Ghost (ep.24)

1.3K 43 0
                                    

"Sa wakas Kristy nagkaharap din tayo"Nanlilisik ang mga mata nitong nakatitig kay Aling Kristy at kita ang sukdulang poot sa kanyang mukha.

Kagaya ng una ko siyang makita,ang damit na natuyuan ng dugo ay hindi na mawari ang kulay,ang buhok na sobrang gulo at halos tumakip sa kalahating parte ng kanyang mukhang may bakas din ng natuyong dugo,at ang kutsilyong nakatarak sa likod nya.


Napabaling ang tingin ko kay Papa at alam kong natakot siya at hindi niya alam na ang babaing minahal pala niya ang nasa aming harapan..

Halata din sa mukha ni Aling Kristy ang pagkatakot dahil nakilala nya kung sino ang multo...

"Hindi kapa ba masaya sa nangyari sa akin at pati ang mga Mahal ko ay balak mong saktan. ?" Nagngangalit na sigaw nito.

Sa isang kumpas ng kamay ni Merlene ay parang papel na lumutang ang dalawa sa ere at bumagsak sa lamesa kung saan siya noon inilagay ni Señor Rodrigo..

Natulala na lamang kami at hindi na halos makakilos ng hawakan na nito ang patalim..

"Aaahhhhhhh...!!!"

Malakas na sigaw ni Kristy at Katulad ng ginawa niya sa mga kaibigan ko at ng nangyari sa kanya noon ay ganoon din ang ginawa niya dito.

Punong-puno ng galit ang puso nito alam ko iyon dahil sa mga pang-aalipusta at pananakit ng Mag-asawang Senson na nangyari sa kanya noon.

Habang si Leon naman ay panay din ang sigaw at pagpupumiglas ngunit may malakas na pwersang pumipihil dito upang makakilos at tumayo.

Gustuhin ko mang tumulong ngunit ano ang aking magagawa? Hanggang sa tuluyan ng ng mawalan ng buhay si Aling Kristy...

"Hahaahaha" malakas at nakakakilabot na tawa ng multo.kahit Ina ko siya ay natatakot talaga ako sa kanya.

Nanginginig na tawag ni Leon sa akin.Dahil dito ay biglang lumingon ito sa kanyang kinaroroonan..

Nanlilisik ang mga matang tinitigan siya ng Aking Ina...

Lumulutang itong patungo sa binata.Malapit na siya kay Leon at handa narin itong paslangin.Wala ng paraan.

Kailangan ko nang gumawa ng hakbang upang matulungan ito.

THE MAIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon