Minsan naisip niyo na ba kung ilang beses niyo ng tinanong ang sarili niyo kung paano ang pakiramdam ng may minamahal ka? O kaya naman ang pakiramdam na may nagmamahal sayo? Ilang araw, gabi, linggo, buwan o taon muna itong naiisip? Ilang lovers na kaya ang nakikita ng iyong mga mata tuwing nasa mall, school o kahit sa labas lang ng bahay niyo. Ano ang pakiramdam? Bitterness ba? Tipong, (tss.. magbebreak din kayo!) Insecurities ba? Tipong, (bakit siya meron ako wala?) O masaya kayo para sakanila na alam niyong nagmamahalan sila? Madaming tanong ang sumasagi sa ating isipan sa tuwing Pag-ibig ang napaguusapan.
Masarap magmahal OO, tipong may magpapaalala sayo na magiingat ka parati, laging sasabihin kung gaano ka niya kamahal, aalalayan ka para hindi ka madisgrasya dahil iniingatan ka niya, nakakausap mo siya mula umaga, tanghali, hapon, gabi, madaling araw, nayayakap mo sa tuwing may problema ka, nasasandalan mo sa tuwing nanghihina kana, nagpapalakas ng loob mo sa tuwing nawawalan kana ng pag-asa, nakakasama mong gumala, gumawa ng kalokohan siya na ang nagiging matalik na kaibigan muna boyfriend mo pa.
Napakasarap magmahal hindi ba? Kaya kahit ilang beses kang masaktan ng dahil sa pagmamahal ay patuloy ka pa ding nagmamahal na kahit alam mong masasaktan ka ulit isusugal muna ang kahinaan na yun para maging masaya kahit sa sandaling panahon. Sa panahon na darating na magiging komplikado muli ang sitwasyon dito kana magtatanung ulit.
Mga tanong na Bakit? Paano? pero nasasagot ba? Oo may ilan na nasasagot ang katanungan natin, pero mas madalas na hindi. Darating sa point na gulong gulo na ang isipan mo sa mga nangyari at ang tanging magagawa muna lang ay magantay sa tamang panahon para malaman kung Bakit at Paano nangyari ang lahat, kung bakit kaba sinaktan at kung paano niya yun nagawa sayo.
Everything happens for a reason, everything has its purpose. Ang kailangan mo lang ay tatag ng loob at magtiwala kang muli sa sarili mo na makakaya mo dahil sa huli ikaw lang din ang makakatulong sa puso mong nadurog at sa buhay mong nawasak ng dahil sa pagmamahal.
Let Go and Let God.
****
YOU ARE READING
One Last Cry
RomanceWhen you love someone, you will do everything for him or for her. But what if that kind of thinking does not worth it? do you still follow your heart? or you will let him or her go, for you to become happy? always remember that every kind of decisio...