. Umupo din ako sa tabi niya. Para talaga di ba.
Inilagay na ng mga waiter yung pagkain sa table. Woah. Andami naman. May mga dadating pa ba?
"Ah Lo, may dadating pa po ba?" tanong ko.
"Ay nako apo. Wala. Para sa inyong dalawa iyan ni Noona." sabi ni Lolo at napatingin Kay Noona.
"Kumain ka ng marami hija." sabi ni Lolo at ngumiti.
Tumango naman si Noona at nagsimula ng kumain. Aba! Akala ko naman...ang konti ng Kinain niya kanina. Waah. Alam niya bang aalis kami kaya tinipid niya yung pagkain niya kanina?
"Thank you po dito!!" sabi ni Noona.
"Ahahahaha...sige lang. Ikaw..Kookie.. Kumain ka na rin. Pinahanda ko yan para sa inyong mag asawa."
Ngumiti naman ako kay Lolo. Kinuha ko naman yung tinidor at kumuha ng kapirasong beef. Wahh. Antagal ko ng Hindi nakakakain nito. Agad ko NAMAN ng Kinain ito.
Sarap~
"Nga pala. Napag usapan na namin yung para sa kasal ninyo." bahagyang napaubo naman kaming dalawa ni Noona. Napahampas ako sa dibdib ko dahil sa sinabi ni Lolo.
"Lo?"
"Ang kasal ninyo! Di ba kayo excited? Wag na kayong mag alala sa gastusin. Ako ng bahala dun."
"Pero Lolo--"
"Let's Celebrate!!" sigaw ni Lolo. Naglagay naman ng wine ang isa pang waiter.
"May date na rin pala kami! Hahaha. Dahil ako'y masyadong excited na. Syempre gusto kong makitang ikasal ang nag iisa kong apo. Bago ako mawala." sabi pa ni Lolo.
Nakaramdam naman ako ng lungkot sa sinabi niya. Oo nga naman. Sige na nga, pagbibigyan ko na si Lolo.
"Ano po yan?" tanong ni Noona.
"Ah eto...hahaha. Hindi mo alam TOH? Isa tong wine. Gusto mo ba hija?" tanong ni Lolo.
Tumingin naman sakin si Noona. Napataas naman ang dalawa kong kilay.
"Bakit?" tanong ko.
"Pwede ba ako nun? Mister?" napatigil ako ng tanungin niya ako nun. Yung boses niya.
Bakit ba ang cute niya talaga?
Wae!?
Umiwas naman ako ng tingin at tumango.
"Yes!!" narinig kong sabi niya.
After 5 drinks...
"Baket en sherep nung wineu?!" Aish! Lasing na nga toh!
"Ahahahaha nakakatawang tignan ang asawa mo Kookie. Hahaha. Napaka swerte mo sa napakagandang babaeng toh." sabi ni Lolo at uminom din ng wine.
"Mister!! Inom ka riinnn!!" sabi niya at pinisil ang pisngi ko.
"Aish!" pipitikin ko dapat siya sa tenga pero nakita kong nakatingin SI Lolo.
BINABASA MO ANG
Noona ❤
Short StoryNaranasan mo na bang magmahal? Hindi. Naranasan mo na bang mahalin? Ewan. Yan ang mga sagot ko sa mga walang kakwenta kwentang tanong na yan. Pero... Isang babae. Isang babaeng hindi kilala ang sarili niya. Isang babae na hindi ko kilala pero nagpar...