One last time

59 4 1
                                    

Damon Storm Del Martin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Damon Storm Del Martin

Hawak ko ang isang papel kung saan naglalaman ang sulat para sa 'kin ni Iana.. Binuksan ko iyon at tumambad sakin ang litrato namin. Hawak ko ang kamay niya doon. Ito ang paborito niyang litrato namin. Bagay na bagay daw kasi kami sa litratong 'to. Kuha ito ni Gin nang minsang nag-gala kami sa Tagaytay. Naalala niya kung gaano sila kasaya ng araw na iyon, isa iyon sa mga alaalang hindi niya kailanman malilimutan. Kinuha niya ang sulat sinimulan na basahin iyon.

Hi babe..

I wanna call you babe one last time. I remember how we used to be inlove. Iyong tipong akala ng lahat ng tao ay ako ang kauuwian mo na ako ang end game mo, akala ko tapos na ang paghahanap ko dahil nahanap na natin ang isat-isa pero nagkamali ako. Sa akin lang pala natapos ang paghahanap dahil ikaw naligaw ka at napunta sa iba. Masyado ba akong naging makasalanan para parusahan ng dyos ng ganito? Minahal lang naman kita.. At hanggang ngayon minamahal pa rin kita. Kahit ilang beses kong alisin at tanggalin ka sa isip ko at sa puso ko hindi ka mawala na para bang parte ka na ng sistema ko. Hindi ako mabubuo kung wala ka.. Ikaw lang makakapagsalba sa akin, Damon. Hindi ko hihilingin na bumalik ka sakin, kasi malabo iyong mangyari pero sana lang ay maging masaya ka. Sumusuko na ako, Damin. Kuntento na akong magmahal sayo sa malayo, nang patago kasi kapag patago alam kong akin ka. Mawawala ako na baon ko ang masasayang alaala natin. Kapag nalulungkot ako iisipin ko lang ang masasayang araw at sandali na kasama kita para maging okay na ako ulit, para makakaya ko na ulit ang mabuhay pero ngayon hindi ko alam kung kaya ko pa. Kasi unti-unti na akong kinakain ng sakit na 'to. Masaya ako dahil naging masaya ka na kahit hindi na ako parte ng kasiyahan na iyon, masaya ako Damon. Sana sa sunod kong buhay makilala ulit kita at tuparin mo na ang sinabi mo na mamahalin mo ako at hindi mo na ako sasaktan.. Sa huling pagkakataon uulit ulitin ko sayo na,

Mahal na mahal kita Damon Storm. Hanggang sa muli.

- Toyang

Tiniklop niya ang sulat at pinahid ang luhang pumatak sa kanyang mga mata at muling tiningnan ang litrato nila ni Iana.

Dear DiaryWhere stories live. Discover now