In the Midst of Chaos

224 7 1
                                    

"Alam mo Ariah ang swerte mo, ang gwapo ng boyfriend mo. Hot na tapos sikat pa! Hindi kaba natatakot baka magkaroon yun ng ibang magustuhan sa school niya?" Tanong ni Sandria sakin.

"I trust him, Sands.." Nagkibit balikat si Sandria tapos ay nagpatuloy siyang kumain.



Chaos Del Martin is my long time boyfriend, nag-aaral siya sa school sa Pinas while I was studying here in abroad. Tuwing summer ako umuuwi. Most of the time ay Skype lang kami nagkakausap ni Chaos. Madalas iyon. Kaso ay dahil kailangan kong mag-aral ng mabuti para naman makauwi ako sa Summer ay bihira ko nalang makausap si Chaos. I know he understand my situation. Kailangan kong magaral ng mabuti at maging mataas ang grades ko para payagan ako ni Mommy at Daddy na umuwi sa Summer. Iyon ang kundisyon nila sakin. So I'm doing my best.


Masaya naman kami ni Chaos, we almost celebrated our 5th Anniversary. Pero pakiramdam ko ay my iba sakanya. He seemed cold. Hindi siya gaanong malambing. Hindi din siya gaanong nagsasalita. I wonder why. Whats the problem? Hinayaan ko iyon. Bagamat madalang ang aming pag-uusap. Sinisigurado ko naman na sakanya ang oras ko kapag magkausap kami. Kaso madalas ay hindi siya online. Bihira nalang kaming magusap, magkachat. Hindi na din niya ako tinatawagan. Hindi ko na hinintay ang Summer. Nagpaalam ako kay Mommy at Daddy na uuwi ako sa Pilipinas kahit isang linggo lang.

Nagpunta ako school nila. I saw Nyx and Knight. Nagulat sila ng makita nila ako.


"Ariah? Are you for real?" Nyx asked me. Niyakap niya agad ako maging si Knight ay nakiyakap din.



"What the fuck guys. Let go! Ang babading nyo!" Pero ayaw nilang kumawala sa yakap. Inikot pa ako ni Nyx pero nakita ko na ang dapat kong makita.




Chaos...is holding someone's hand.






"Nyx, I saw them. Hindi mo na ako kailangan yakapin pa." I told him trying to hold back my tears.




"Ariah."




Pinahid ko ang luha ko at naglakad patungo sakanilang dalawa. Pinigilan ako ni Nyx.




"I'm not going to cause a scene." Then he let go of my hand.



Nakaupo sila sa isang bench. Hawak ni Chaos ang isang gitara mukhang kinakantahan niya ang babae. Tumingala siya at napatigil sa pagkanta. Kita ko ang pamumutla niya at pamumula ng tenga niya. Tanda na kinakabahan siya. Ngumiti ako sakanya.




"Hi Chaos.." Ngumiti ako sakanilang dalawa. Lumapit si Nyx at Knight.



"A-Aria.."



"I missed you!" I even hugged him.



"Hi you are?" I asked the girl.




"Selene.. Selene Montereal." Ngumiti siya sakin. She looks like an angel.



"Im Aria.. Aria Sandoval. Chaos' bestfriend. Ikaw ba yung girlfriend niya?" I tried to sound happy. Pero sa totoo lang ay babagsak na ang luha ko.



"O-oo." Selene smiled. Parang bumagsak ang mundo ko. Bumagsak ang luha ko, pero ngumiti padin ako saknila.




"Im so happy to the both of you. Oh my God. Sa wakas nag-girlfriend na si Chaos. Bagay kayo. Sana magtagal kayo guys.. Nakakaiyak. Tears of joy." Ngumiti akong muli.




"Aria.." Hinawakan ni Chaos ang kamay ko.



I smiled at him. Then I walked away. Nadinig ko ang pagsigaw ni Chaos ng pangalan ko pero hindi na ako lumingon pa. Ang sakit sakit.. Am I a bad person? Bakit kailangan ko masaktan ng ganito. Minahal ko naman siya but it seems like kulang pa kasi naghanap pa siya ng iba.





"Aria.." He hugged me from behind.




"What? Go back to your girlfriend."




"I'm sorry."




"Hindi nakakaalis ng sakit ang sorry."




"Please let's talk.."




"I don't wanna hear your lies. Masakit na Chaos. Tama na to. Sana sinabi mo sakin na ayaw mo na kesa nagawa mo pa akong lokohin. Mas masakit yon. At doble ang sakit ngayon na nakita ko pa kayo."




"Ari.."




"Mahal mo ba siya?" I asked him. But he didn't answer. Unti unting kumalas ang yakap niya sakin.





"Doon ka sa taong mahal mo, doon sa magpapasaya sayo. Kasi kapag masaya ka, mas masaya ako. Kahit na hindi na ako bahagi ng kasiyahan na iyon. Chaos mahal kita, at hindi ako mapapagod mahalin ka. Pero papalayain kita at kung babalik ka, tatanggapin kita.."






Sa huling pagkakataon ay hinalikan ko siya, tapos ay umalis na ako..





Siguro ay ganon nga ata pag nagkaproblema sunod sunod. Nagkasakit ako. Kailangan kong maoperahan pero wala, ayaw ko. Nagkukulong lang ako sa kwarto. Hindi na ako nakabalik sa States. I am so devastated. Ilang araw linggo na ganon. Hanggang sa naging buwan. Napabayaan ko na ang pag-aaral ko.





Masyado akong nasira ng pagmamahal ko kay Chaos.





Isang araw nagulat nalang ako na nakita ko si Chaos sa harap ng pintuan ko. Lumuhod siya at umiiyak. Nagmamakaawa na magpagamot ako. Nung una ay ayaw ko. Para saan pa ang mabuhay kung punong puno lang ng sakit ang nararamdaman ko araw araw? But Chaos did not leave my side. Siya ang nagaasikaso sakin araw araw. Nagluluto, nagaayos ng gamit ko. Hindi niya ako iniiwan hanggang sa makatulog ako. At pag gising ko sa umaga andon na siya at my dala ng almusal ko.



Ganitong ganito kami noon. Noong wala pa si Selene sa buhay niya. Kapag naalala ko siya kinakain ako ng inggit at selos. Hindi ko matanggap na minahal o nagkagusto si Chaos sa iba bukod sa akin.




Sa huli ay nagpaopera din ako, nagkabalikan kami. Sa akin na muli ang oras ni Chaos. Katulad ng dati, parang walang nagbago. Nabawi ko na ang talaga namang sa akin.




My mga bagay at taong susubok sa pagmamahalan ninyong dalawa. Nasainyo lamang kung paano at kung makakaya ninyong lagpasan.



Years had passed.. Nagpakasal kami at nagkaroon ng anak. Mas minahal ko siya doon. Dahil nakita ko ang pagbawi niya sakin mula noon hanggang ngayon.



At ngayon, parang walang nangyari.. Ang lahat ay binaon na namin sa limot. Hindi ko akalain na magiging magkaibigan kami ni Selene at magiging magkasosyo pa.



In the midst of chaos I found my light.

Dear DiaryWhere stories live. Discover now