DR.LOPEZ (ep.12)

1.4K 41 0
                                    

"Apo may bisita ka"tawag sa akin ni Lola kaya sabay kaming napalingin ni Leon upang malaman kung sino ang dumating.

"Hi ako nga pala si Dr.Lopez." Pakilala ng isang middle aged na lalaki.

Mataman kong tinitigan ang lalaki.magaan ang pakiramdam ko sa kanya pero dahil sa pagke-claim nya na siya ang nakabundol sa akin ay bigla tuloy akong nakaramdam ng inis at pagdududa sa pagkatao nito.

Isa na siya sa dapat kong kilalalanin.titig na titig ang doktor sa akin at halos hindi ito kumukurap sabay bigkas pabulong ng pangalang Merlene, pero hindi iyon nakaligtas sa aking pandinig.Sino ba talagang Merlene iyon.?

Aahhhh..gusto kong sumigaw dahil dalawa na silang tumawag sa akin sa ganoong pangalan.

Nagtinginan kame ng palihim ni Leon.Ngunit agad ko siyang sinenyasan na huwag kumibo at agad naman niyang naintindihan.

Hindi nagtagal ay nagpaalam na ang Doctor na aalis isang tango lang ang isinagot ko dito.

THE MAIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon