Chapter 03

18 0 0
                                        

Everyone deserve a second chance. Naniniwala ako diyan, pero what if nagbigay kana nga ng ikalawang pagkakataon pero yung maling nagawa ay naulit muli. Ano pang pagkakataon ang maaari mong ibigay? Ilang pursyentong tiwala pa ang maidadagdag mo sa ilang pursyento ding nawala nung nagkamali siya?

Mahirap, sobrang hirap magtiwala sa isang tao lalo na at pinanghawakan mo ang lahat ng pangako niya. Hindi mo din masisisi ang iyong sarili dahil nagmahal ka lang naman, nagmahal ka lang naman nang maling tao.

Eto yun, eto yung sign na hinihingi ko sign na sana maramdaman ko kung may kakaiba na naman, sign na imulat na ang aking mga mata sa kasinungalingan na bumabalot sakin.

Ngayon ay malapit na ako sa bahay nila naririnig ko na din ang tawanan, kasiyahan ng kapatid, tatay at pinsan niya kasama ang mga Girlfriend ng mga ito.

Nang makarating ako sa tapat ng kanilang gate agad akong nagtext sakanya na nandito na ako at agad din siyang bumaba ng hagdan patungo sa gate at pinagbuksan ako neto.

"Hi." Bati neto sa akin.

"Hello." Ngiting bati ko sa kanya.

"Bakit natagalan ka yata?" Nanatili akong nakatingin sa kanya sasabihin ko ba ang dahilan o hindi?

"Ah, natagalan kasi akong magayos ng sarili ko." I lied. I won't tell him, not now.

"Ganun ba? Tara pasok kana malamok na dito kumain kana muna."

"Ayos! Nagutom din ako sa paglalakad." I smiled widely.

Sabay na kaming naglakad patungo sa pintuan ng kanilang bahay, at bumungad sakin ang mga taong kanina lang naririnig ko ang ingay nila mula sa labas at ngayon ay mga nakatitig na sila sa akin. Anong meron? Psssh...

Agad tumayo ang Girlfriend ng pinsan niya.

"Hi, Hope!" Bati neto sakin. "Tara maupo ka muna't kukuhaan kita ng pagkain." Nakangiting sabi niya sakin.

Naupo na ako habang siya ay kumukuha na ng pagkain, at ang ibang tao na narito ay alam kong nakatingin pa din sakin kahit ang tingin ko ay deretcho lang.

"Here." Abot na pagkain sakin ni Karen.

"Thank you." Tipid lamang akong ngumiti.

"Kamusta? Tagal mo ding hindi pumunta dito, nangayayat ka yata."

Sumubo muna ako ng isang ikot na Carbonara, at habang ngumunguya ay sinagot ko ang kanyang katanungan.

"Busy kasi sa school, madami kaming ginawa recently including University Activities lahat ng kurso kasi dapat may partisipasyon."

"Kaya naman pala lalo kang namayat."

"Okay lang para naman sa pagaaral yun." Tipid lamang akong ngumiti.

Nakatitig na siya ngayon sakin, ako naman ay napaiwas ng tingin sakanya saktong napatingin ako sa gawi ng kapatid at pinsan ng Boyfriend ko at sabay silang nagiwas ng tingin sakin. Ang isa ay tumayo at nagpunta sa balkonahe, samantalang ang isa naman ay naiwang nakaupo sa sofa habang inaantay ang kanyang girlfriend na si Karen.

"Umm.. hope."

Napatingin ako bigla kay Karen na nakatingin na din sakin at hindi malaman kung itutuloy niya pa ba ang kanyang sasabihin o hindi na.

"Ano yun?" Ngumiti ako sakanya, para iparating na ituloy na niya ang kanyang sasabihin.

"Mabait ka Hope, actually gustong gusto kitang maging kaibigan yung super friend talaga. Nakakabilib din ang pagiging matapang at matibay mo, isama muna din ang mahaba monh pasensiya at ang tunay mong pagmamahal para sa taong mahal mo."

One Last CryWhere stories live. Discover now