grandma (ep.9)

1.4K 44 0
                                    

"Ahhhhhhhhh!!!! "

bllaaaaagggg.....
Sapol ang aking noo sa sahig.Pinipilit kong gumapang upang mahanap ang pintuan palabas pero nahihilo na ako.

Naramdaman kong may tumulong likido sa aking mukha, alam kong dugo iyon dahil mahapdi ang pakiramdam ng aking noo.

"Oh Panginoon..bakit po nangyayari ito?"

Hindi ko na kaya, unti-unti ng bumibigay ang aking lakas at npapapikit ang mga mata.

Pero bago yun ay nakalapit na ang multo sa akin.

hinahaplos ang mukha ko at ang ulo,nakangiti,ngunit may luha sa kanyang mga mata.

"Magpahinga ka muna anak,alam kong napagod ka...."
At tuluyan na akong nawalan ng Malay.

-----------

Halos hindi ko maidilat ang aking mga mata sa sobrang pagkahilo na aking nararamdaman ,makirot ang noo.

"Anung nangyari?"

Nang biglang kong maalala ang tungkol sa nangyari sa mga kaibigan at sa babaeng multo.
Kahit hirap ay pinilit kong dumilat.


Hospital? Nsa hospital ako?pero papaano?sinong sumaklolo sa akin!Naguguluhan parin ako nang biglang pumasok si, Lola.

"Apo kumusta ang pakiramdam mo?"

Hindi ko malaman kung ikukuwento ko ba ang mga nangyari sa aming magkakaibigan at hindi ko rin alam kung maniniwala ba siya.

Kaya't tahimik nalang akong lumuha bilang sagot sa tanong ng aking lola.

"Huwag ka sanang mabibigla.Yung mga kaibigan mo,sina Joan,Grace, Jemma at Judy, wala na sila.".ang sabi ni lolà..


Ang kaninang tahimik kong pag-iyak ay naging hagulgol na.Hindi ko na napigilan na magsabi ng totoo sa kanya

"Lola kasalanan ko ang lahat.Ako ang nagpahamak sa kanila.huhuhuhu"

"Ako ang may kasalanan kung bakit sila namatay.Hindi ko sinasadya.!!! "histerikal kong iyak...

THE MAIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon