Kabanata 3

12 2 0
                                    

Jeskelerd, lingon dito, lingon doon. Ang sabi ni Rita sa akin, isang matangkad at tsinito raw itong si Jason pero nakalimutan ata ng babaeng 'yun na maraming matangkad at tsinito sa Pilipinas!

May nakita akong isang singkit at may katangkaran na lalaki, mukhang may hinahanap din ito. Lalapitan ko na sana kaso may lumapit na dito. Mukhang hindi siya ang hinahanap ko.

"Excuse me, Miss. Ikaw ba si Jane?" Isang may itsurang chinito ang nagtanong sa akin. Oh my...mukhang siya na nga...siya na nga si Tarzan. Este si Jason pala.

Ngumiti ito at lumabas ang dalawang biloy nito sa mukha. Jusko, ang gwapo naman ng nilalang na ito. Maamo ang mukha at good boy na good boy. Nakatunganga na pala ako sa kanya, nakakahiya...umayos ka Jane! Hindi landi ang rason kung bakit ka nandito.

"Yesh...ako nge...este, ako nga si Jane." Sabi ko dito.

Tumawa ito ng bahagya.

"Great! I'm Jason... 4th cousin ako ni Rita." Pagpapakilala nito sa akin...kaya naman pala spokening dollar ito. Malayong pinsan na pala ito ni Rita dahil 'yung babaitang iyon hindi naman inglesera. Tska, ganun ba iyon? Hanggang ilang cousin ba meron ang isang tao?

"Ano ba 'yan...spokening dollar ka ba? Konti lang yung baon kong ingles ha." Biro ko sa kanya kahit totoo naman. Tumawa ulit ito at kinuha na ang bag ko mula sa akin. Hmmm, gentleman pa ito.

"You are funny. Let's go?" Yaya nito sa akin.

Nasa loob na ako ng sasakyan at papunta raw kami sa bahay ng magiging amo ko. Teka nga lang, ano ba talaga ang magiging trabaho ko dito?

Nasa trapiko kami ngayon at maraming naglalakihang billboard. Sa harap namin ay may isang napakalaking TV. Tinignan ko ito dahil namamangha ako at namumukhaan ko ang lalaking nagsasalita sa TV na iyon. Mukhang may concert ata ito.

"That's Dragus."

"Dragus....?" Nilingon ko ang katabi ko at nagtataka. Ano ba namang pangalan iyan, nakakatakot ang pangalan.

Umiling ito at tumawa, mukhang may naiisip.

"Mas kilala siya bilang si Andragus Dali, Don't tell me hindi mo siya kilala?"

"Ah...hindi eh...tinitignan ko siya sa TV na iyan dahil minsan ko nang nakita na pinagkakaguluhan ang kanyang magazine ng aking mga dating katrabaho."

Tumango-tango ito.

"This is going to be interesting." Sabi nito na hindi ko na pinansin.

Sa wakas, gumalaw na din ang mga sasakyan.

"So...dadalhin kita sa magiging amo mo. Well, dun ka muna temporarily sa kanya for a month tapos lilipat ka rin sa apartment mo. Inaayos pa kasi ang matutuluyan mo...biglaan kasi ito."

"Ah...mabait ba yung amo ko?"

"Mabait....mabait naman...lalo na kapag tulog."

Napalunok naman ako. Ikakatuwa o ikakatakot ko ba iyon?

Tumawa naman ito ng malakas nung hindi ako nagsalita.

"Tinakot ba kita? He does not really bite at sa tingin ko hindi naman ata sya magkakaroon ng problema sayo. Ano ba ang rason kung bakit ka nandito, Jane?"

Interview na ba ito? pero sasagutin ko pa rin.

"Gusto ko kasing makaipon at nang makabalik na ulit ako sa amin."

"Good. So, sa tingin ko, hindi ka magiging problema kay Dragus. Just do your job and nothing more."

Mas lalo tuloy akong naintriga sa magiging amo ko. Hindi rin kasi nasabi ni Rita sa akin dahil ang sabi niya hindi niya naman ako ipapahamak at confidential nga daw ito. Mabuti na lang may tiwala ako kay Rita kundi hindi ako tutuloy dito, malay ko ba kung ibebenta nila ang lamang loob ko?! Uso na iyan ngayon.

The Fallen RockstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon