Knight in Shining Jercy

91 5 0
                                    

Hello guys, ito po ay side stories lamang. Mga scenes na hindi nabanggit sa story ko. Mga sekretong hindi naireveal sa storya po. Tapos yung iba one shots ganon po. Dahil namimiss ko yung ibanh characters ko kaya gumawa ako nito. Thank you for reading. Advance Merry Christmas everyone.

- Ann

Kinakabahan ako habang hawak hawak ang love letter na ilang gabi ko ding pinagpuyatan, dahil hindi naman ako magaling sa english ay tinagalog ko nalang ang sulat ko para kay Knight. Oo si Knight Arevalo. Yung masungit at oo yung gwapo din. Yung model ng Metro magazine. Yung gitarista ng The Dawn. Oo tama kayo. Yung crush ko since elementary.

Malayo palang tanaw ko na siya. Napakagwapo niya sa suot niyang uniform namin. Nakabukas ang tatlong butones ng polo niya. Nakapamulsa pa ito habang naglalakad. Nakadagdag sa angas at porma niya ang hikaw niya sa tenga niya. Lalong nilukob ng kaba ang dibdib ko. This is it! Tumayo na ako sa gitna. Nang mapansin kong malapit na siya ay itinaas ko na ang kamay ko habang nakaharap sakanya ang sulat ko. Tumigil siya at tumingin sakin. Para akong lalamunin ng lupa sa kahihiyan.

"Ano to? Basura?" Kita ko ang tawanan at bulong bulungan ng tao sa paligid. Inis na pinalis niya ang kamay ko kaya nalaglag yung sulat. Tinapakan niya pa yon at dinanggi ako.

Tumulo ang luha ko.. Napakawalang puso niya. Sa galit ay binato ko siya ng suot kong rubber shoes. Sapul sa ulo. Galit na lumingon siya sakin.

"What the fuck!" Inis niyang singhal sakin. Lumapit ako sakanya at walang pasabung hinalikan siya.

"Gago ka! Pagkatapos nito magmumove on na ako sayo!" Pagkatapos non ay sinampal ko siya ng malakas at nagtatakbo na ako palayo.


That was the exact scene 5 years ago.. Kapag naalala ko ay natatawa padin ako.

"Elle are you ready?" My manager asked me. Tumango naman ako.


Sino bang magaakala na magiging model ako? Ako na palaging binubully lang nung highschool. Mas malala pa nga ang nangyari na pambubully sakin nung umamin ako kay Knight. Masyado kasi siyang maraming fan girls. Sikat na sikat kasi siya sa school. Madalas ay nakikita na niya ang ginagawa sakin ng mga tao pero para lang siyang nagbubulag bulagan. Mabuti pa iyong si Kindred palagi akong tinutulungan saka iyong girlfriend ni Phoenix na si Samantha. Eventually they became my friends. Si Kindred ay myembro din ng banda. Magmula ng magbitaw ito ng salita sa mga nambubully sakin ay tumigil na sila. Halatang takot din ang mga ito. Napalapit ako sa grupo nila. Unti unti nakapasok ako sa mundo ni Knight. Pero sa puso niya never ata akong makakapasok.




Napakalayo ng agwat naming dalawa. Kahit na anong gawin ko hinding hindi ako babagay sakanya. Kahit anong gawin ko, mabihisan man ako, sumikat man ako. Para sakanya mananatili na ako si Elora yung babaeng habol ng habol sakanya. Yung babaeng basura lamang para sakanya. I will always that fangirl of him..but I will never be his girl. Never ever.






Matapos ang shoot ay nagkayayaan kami at ibang staffs na kumain sa labas. Pero bago kami lumabas sa building ay tinanaw kong muli ang isang building sa di kalayuan.



Metro..




Ito ang magazine na pagmamay-ari nila Knight. Masyado ata talagang malaki ang pagmamahal ko kay Knight. Ginawa ko ang lahat para lang madiskubre ako ng magazine na ito at dahil na din sa Manager ko na napakabait. Alam niya kasi kung gaano ko kagusto ang makapagtrabaho sa Metro. Ngayon abot kamay ko na ang pangarap ko, inimbitahan ako ng Metro para maging cover girl nila.



"Congratulations.." Halos mapapitlag ako sa boses na nagsalita sa likod ko. Hindi ako makalingon. Ayaw kong lumingon.




"Nice to see you again Elora.." This time ay unti unti akong humarap sa nagsalita.




Knight fucking Arevalo..






Nakasuot ito ng suit, clean cut ang gupit niya. Nagmatured ang itsura niya ng bahagya. Mas gumwapo siya ngayon. Mas bumagay ang pagkamatured niya. As usual nakangisi nanaman siya sakin.




"K-Knight.."



"Stuttering? So..crush mo pa din ba ako?" Biglang namula ang mukha ko.





"H-Ha?"





"So crush mo pa din ako. It's been years ang tagal na non. Ganyan pa din ang reaksyon mo sa tuwing makikita mo ako."




"H-ha? My boyfriend na ako!" I lied. Ayokong mapahiya!



This time kumunot ang noo niya.




"Sinong boyfriend mo?" Matigas niyang tanong.



"Wala kana don! Tse! Feeling pogi. Bata pa ako non no! At saka matagal na akong nakamove on sayo!"




Mabilis akong lumayo sakanya. Hindi ko alam kung alin mas mabilis ang paglalakad ko ba o ang pintig ng puso ko dahil sa kaba.

Dear DiaryWhere stories live. Discover now