Accept (ep.19)

1.3K 46 0
                                    

Gustuhin man niyang umalis sa poder ng mga lopez ay hindi rin siya pinapayagan nina Señora Margarita at Señor Rodrigo dahil kay Amiel..

Kinabukasan ay maagang nagising si Merlene dahil sa pagkakaramdam ng gutom kung kaya't naisipan niyang pumunta ng kusina ng di sinasadyang marinig nya ang Pag-uusap ng mag asawa....

"Kailangang gumawa ka ng paraan Rodrigo na mawala sa landas ng anak natin ang hampas-lupang babaeng iyon kasama ng bastardang anak niya.Ngunit tiyakin mo lang na malinis at hindi maghinala ang anak natin.Kasehodang patayin mo sila ikaw ang bahala..."Wika ni Margarita sa asawa.


"Huwag kang mag-alala Margarita, ako n ang bahala sa kanila.." sagot naman ng lalake sa asawa....


Dali-daling bumalik si Merlene sa silid nilang mag-ina.

Nanginginig siya sa takot.
Hindi nito akalain na sukdulang ipapatay sya ng mag asawa para lang huwag makatuluyan ng kaisa-isang anak.

"Anak ko....Hindi ko sila hahayaan na masaktan ka gaya ng ginagawa nila sa akin.Kahit buhay itataya ko mailigtas at mailayo lamang kita sa mga walang pusong iyon..." Ani Merlene sa natutulog pa na anak...

Nang mga sumunod na araw ay oalihim na kinausap ng babae si Orlando upang magpatulong na makalabas ng mansion.Sa ngayon ito lamang ang maaari niyang pagkatiwalaan.

Hindi rin naman niya kakayanin ang makalabas ng mansion dahil sa guwardyang nakabantay sa gate.

Agad na nakabuo ng plano ang dakawa at napagkasunduan nila bandang alas dose ng hating gabi sila magkikita sa garahe upang tumakas

Handa na siyang tanggapin si Orlando sa buhay niya alang-alang sa kanyang anak.

Ngunit ang hindi nila alam ay narinig pala sila ni Kristy at agad na nakapagsumbong sa mag-asawa ng hindi niya nalalaman
Nang sumapit ang takdang Oras ng kanilang naoag-usapan ay dahan-dahang binuhat ni Merlene ang anak upang hindi ito magising at malikha ng ingay.

Patingkayad siyang naglakad at panay ang dasal na sana ay makalabas silang mag-ina sa mansion ng ligtas.

THE MAIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon