"Huwag kang lalapit!" tili ni Jemma at Grace.
"Tigilan mo na kami!" sigaw ko upang agawin ang atensyon ng babaeng multo pero hindi nya ako pinapansin.
Patuloy syang lumalapit sa dalawa habang sila naman ay tuloy din sa pag -atras.Hanggang sa kapwa mahulog ang dalawa
"Hinnndeeee.!!!!"
Nanghihina ang pakiramdam ko sa aking nasaksihan.
Ako na lang ang natira.Wala na silang lahat.Anong gagawin ko.?
"Hahahahahahah.. Ngayon anak ko mararamdaman nya na kung paano ang masaktan at magdusa"
Narinig kong sabi ng multo sabay lingon sa akin.
Tiyak kong patay narin sila,dahil sa taas ng rooftop na kinaroroonan namin.Habang wala akong tigil sa pag iyak at halos hindi maihakbang ang nga paa ay unti unting nahawi ang maiitim na ulap na tumatakip sa buwan.
Gustuhin ko ma ng tumakbo ay tila bibigay ang aking mga tuhod sa sobrang panginginig
Papalapit na sya kinatatayuan ko ngunit sa aking pagkamangha ay unti-unti ding nagbabago ang anyo nito.Malinis ang puting bistida,maayos ang kanina'y magulong buhok.
Wala ng bahid ng natuyong dugo ang katawan at ang mukha.
Ang mukha nya.hindiiii !! sigaw ng isip ko....Papaanong nangyari iyon?
Dahan dahan akong napaatras at agad tumalikod sabay takbo
Habang humahagulgol."Huhuhu oh Diyos ko tulungan Mo ako." tigamak na ako sa luha, parang sasabog ang ulo ko .Bakit ganito ang nangyari sa amin.?Ang gusto ko lang naman makaexperience ng adventure kasama ang aking mga kaibigan.Pero sa kamatayan ko sila dinala.
"Patawarin nyo ako...huhuhuhu..."Para akong baliw na sumisigaw sa pagitan ng pag-iyak..
"Hindi ko sinasadya.. Huhuhuhu...kasalanan ko ang lahat...patawarin nyo ko." paulit ulit kong sigaw...
Walang direksyon ang takbo...
Dahil sa kalumaan at sira sira na ang sahig ng mansion ay may naka angat na parte nito at hindi ko napansin.Sumabit ang aking paa,at huli na para mapansin kong malapit lang lang pala ito sa hagdan.
BINABASA MO ANG
THE MAID
Horror#38 in horror out of 8.48k stories #22 in ghost out of 2.65k stories #1 in shock out of 122k stories #2 in triller out of 207k stories #227 in mystery out of 22.7k stories Thank you for supporting this story Love you all 💜