Nasa sikat na Pericot bar kami dahil dito ang taping ng commercial ng alak ni Dragus. May scene na kakanta ito sa harap at may makikita siyang babae sa audience at bibigyan niya ng alak pagkatapos. Medyo intimate ang commercial ng dalawa. Isang sexy star ang kapareha nito.
Medyo magulo at naghahanda pa ang mga staff sa stage. Hinahanap ko si Dragus at magpapaalam sana ako na magbabanyo muna. Mahirap na at baka hanapin ako nito at iinit na naman ang ulo.
Madalas mainit ang ulo nito ng mga nakaraang araw at hindi ako nito masyadong pinapansin. Hindi naman kami close pero medyo akala ko ayos na kami pagtapos niya akong dalhin sa restaurant.
Siguro naman hindi ako nito hahanapin. Bahala na nga dahil naiihi na talaga ako.
Medyo madilim ang pasilyo papuntang banyo dahil siguro sa walang customer ngayon at shooting lamang ang meron.
Nakasarado ang pintuan ng banyo, akmang bubuksan ko na ito nang may naririnig akong mga halinghing mula sa loob.
"Oh...uuuuuhhh....hmmmm..."
Shit. Ano yun? Parang may naiiyak na ewan. Mas lumapit pa ako ng kaunti.
"Oh god...that's it...make it fast...hmmmm..."
Boses yun ng isang babae. Parang alam ko na ata ang nangyayari sa loob, mahabaging langit naman!
"You are too loud." Shet. Parang boses ata yun ni...Dragus?!
"Babe...I'm coming! I'm coming god...please..."
Kinikilabutan na ako sa mga ito, tatalikod na sana ko ng nakita ko ang isa sa mga production staff.
"There you are! Have you seen Dragus? Kanina pa siya hinahanap eh. Magsisimula na daw..."
Napalunok naman ako. Anong sasabihin ko? Na heller, nasa loob yung hinahanap mo at may kajugjugan.
Biglang tumahimik ang dalawa sa loob.
"Hinahanap ko nga din siya eh pero parang lumabas ata." Palusot ko.
Biglang bumukas ang pintuan ng banyo at lumabas doon si Dragus. Tinignan nito ako at dire-diretso nang naglakad na parang walang nangyaring milagro sa loob.
Napalunok naman ako at hindi ko alam ang sasabihin sa staff na kaharap ko. Pagkatapos ng ilang segundo, si Sonia naman ang lumabas.
Inaayos nito ang kanyang mahabang buhok at gusot na ang pang-itaas na damit nito. Nagulat ito nang nakita kaming dalawa ngunit naglaho din iyon at dumiretso na nang lakad.
Walang nagsalita sa amin ng babaeng kaharap ko at kumukurap-kurap pa ito na parang hindi makapaniwala.
"Ah...sige, pasok na muna ako sa banyo...naiihi na ako eh." Pampabasag ko ng katahimikan naming dalawa.
Hilaw naman itong ngumiti.
"Sige... don't forget to disinfect ha? Mukhang may putukan na nangyari dyan sa loob eh." Sabay tawa nito at tumalikod na.
Pagkatapos kong magbanyo, bumalik na ako kung saan ginaganap ang commercial. Ang dulong scene na ang naabutan ko.
Sa gitna ng maiingay na musika at nagsasayawang mga tao, nakafocus ang spotlight sa dalawang taong nakapikit ang mga mata habang magkayakap at mainit na naghahalikan.
Gusto kong umiwas ng tingin pero hindi ko magawa. Nakatingin lamang ako sa kanila habang parang sumisikip ang dibdib ko.
"Cut!" Sigaw ng Director.
Binuksan na ni Dragus ang kanyang mga mata at ako ang una niyang tinignan. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko na hindi ko maipaliwanag. Umiwas na ito ng tingin at kinuha ang isang bote ng tubig mula sa isang staff.
BINABASA MO ANG
The Fallen Rockstar
General FictionShe says, she is ordinary, but to him, she is a gem, She says, she is not pretty, but to him, she is the moon, She says, she is nothing, but to him, she is everything, She says, stars don't fall, but to him, that's not true, for the elusive and mig...