Codename: Cassiopea

64 2 0
                                    

"You have to meet Mr. Kim in the airport. Tapos ay samahan mo siya sa Underground." Ani ng kausap ko sa telepono.

"My tiwala ako sayo anak." Ngumiti ako ng madinig ko ang pagtawag niya sakin ng anak.

"Thank you dad." Pinatay na niya ang tawag at isinilid ko sa loob ng bulsa ang phone ko. Nagbihis ako ng isang leather jacket black croptop at highwaist na short tapos ay boots. Itinali ko din ang buhok ko. Sapat na ito para sa isang misyon.

Itinaas ko ang placard na dala ko na my nakalagay na "Welcome Mr. Kim". Tumigil sa harap ko ang isang lalaki na singkit. Meron itong limang bodyguard. Mukhang ito si Mr. Kim. Naglakad na ako palabas ng airport. Sumakay ako sa Ducati kong itim. Sinenyasan ko ang driver nila na sundan nalamang ako.


Madilim at masukal ang daan patungo sa Underground. Dito nagtitipon tipon ang mga myembro ng Black Organization. Dito sila nag-aauction ng mga bagong gamit na nakaw. Dito din sila nagbebenta ng drugs. At ngayon ibebenta samin ang bagong gawang drugs pa mula sa Korea. Isa itong high-class drugs na mukhang chocolate pero kaya nitong tunawin ang lamang loob mo.

"Passcode." Wika ng automatic door. Walang gwardya dito. My malaking barikada ito na napapalibutan ng mga damo. Kailangan mo lang kapain ang isang pulang button para makaaccess ka.

"Cassiopea." pagkasabi ay agad kong nilahad ang aking hintuturo para mabuksan na ag pinto.

Magulo at maingay. Mukhang my underground fight nanaman. Pumanhik kami sa VIP section para don magusap ni Mr. Kim.

"Have a sit Sajangnim." ngumiti ako sakanya.

"Kamsahamnida."

Inilapag ng kanyang mga kasamahan ang limang attache case. Habang hinahayinan sila ng juice ng isa sa mga kasamahan namin.

"Drink it." Ngumiti ako sakanila ng ubod ng tamis. Kita ko na ininom nila ang juice. Pati ako ay uminom din sa juice ko.

Hindi na ako nagulat ng bigla nalang silang sumuka ng dugo at tumirik ang mata. Palihim akong napangiti.

"In this world.  Trust is only for the weak." Tumayo ako at kinuha ang attache case na naglalaman ng mga opium. Tinawagan ko si Lili para agad na tumaas. Kinuha niya ang natitirang attache case at saka kami tumakbo. Bahala na si Regor magligpit ng kalat.

Sumakay kami ni Lili sa Ducati ko at mabilis kong pinaharurot pauwi ng bahay.


---

"I've been looking for you where did you go Milady?" nagulat ako ng makita ko si Yuan sa harap ko.

"Y-yuan." Sinalubong niya ako ng yakap. Yuan is a good friend of mine. Bestfriend ko siya. Anak siya ng kasosyo ni dad sa aming kumpanya. Sila ang gumagawa ng ibat ibang armas namin pati ang mga tracking device namin. Bukod ky Lili siya pa ang isa kong kaibigan. Kapatid siyani Lili. Kuya siya nito. Bukod sakanila ay wala na akong kaibigan. Dahil sa mundong ginagalawan namin di kami pwede basta basta magtiwala.

Mula ng inampon ako ni Dad mula sa mga sindikato na yon nagbago na ang buhay ko. Nakukuha ko ang gusto ko. Nakakapunta ako kahit saan ko gustuhin. Pero ang kapalit? Pumatay at magnakaw dahil iyon ang trabaho namin. Iyon ang nagpapayaman samin.

Kinuha ni Regor ang atache case. Siya naman palagi ang nagdadala non ky Dad. Pagkatapos ng misyon ko hindi ko na ulit ito nakakausap. Masyado kasi siyang busy na kahit simpleng hapunan lang ay hindi niya ako masabayan. Pero mas ayos naman ito kesa sa dati kong buhay. Ang mahalaga ngayon mapera ako at makapangyarihan.

"Maybe you can join me.." iniabot nito ang isang ticket.

Sin City.

Lumingon ako sakanya. Alam ko ang tungkol dito. Isa itong pribadong isla. Ang alam ko ay my shares kami don pati sila Yuan. Pero hindi ko pa naman iyon nararating.

"Would you like to come with me?"


"Ofcourse. Isama natin si Lili!" Tumango naman siya.

"Prepare your things. Bukas na bukas ay aalis tayo."





Nakatingin ako sa baba. Napakaliit na parang tuldok lang sila. Nakakatuwa. Habang papalapag na kami ay mas lalo kong nakikita ang ganda ng isla. Kulay asul ang tubig ng dagat idagdag pa ang puting buhangin nito. Maraming tao ang nandon. Karamihan ay lalaking nakatrunks. Tuluyan ng lumapag ang private plane ni Yuan. Inalalayan niya akong bumaba.

Nagelevator kami papuntang ground floor. Mukhang andito kami sa Green Leaf Hotel na pagaari ng pamilya nila.


"Bonjour, Mabuhay. Welcome to Green Leaf Hotel Sir." bati ng receptionist.


"2 Presidential Suite. Reserved by Yuan Monasterio"

"One moment please, Here's your card sir." inabot niya ang dalawang tap card. Ibinigay sakin ni Yuan ang isa.

Sumakay ulit kami sa Elevator. Nakkatuwa kasi transparent yung elevator. Kaya kitang kita ko ang mga tao sa baba. Magkatapat lang ang kwarto namin ni Yuan. Si Lili ay susunod nalang dahil my inaasikaso pa daw ito. Agad akong humiga sa kama para magpahinga. Pero nakuha ang atensyon ko ng dagat. Lumulubog na ang araw. At isa pa nakakaenganyo ang maglakad lakad. Nagbihis ako ng high waistshort tapos ay bralet. Ipinuyod ko ng messy bun ang buhok ko at isang pares ng sandals.

Nakita ko ang isang lalaki na aming target.. Nagkatinginan kami ni Yuan at tumango sa isat isa.



Here comes another mission..

Dear DiaryWhere stories live. Discover now