Chapter 01

22 0 0
                                    

Natauhan na lang ako sa tunog na nang gagaling sa cellphone ko.

Ring... Ring... Ring...

Sa pagkatulala ko hindi ko na namalayang madaming missed call na pala ang natanggang ko mula sa aking kaibigan na si Chelle, si Chelle ang classmate ko since our first year college up to our second year. She is also my bestfriend, sa tagal naming naging mag kaklase naging mas malapit kami sa isa't isa nagkukwentuhan kami tungkol sa buhay buhay namin at of course sa lovelife hindi naman yan mawawala sa mga teenagers. Even our secrets kinukwento namin were bestfriends after all no secrets and we accept each other's flaws. Agad kong kinuha ang cellphone ko para masagot ang tawag ng aking matalik na kaibigan.

"Hello chelle, napatawag ka may problema ba?" Hindi na ako nag hintay pa ng ilang segundo dahil mabilis ako netong sinagot sa madramang paraan.

"Sa pagkakaalam ko ikaw ang may problema bessy, nalulungkot ako para sayo. Ayos kana ba bes? Huwag kang magpapakamatay ha? Nandito pa kaming mga nagmamahal sayo, kalimutan muna yung walang kwentang lalaki na yun makakahanap ka din ng magmamahal sayo ng totoo." Napabuntong hininga na lang ako sa mga pinagsasabi ng 'Bestfriend ko'

"Bessy, I'm fine at hindi ako magpapakatiwakal nang dahil lang dun. May pangarap pa ako no, kung ano ano naman ang naiisip mo." Ni hindi nga sumagi sa aking isipan ang naisip niya. Hays..

"Bes, concern lang ako sayo masakit kaya yun dalawang beses yun bes dalawang beses kang ginago nung walang hiyang yun. At alam kong minahal mo yun kahit papano kaya nasasaktan ka ngayon." Napatungo na lang ako habang nakahiga sa sinabi ng kaibigan ko.

"Oo bes, masakit nasaktan niya ako dalawang beses akong naging tanga sa ginawa niya pero heto ako ngayon sumusubok magsimula ulit, sumusubok ngumiti at kalimutan na lang ang nangyari." Sumagi na naman tuloy sa isip ko ang nangyari. Hindi talaga magandang binabalikan ang pangyayari habang nag momove on ka.

"Bes, I'm sorry.. wala ako nung mga time na nasasaktan ka nasa probinsya ako nun bes alam mo naman hindi ba? Hindi man lang kita nadadamayan kahit ngayon. I'm sorry bes." Mukhang siya pa ang iiyak saming dalawa.

"Anong tawag mo diyan sa ginagawa mo bes? Hindi ba at pag cocomfort yan sakin? Naglaan ka ng time ngayon para damayan ako. Kahit wala ka dito bes, ramdam ko ang presence mo sa pag damay sakin ngayon kaya okay lang alam ko din naman yun na nagbakasyon ka, nagkataon lang nasa province kana nang makita ko ang pang loloko niya." Humigpit ang hawak ko sa aking cellphone, no! Iiyak na naman ba ako? Hindi na pwede ayoko ng umiyak.

"Awww.. ang sweet naman kaya bestfriend talaga kita masyado kang maintindihin sa mga bagay bagay hindi ka kaagad nagagalit lalo kapag alam mo ang dahilan that's why I'm lucky to have you bes." Madramang may kasamang kasweetan na sinabi niya. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiiyak sa mga sinasabi niya, pero nakakatouch din ng puso makarinig ng ganyan.

"Parehas lang tayong maswerte sa isa't isa bes, basta eto ang hindi natin iiwan ang friendship natin." Natawa siya sa sinabi ko, niloloko pa ata ako neto.

"Ikaw naman, oo naman bes hindi mangyayari yang pang iiwan na sinasabi mo. Mga lalaki ang nangiiwan satin pero tayo mananatili." Napangiti ako sa sinabi niya.

"Salamat, salamat bes. Alam kong maaasahan kita diyan." Nakatungong sabi ko, Gusto kong yakapin ang bestfriend ko.

"Oo bes, oo. Pano pagbalik mo dito gala na yun ha? May ipon ako magipon kana din mag fofoodtrip tayo, magshoshopping dun tayo sa masaya puro lungkot na eh." Natatawang sabi niya, na nakapag pangiti muli sakin.

"Sure bes count me in, Gagawin natin lahat yang sinabi mo. Magsisimula na akong magipon nang makarami akong mabiling damit at namimiss ko na ding kumain sa mga restaurant." Masayang sabi ko sakanya, na natutuwa na din sa mga plano namin.

"Sige ha? Tapos libre mo ako." Aba'y akala ko ba may ipon to ending ako pala mang lilibre.

"Huh? Sabi mo may ipon kana? Nang gogoyo kana naman ah." Humalakhak ng tawa ang loka.

"Oo nga! Syempre tipid ako magtitira ako sa ipon hindi yung waldas lang ng waldas bes huwag ganun." Sira ulo to.

"Wow ah! Lakas mag aya tapos magtitipid ka din pala." Napapahanga na lang ako sa pang gogoyo netong 'matalik kong kaibigan'

"Minsan lang naman bes, tsaka hindi mo ba ako namiss? Isang buwan na din tayong hindi nagkikita." Wow! Parang dalawang linggo pa lang. Palakpakan si ateng, marunong magbilang.

"Oo na! Sabi na nga ba ikaw magpaplano tapos ikaw pa magtitipid ako na naman ang madadali." Napapailing na lang ako sakanya.

"Hoy! Ano ka? Mahirap kayang magplano no." Umawang na lang bibig ko sa sinabi niya.

"Talaga ba bes? Talaga ba? At anong mahirap dun? Eh, wala pa nga sa limang minuto ang plano mo na yun nahirapan ka pa dun?" Wow!

"Well.. mahirap magisip." Natutulala na lang ako sa sinabi niya, para yun lang ang plano niya nahirapan pa siya? Galing.

"Minsan muna nga lang magamit yan bes, dapat sinulit muna." Natatawang sabi ko sakanya.

"Hoy! Grabe ka ah!" Iritadong sabi niya na nakapag pahalakhak sakin.

"Good mood na ako bes, pikon ka talaga kahit kailan." Napapangisi na lang ako.

"Pasalamat ka at 'Bestfriend' kita." Madiin pa talaga sa 'Bestfriend' ah.

"Oo na po salamat, sige na bes baka may gagawin ka pa tumulong kana muna diyan kay tita para hindi ka mapagalitan at bigyan ka ng pera nang masama mo sa ipon mo." Napapailing na sabi ko, na siyang tinawanan niya.

"Ayaw mo talagang mang libre no? Sige na mamamalengke pa nga pala kami ni mama, tawagan na lang kita ulit. Babye bes, mwa." May paghalik pa talaga ah.

"Ewwwww."

"Arte mo!" Natatawang sabi niya.

"Sa kiss mo lang, sige na bes tutulong na din muna ako dito sa bahay. Babye." Hindi ko na siya hinintay mag end ng tawag ako na mismo ang nag end call.

Napapangiti na lang ako sa bestfriend ko na ito siya talaga ang maaasahan ko sa kwentuhang hindi nagpeperme sa isang topic from madramang usapan to kalokohan. Napapailing na lang ako sa pinagsasabi niya, she's really my Bestfriend.

****

One Last CryWhere stories live. Discover now