Chapter 02

31 0 0
                                    

Pagkatapos na pagkatapos naming magusap ng magaling kong kaibigan ay agad na akong bumangon, Sinuklayan ko muna ang mahaba kong buhok.

"Ang haba haba muna, dati hindi ka pa aabot sa bewang pero ngayon nilampasan muna." Nakangiti ko itong pinagmasdan, purong itim ang kulay ng aking buhok, long and shinny.

"Eto talaga ang asset ko, maraming napapatingin sakin kapag nakikita na ng mga tao tong buhok ko." Napapailing na lang ako sa sinasabi ko.

Tinapos ko lang suklayan ang aking buhok, kumuha na ako agad ng damit pang ligo. Ichinarge ko muna ang cellphone ko dahil sa trenta minutos naming paguusap ng magaling kong kaibigan ay tuluyan ng nalowbat ito. Napapailing na lang ako ng mag notif ang cellphone ko galing sa messenger ang 'Group chat' lang naman namin ang nagiingay na naman sa notification ko at napabuntong hininga na lang ako sa pinaguusapan nila.

Group chat...

Liane: "Huy, kayo may nakasalubong akong lalaki dito sa labasan namin ang pogi at ang hot grabe, ulam na ulam biceps pa lang." Jusko! Eto na naman po siya.

Jassy: "Huy ka din!" Sabay tawa. "Te, marami din yan dito samin araw araw busog mga mata ko." Umawang na lang ang bibig ko sa nababasa ko.

Liane: "Oh? Eh, tinitignan ka naman ba? Baka nga ikaw lang ang naglalaway at tumititig sakanila." Napahalakhak pa tong babaeng to sa pang aasar. Nako!

Jassy: " Oh, eh ano kung hindi ako tignan? Atleast ako malayang nakakatingin sakanila walang nagbabawal sakin, ikaw? Kamusta ka naman?" Asaran na po ito. Help!

Liane: "Mabuti naman, bwisit! At malamang wala kang boyfriend! Bitter ka lang kamo."

Jassy: "Ayoko na tuloy mag boyfriend, baka magaya lang ako sayo sa tuwing wala ang boyfriend tsaka lang malayang nakakasilay sa ibang lalaki." Tuwang tuwa ang loka sa pang aasar.

Liane: "Tang na mo bes!" Inis na sabi niya.

Jassy: "Nagsasabi lang ng totoo bes." Pang aasar naman na sabi niya. Isang buntong hininga na lang ang nagawa ko, ayoko ng usapan na ganito. Kaya inoff ko na ang cellphone ko para makapag charge din ng maayos.

Agad na akong tumayo at binuksan ang pinto, pagkabukas ko neto tumambad sakin ang pinsan kong mukha ng buddha sa laki ng tyan. Hindi uso diet? My gosh!

"Pinsan!" Agad na tawag niya sakin na may kasama pang pag kindat. Kadiri!

"Yuck!" Diring diri na sabi ko sabay irap.

"Wooohh! Maka yuck ka ah, sa pogi kong to madaming babae ang lumalapit sakin para magpapicture." May pagturo pa sa mukha na sabi niya na may kasamang pag ngisi.

"Oh, eh, ano naman? Lalaki ba ako para kainggitan kita? Huwag puro mukha atupagin mo, tyan mo unahin mo ang sagwa tignan." Pang aasar na sabi ko na nagpanguso sakanya.

"Masarap kasing kumain pinsan, tsaka ilang exercise at gym na ang pinag gagagawa ko pero ganito pa din." Napabuntong hininga na lang siya sa sinabi niya.

"Magpapurga ka puro bulate lang yan." Ngising sabi ko.

"Tatawa na ba ako? Kahit kailan talaga hindi ka marunong magjoke pinsan pagaralan mo nga ng matawa naman ako sayo." Pikon na sabi niya.

"Whatever! Diyan kana maliligo pa ako." May sasabihin pa sana siya pero tinalikuran ko na siya na may kasamang paghawi sa aking buhok.

Pagbaba ko ay agad akong dumeretcho sa kusina upang uminom ng tubig, pagkabukas ko sa refrigerator kinuha ko agad ang isang jar at nagsalin ako sa baso agad ko itong tinungga. Nagsalin pa ako ulit at tinungga kong muli ito, nauhaw yata ako ah. Pagkatapos kong uminom ng tubig ay pumunta na ako sa banyo at nagsimula na akong maghubad ng damit nakita ko ang sarili ko sa salamin It is a full body mirror, kaya makikita ko ang sarili ko. Sarili kong wala pang maayos na tulog, sarili kong durog pa din dahil sa sakit na naramdaman ko hindi ko alam kung makakalimutan ko ba ang mga nalaman ko, ang paghihiwalay namin ng Ex ko. Minahal ko naman siya pero sakit pa din ang isinukli niya sakin.

