Para makalimutan mo...
Crisa
3 years had passed. And guess what? Nawala na yung sakit ko. Naagapan na yun. Inoperahan na ako. Hoping na hindi na yun babalik at wala ng sakit ang dumapo sakin.
Naging maayos na lahat. Ayos na kami ni Gray. Ayos na sila ni mama. Kaibigan ko na rin si Zach pero parang may iba parin sakanya. Tsk tsk. Haha. At ang pinakamaganda na nangyari sakin, nagkaayos na din kami ni mama. Wala ng away-away. I am very happy sa sitwasyon namin ngayon. Sana hindi nato magbago.
Nasa business trip si mama sa London. May fashion show kasi dun. Mga gawa niya yung irarampa. Proud na proud talaga ako sa kanya! Isipin niyo yun, may masipag, matiyaga, mabait, talented at maganda akong mama!
Nagutom ako bigla. Kinuha ko yung cereals sa cabinet at yung milk sa ref. Nilagay ko yun at hinalo sa isang bowl. Nakabukas na sana yung bibig ko at handa na sana akong kainin yung nasakop ng kutsara ko pero may nag-doorbell. Minamalas ka nga naman.
"Sino yan?!"
Sigaw ko habang papalapit na sa pintuan.
"Pogi to!"
Psh. Wala akong kakilala na pogi. Well, may isa.
Agad kong binuksan yung pinto. Bumungad sakin ang napakapanget na pagmumukha. Akala ko pa naman pogi. Tsk.
Nag-arte ako na hinahanap yung poging tao para inisin tong mokong nato.
"Uhmm. Asan yung pogi? Kuya. Nakita mo ba yung pogi dito?"
Inirapan niya lang ako at sinamaan ako ng tingin. Yung parang kinaladkad ka na sa isipan niya o ci-nurse.
"Ang sama mo noh?!"
Nakakunot yung noo niya. Behlat! Hindi naman siya pogi!
"Hindi ka naman pogi. Tanggapin mo na."
Nagulat siya. Yung to the highest level na gulat. OA din ng lalaking to eh.
"Ako?! How dare you! Ang isang Zacheus Alistair Johansen, hindi pogi?! Sabagay, tama ka naman. Hindi ako pogi dahil ako ang pinakapogi."
Sabi pa niya tsaka kumindat. Pektusan ko kaya siya sa eyeball. Tsk.
"Anong kailangan mo?"
"Hindi mo man lang ba ako papasukin?"
Nag-pout siya. Hindi siya cute. Hindi siya pogi, cute pa kaya? Wala ng pag-asa.
"No pets allowed sa bahay namin."
"Napakapogi ko namang pet."
Binatukan ko siya ng pagkalakas-lakas.
"Patayin mo nalang ako. Patayin mo nalang ako!!!"
Hinila ko nalang siya papasok sa bahay. Baka mapatay ko pa talaga tong mokong na to.
Humiga siya sa couch. Taray ah. Parang siya yung nakatira dito. Wooh!
"Bakit ka nga nandito? Simpleng tanong hindi masagot."
"Nahanap ko na siya."
Naging seryoso ang ekspresyon niya.
"P-paano? Asan siya? Okay lang ba s-siya?"
Tahimik lang siya.
"Answer me."
Naiiyak na ko dito pero hindi parin siya sumasagot. Ano bang nangyayari sa kanya? Wala man lang ba siyang balak sabihin sakin ang nalalaman niya?
"Zach, answer me! Asan siya?!"
Nakatayo na ako ngayon.
"Ayokong makita kang nasasaktan ulit Nerisse."
A-ano?
"B-bakit ba? Simple lang naman ang gusto ko na sabihin mo sakin kung asan siya. Hindi mo ba magawa yun?!"
Ewan ko ba kung ano ang nangyayari sakin. Kahit ako hindi ko na alam...
Tumayo siya at humarap sakin. Magkalapit na ang mga mukha namin. Halos maramdaman ko na yung paghinga niya. Nakatingin lang siya sakin ng seryosong-seryoso.
"Bingi ka ba? Sabi ng hindi ko kayang nakikita kang nasasaktan!"
Napakapit ako sa dibdib ko. Sigawan ba daw ako eh. Binigyan ko lang siya ng tingin na nalilito.
"Tsk. Stupid."
Sabi pa niya at humiga na ulit sa couch. Stupid?! Ako pa ang stupid?! Siya kaya yun.
Tumayo ulit siya at nagtungo sa kusina. Susundan ko na sana siya ng may nalaglag na brief. Joke lang. May nalaglag na picture. Agad ko yung kinuha.
Nakita ko ang isang batang lalaki na akbay ang isang batang babae---
"Zach?"
"Sakin na lang tong cereal mo. Hin--"
"Sino to?"
Pinuntahan niya ako sa sala. Halatang nagulat siya. Bakit siya magugulat? At tsaka bakit andito ako sa picture na to?
Tatanungin ko pa naman ulit siya pero bago yun, agad niyang kinuha yung litrato at binalik sa bulsa niya.
"Si ano lang yun. Kaibigan ko dati. Oo yun!"
Hindi ako pwedeng magkamali. Ako talaga yun.
"Zach, now tell me. Bakit ako nandyan? Magkaibigan ba tayo noon pa?"
Hindi siya makatingin sakin ng diretsyo. Parang andami ng iniisip niya. Bakit ba hindi niya sinasagot lahat ng mga tanong ko?
He let out a deep sigh. Pinaupo niya muna kami sa couch na hinigaan niya kanina.
"Oo Nerisse. Magkaibigan tayo noon pa."
Sabi niya pero hindi siya nakatingin sa mga mata ko.
"Bakit hindi kita maalala? "
"Buti nalang na hindi. Para makalimutan mo na lang din yung nangyari noon."
Hindi ko narinig yung mga huling salitang sinabi niya.
"Ano daw?"
"Wala. Sabi ko ituloy na natin yung ginagawa natin kanina."
Nakatingin siya sakin at nakangiti ng nakakaloko. At may halong kindat-kindat pa. Ako na ang kinakabahan para sa mokong na to. Nababaliw na ata.
"Ano ba yung ginagawa natin kanina?"
Napakamot ako sa likod ng leeg ko. Nakatingin lang din ako sa sahig.
"Edi kumakain! Uyyy. Pinagpapantasyahan mo ko ah! Kala mo makakapoints ka sakin. Wag ka nga!"
Pinalo-palo pa niya ako. Qaqo to. Ang bakla letche! Sinipa ko yung ano niya. Yung binti bago kami pumunta pabalik ng kusina.
Pero hindi parin ako mapakali. May feeling ako na may dapat akong malaman.
At sana malaman ko na din.
YOU ARE READING
Learning It Your Way (Ongoing)
ספרות נוער"You can't go back and change the beginning, but you can start where you are and change the ending."