Sarita Esquivel

63 4 2
                                    

Tigmak ang luha ko habang nakatingin sa ibaba ng building. Nasa pinaka-itaas ako ngayon.. Ini-amba ko ang isa kong paa para tumalon na. Iyak ako ng iyak kaya nanlalabo na din ang mata ko. Pumikit ako at dinama ang hangin.. This time I will end this agony. Tumalon ako..


Ngunit my kamay na humawak sa balikat ko. Napatama ang likod ko sa pader ng building pati ulo ko ay napatama din dahilan kaya nagdilim ang paningin ko.



Nagising ako sa di pamilyar na silid. My benda na ang ulo ko.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" The guy beside me asked me.

"A little bit dizzy pero okay naman."


"Inumin mo ang gamot na ito para mas umayos ang pakiramdam mo." Tinuro niya ang gamot sa bedside table.



"S-sino ka?"



"Magpahinga kana muna.." Umalis na siya sa silid.



Ilang araw na akong nasa loob ng mansyon na ito. Hanggang ngayon hindi ko padin alam ang pangalan ng lalaking nagligtas sakin. Kung tatanungin ko naman ang mga nag-aalaga sakin ay hindi sila nagsasalita. Ngayon ay nasa hardin ako ng mansyon napakaganda kasi ang daming rose. Paboritong bulaklak ko pa naman ito. Kaya madalas din akong andito.



Napag-alaman ko na nasa Rancho De Esquivel ako. Ito daw ang isa sa pinakamalaking hacienda dito sa Batangas.



"Pwede kang pumitas at dalhin mo sa kwarto mo."


Lumapit siya sakin at pinitas ang isang rosas. Pero dahil sa tinik ay nasugatan siya. Dali dali ko iyong kinuha at pinunasan.



"Mag-ingat ka kasi.. Masakit ba?"


Umiling siya.


"Parte ng buhay ang masaktan, Tiana."



"Sino kaba talaga?"




Ngumiti siyang muli. Tapos ay tinanggal niya ang tinik ng rosas na pinitas niya at nilagay sa tenga ko.



"Bagay sayo.." Hinawakan ko ang rosas sa tenga ko.



"S-salamat.."



"My damit akong pinadala sa kwarto mo, isuot mo yon tapos ay iikot tayo sa rancho. Halika ihahatid na kita para makapagpalit kana."


Naglakad na kami patungo sa kwarto ko. Pagdating ko sa loob ay nakita ko ang damit sa kama ko. Isang itim na razorback tapos ay itim na leather jacket, at faded jeans my boots din sa baba. Isinuot ko iyon. Humarap ako sa salamin at bahagyang natawa. Kamukha ko si Norma doon sa Passion De Amor. Lumabas ako ng silid at naabutan kong nakasandal siya sa pader. Nakasuot siya ng pantalon at boots tapos ay nakalislis ang polo niya habang nakabukas naman ang tatlong butones noon. Medyo ang hot niya sa itsura niyang yon.



Sumakay kami kay Jaguar, doon sa kanyang itim na kabayo. Umikot kami hanggang sa makadating kami sa my dulo my baradilya doon na mga barb wire.


Kita ko na my isang mansyon sa kabila. Mukhang hindi na ito sakop ng kanilang lupain.




Bumaba siya at binaba niya ako. Pumunta kami sa puno ng mangga.




"Bagay sayo ang damit mo.." Nakangiti niyang saad.


"W-wala kabang balak ibalik ako sa amin?" Tanong ko sakanya. Napawi naman ang ngiti niya.



"Gusto mo bang bumalik doon? Ang alam nila ay patay kana."


Kumunot ang noo ko. Oo nga pala nag-iwan ako ng suicide note kina Mommy bago ako dapat tumalon sa building.




"Dahil walang bangkay na nakita sayo, ay pinagawaan kana lang ng magulang mo ng libingan kahit na wala ang katawan mo doon bilang respeto sayo."




"Pero buhay ako.."




"Buhay ka dahil sinalba kita Tiana Verniz.. Buhay ka dahil sakin."





"Sana hinayaan mo nalang ako. I don't need to be saved."




Naalala ko nanaman ang dahilan kung bakit ginusto kong wakasan nalang ang sarili kong buhay.




"Anong karapatan mong sayangin ang buhay na ipinagkaloob sayo ng dyos? Maraming tao ang gustong mabuhay samantalang ikaw magpapakamatay ka?"





"Para lang din naman akong patay na nabubuhay."





"You should move on.. Maaring nasasaktan ka ngayon pero hindi naman habang buhay nasasaktan ka. Sa simula ay masakit aakalain mong hindi mo kaya, kaya maiisipan mo nalang na tapusin ang lahat. Akala mo ba ay matatapos ang problema mo kapag nagpakamatay ka? Nagkakamali ka. Dahil iiwanan mo lang ng problema ang mga naiwan mo. Ang mga magulang mo lalo na ang mommy mo nagluluksa siya at hanggang ngayon ay nasasaktan pa din."




"Babalik ako.. Ihatid mo ako samin." Umiling naman siya.





"Hindi.. Dito kalang. Dito kalang hanggang sa matutunan mo ng pahalagahan ang buhay mo. Dito kalang hanggang sa mabuo mo ang sarili mo."




"Bakit mo ginagawa to? Sino kaba?"





"X.."



"X?"




"Tinanong mo ang pangalan ko diba. At kung sino ako. Sinabi ko ang pangalan ko."




"Ang tipid naman ng nanay mo magpangalan." Ngumiti naman siya.





"And also from now on, Tiana is dead... You are now Sari."




"Sari?"





"Yes, You are Sarita Del Mundo Esquivel..My wife."

Dear DiaryWhere stories live. Discover now