Pagkatapos namin mag-usap nina Ms. Ana, may mga dokumento siyang pinapirma sa akin, kasali na doon ang non-disclosure agreement. Isa sa mga dahilan kung bakit hindi nagtatagal ang mga PA ng amo ko ay dahil binibenta ng mga ito ang mga pribadong impormasyon tungkol dito. Ipinaliwag niya rin ang magiging trabaho ko. Pangalawang PA ako pero dahil naka on-leave ang una, ako na muna ang solo sa trabahong ito. Hindi ko naman daw kailangan mag-alala dahi si Jason pala ay sekretarya ni Dragus. Dragus lang pala ang dapat kong itawag sa amo ko dahil ayaw daw nito ng "Sir". Nung napunta na kami sa magiging sweldo ko, lahat ata ng agam-agam sa katawan ko ay biglang nawala. Masaya na sana ako dahil sa halagang matatanggap ko, tiyak makaka-ipon ako ng mabilis ngunit bigla kong naalala na may mga utang ako na kailangan bayaran. Utang ni tatay na hindi ko alam kung bakit ako ang hinahabol eh hindi naman ako ang umutang. May utang din ako nung mga panahon na kinailangan dalhin sa Ospital si Lola at nung mga gastos sa kanyang libing.
Hays, wala pa nga ang unang sahod ko pero heto mukhang nakalaan na sa maraming bagay. Mabuti na lamang may iniwan akong pera para sa kambal, sapat na para sa isang buwan iyon. Inipon ko iyon para sana sa emergency, lalo na kapag nagkakasakit si Dandan dahil masakitin ito. Siguro naman, may matitira pa sa magiging sahod ko at pakakapagpadala pa ako para sa kambal.
Maaga akong nagising dahil ang sabi ni Ms. Ana maaga ang simula ng schedule ni Dragus. Dapat alas siete pa lamang ng umaga nakaalis na kami dito at tinawagan ko na ang mga dapat tawagan tulad na lamang ng stylist nito.
Nakaligo atnakapagbihis na ako. Lumabas ako ng kwarto at tinignan kung may maililigpitakong kalat o ano pa man pero mukhang wala. Dumiretso ako sa kusina para uminomna lamang ng mainit na tubig. Kahit gusto kong kumain, nahihiya akong galawinang ano man dito sa kusina dahil hindi namin napag-usapan ni Ms. Ana ang tungkol sa pagkain. Nakalimutan ata niya at nakalimutan ko rin magtanong.
May narinig akong nagbukas ng pinto kaya mabilis akong lumabas ng kusina para tignan kung sino ito. Nasa may parang sala na ako nung nakita ko siyang pawis na pawis. Wala itong pang-itaas at naka jogging pants ito na hanggang hips lang. Konti na lamang ay makikita ko na ata ang bulbol niya kung meron man, juiceko nakakaloka naman itong amo ko.
"Are you liking what you see?" Tanong nito na bahagya pang lumapit sa akin at ngumisi.
Kinuha nito ang towel sa balikat at dahan-dahan pinunasan ang pawis mula sa leeg hanggang sa tiyan nito na puno ng pan de sal. Mukhang masarap tuloy kumain ng pandesal at isawsaw sa kape.
Shet, nahuli niya akong tinitignan siya. Mas lumapit pa ito sa akin at inilapit ang kanyang mukha at yumuko. Malalagutan ata ako ng hininga.
"Dra—" Shet, hinawakan niya ang gilid ng mga labi ko na parang may pinunasan. Nagising lamang ako ng lumayo ito bigla habang ngumingisi. Tumalikod na ito habang tulala pa rin ako.
"Laway mo tumutulo, Miss." Sabi nito at dumiretso na sa kwarto nito.
Bigla naman akong nagising at gusto kong lamunin na ako ng lupa as in, now na! Sinampal ko ng mahina ang sariling mukha,
"Jane naman! Nakakahiya ka talaga!" Ang sabi pa naman ni Ms. Ana sa akin, huwag na huwag akong magpapakita ng interes dito dahil tiyak maiinis lamang ito sa akin.
"Can't you be any faster?" Masungit na tanong ni Dragus sa akin habang hinihila ko ang isang malaking maleta at sa kabilang kamay naman ay may bitbit akong mga gamit niya rin.
"Sorry, mabigat kasi eh." Sabi ko naman. Pumasok na kami sa private elevator papuntang basement dahil nandun na ang van at security nito.
BINABASA MO ANG
The Fallen Rockstar
General FictionShe says, she is ordinary, but to him, she is a gem, She says, she is not pretty, but to him, she is the moon, She says, she is nothing, but to him, she is everything, She says, stars don't fall, but to him, that's not true, for the elusive and mig...