Among the Twinkling Stars

27 2 0
                                    


"Erica... kapag nawala ako gusto kong maging bituin." Wika ni Benjie habang nakatitig sa kalangitan.

Napakunot ang noo niya sa sinabi ng binata.

"Mahal, Valentines na Valentines tapos ang drama naman ng sinasabi mo." Aniya.

Hinawakan nito ang kamay niya at nilagay sa dibdib nito.

"Gusto kong maging bituin para palagi kitang mababantayan. Para kahit paano ako pa rin ang magbibigay liwanag kapag nagdidilim na ang mundo mo."

Ngumiti siya sa sinabi ng binata. Hinawakan niya ang pisngi nito at hinaplos iyon.

"Bakit ba pakiramdam ko nagpapaalam ka sa'kin? May problema ba?" Nagtatakang tanong niya. Ngunit sa halip na sagutin siya nito ay ngumiti lamang ang binata at muling tinuon ang atensyon sa mga bituin sa kalangitan.



Mapait siyang napangiti nang maalala niya ang eksatong eksena bago sila maaksidente ni Benjie. Kinuha niya ang frame na naglalaman ng picture nilang dalawa nang nakaraan na Valentines Day. Hindi niya sukat akalain na iyon na pala ang huling Valentines na makakasama niya ang binata.

Muli siyang tumingin sa bintana. Hindi niya mapigilan ang hindi mapaluha. Ito ang unang Anibersaryo ng pagkawala ng kanyang pinakamamahal na kasintahan.

Nilabas niya ang baril na kanina pa nakatago sa kanyang bulsa. Walang pagdadalawang isip niyang kinalabit ang gantilyo noon.

Sa ilalim nang kalangitan at nagniningning na mga bituin ay bumagsak ang walang buhay niyang katawan.

"Magkakasama na tayong muli, Mahal ko."

Dear DiaryWhere stories live. Discover now