Nang muli kong sulyapan ang sarili ko sa salamin masasabi kong hindi pa ako buo, may kirot pa din sa puso ko may sakit pa din akong nararamdaman. Konting panahon pa siguro ito at magiging maayos, buo at masaya na akong muli. Huminga ako ng malalim at inumpisahan ko ng buksan ang gripo sa bath tub habang hinihintay kong mapuno ay inayos ko muna ang aking mga damit sinampay ko muna ito sa sampayan ng mga damit ng hindi ito mabasa. Nang makita kong puno na ang tubig sa bath tub umupo na ako dito inumpisahan ko na ding linisin ang katawan ko. Habang nililinisan ko ang katawan ko nakita ko na naman ang repleksyon ko sa tubig agad kong nasabi.

"Maganda ka, may maganda ka ding pangangatawan. May kaya ka sa buhay, mabait ka. Pero hindi pa din pala sapat ang mga ito para mahalin ang ng lubos ng taong mahal ko, hindi pala sapat ito para hindi ako masaktan." Napabuntong hininga na lang ako sa nasasabi at naiisip ko, hanggang sa muli kong tignan ang repleksyon ko sa tubig, you're not still okay. Agad kong sinaboy ang tubig upang hindi ko na makita pa ang repleksyon ko dito. Ipinatong ko na lamang ang aking ulo sa head rest ng bath tub at hayaan ang aking katawan sa maligamgam na tubig na ito. Habang nakapikit ang aking mga mata unti unting sumasagi sa aking isipan ang huling araw naming paguusap, kung saan nalaman ko ang lahat ng pang loloko niya sakin.

Flashback..

"Hi, Mister!" Nakangiti ako habang katext siya.

Lumampas din ng limang minuto bago siya nagreply.

"Misis! Nakauwi kana? Kita tayo mamaya, Imissyou." Biglang uminit ang aking mukha, Kinikilig ba ako? Shit!

"Yes Mister kakauwi ko lang, sige magpapahinga muna ako Imissyoutoo." Kinikilig nga talaga ako.

"Sige Misis, 6pm dito sa bahay nandito din mga kapatid ko at girlfriends nila pati si papa." Gulat kong binasa ang message niya. Bakit dun? Hala!

"Mister, bakit sa bahay niyo? Labas na lang tayo." Pangungumbinsi ko.

"Gastos lang yan, okay na dito may mga kasama naman tayo kwentuhan dito kasama sila." Napabuntong hininga na lang ako.

"Sige Mister, see you later." Agad siyang nagreply.

"Sige Misis, see you. I love you." Napangiti na lang ako sa nabasa ko.

"I love you too." Ngiting sabi ko.

Pagkatapos naming magkatext agad na akong nagayos ng gamit ko, galing pa akong manila papunta dito sa Castillejos, Sbma. Dito talaga kami nakatira, sa manila lang ako tumutuloy para magaral.

Sumapit ang ala singko ng hapon, isang oras na lang magkikita na kami. Napapangiti na lang ako sa naiisip ko, namiss ko talaga siya ilang buwan din kaming hindi nagkita tuwing sembreak lamang ako nakakauwi dahil busy din sa school. Kaya eto na ang araw na hinihintay namin at masaya ako ngayon mayayakap ko na siya ulit. Nagbihis na ako naglagay ng kaunting foundation sa mukha at leeg, konting blush on, mascara, at pink lipgloss. Nang tignan ko sa salamin ang aking itchura, masasabi kong okay na ready kana maganda kana. Nagpaalam na ako kila mama.

"Ma!" Pagtawag ko kay mama.

"Oh, anak may lakad ka? At nakaayos ka yata." Pinasadahan agad ni mama ng tingin ang itchura ko.

"Yes, ma! At excited ako kasi magkikita kami ngayon." Natutuwang sabi ko.

"Talaga anak? Sige basta magiingat ka ha? Umuwi din hindi ka aabot ng 11pm, alas dies dapat nandito kana at magsasarado na kami ni daddy mo ng pintuan at gate hihintayin ka lang namin." Paliwanag ni mama.

"Opo ma, magtetext din po ako sa inyo ni dad kapag nandun na po ako." Ngiting sabi ko kay mama.

"Sige anak baka hinihintay kana niya, umuwi ha? Walang overnight." Pahabol na paalala ni mama.

"Yes po ma, susundin ko po yan." Todo ngiting sabi ko kay mama na may kasamang paghalik sa kanyang pisngi.

"Umuna kana anak, magiingat kayo." May habol na paghalik din sa aking pisngi si mama.

"Bye ma! Loveyou." Nag flying kiss pa ako kay mama bago tuluyang lumabas ng gate.

Pagkalabas ko ng aming gate, agad na kong naglakad pa labas ng kanto namin. Excited na talaga akong makita siya, pero huminto ako saglit bigla akong may naramdamang kakaiba. Eto na ba yun? Eto na ba yung sign na hinihingi ko? May malalaman na naman ba ako?

****

One Last CryWhere stories live. Discover now