Kookie
"What!?" sigaw ni Tito.
Napatayo naman si Lolo habang pumapalakpak.
"I'm so proud of you my grandson!!" sabi niya habang parang naluluha.
Napangiti naman ako dahil dun.
Pilit namang kumakawala si Noona sa pagkakaakbay ko.
"Stay still." bulong ko at hinigpitan pa ang pagkakahawak ko sa kanya.
"Kasal KA na?!" tanong ni Tita.
"Sa ngayon tita..Hindi pa..pero malapit na." sabi ko at tumingin Kay Noona.
"Bagay na bagay kayong dalawa. Ay hija ano nga palang pangalan mo?" tanong ni Lolo.
OMG. Ano nga bang pangalan niya?
Hindi naman pwedeng Noona--
"Noona po."
Agad naman akong tumingin sa kanya. Bakit NOONA!?
"ahahahaha!! Kakaiba ang pangalan mo ah! Di bale! Kakaiba rin naman ang ganda mo! Ahahahaha!!" nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi ni Lolo.
Buti naman at naniwala siya. Lumapit naman sa amin si Lolo.
"Kailan niyo naman balak gawin ang kasal?" tanong ni Lolo. Napataas naman ang dalawang kilay ko.
Biglang tumakbo si Noona palayo. Sinundan ko siya ng tingin. Pumunta siya sa kitchen at narinig naming nagsusuka siya.
Ano bang nangyayari sa kanya?
Napatingin naman ako sa kanila.
Nakita kong Nagulat ang mukha nila Tito at Tita..si Lolo naman nag liwanag ang mukha.
"May apo na agad ako!!" sabi ni Lolo.
Napatingin naman ako sa kanya dahil dun.
"P-po?" tanging sambit ko.
Napatingin naman ako dun sa kitchen. Tsk. Ano bang nangyayari sa babaeng toh? Tumakbo naman ako papunta sa kitchen.
"Okay ka lang ba!?" tanong ko. Tinignan ko ang mukha niya. Lalong namutla ang itsura niya.
"Noona?"
Napahawak naman siya sa ulo niya.
"A-ang sakit." sabi niya at biglang bumagsak.
Jusko. Binuhat ko naman siya at lumabas ng kitchen.
"What happened to her?" tanong ni Tito.
"Gutom lang po siguro." sabi ko at nagsimula ng umakyat para ipasok sa kwarto si Noona.
"Is she alright?" tanong ni Lolo. Tumango nalang ako para matapos na.
"Dalhin kaya natin sa ospital." sabi ni Tita.
"Ay tita wag na. Okay na siya." sabi ko.
"Are you sure?" tanong ni Lolo.
Tumango naman ako. At tumingin muli Kay Noona. Sobrang putla na talaga niya. Ano kayang nangyayari sa kanya?
Tumingin ako sa kalangitan. Gabi na pala.
Maya maya ay napagdesisyunan na nilang umalis dahil sa may lalakarin pa daw sila. Niyaya nila ako pero humindi ako. Baka isipin nila iiwan ko ang asawa ko. Hm. No way.
Nandito lang ako sa tabi ng asawa ko. Wow eh noh. Feel na feel. Hahaha syempre joke lang yun.
Ginawa ko lang yun para mapasaya si Lolo.
BINABASA MO ANG
Noona ❤
Short StoryNaranasan mo na bang magmahal? Hindi. Naranasan mo na bang mahalin? Ewan. Yan ang mga sagot ko sa mga walang kakwenta kwentang tanong na yan. Pero... Isang babae. Isang babaeng hindi kilala ang sarili niya. Isang babae na hindi ko kilala pero nagpar...