Naging Mabilis ang mga araw at unti-unti na akong nasasanay sa paiba-ibang timpla ng ugali ni Dragus. Napansin ko rin, ayaw niyang tinatawag siyang "Sir" ng mga taong malapit na nagtatrabaho sa kanya. Kilala siya ng mga tao bilang Andragus Dali pero Dragus ang tawag namin sa kanya.
Rehearsals dito, mall tour doon, meeting dito, interview doon, mas busy pa sa salitang busy ang taong ito pero hindi ako nagrereklamo dahil marami akong tao at lugar na napupuntahan dahil dito.
Kasalukuyan kaming nasa office ng ABC Entertainment, kung saan nabibilang si Dragus.
Nakaupo si Dragus habang pinagsasabihan ata ni Ms. Ana. Ano na naman kaya ang issue nito? Biglang may nagbukas ng pinto at pumasok doon ang isang matandang lalaki na naka coat.
"What the hell is this Dragus?!" Sabay tapon ng isang dyaryo sa mesa. Kinuha iyon ni Ms. Ana at malakas na binasa.
"The famous singer was caught kissing the FHM model, Candice, at Pericot Bar an hour after his date with Georgina, the Senator's only daughter."
Huminga ng malalim si Ms. Ana at hinihintay ang explanation ng alaga niya.
"What do you want to hear from me? What you see is what you get." Sagot nito na parang bored pa ata.
"What?! I know you are banking on your talent but for goodness sake, Dragus! Can't you be a little more discreet? You still have an image to protect! Anong sasabihin ng mga fans mo? Na babaero ka?!" Sabi ng matandang lalaki na namumula na ata sa kunsumisyon.
Mabilis na tumayo si Jason at binigyan ng isang basong tubig ang matanda.
Tumikhim naman si Ms. Ana
"Manager Han, hindi bat dagdag ito sa appeal ni Dragus? It keeps the mystery alive. People will be waiting for that special girl na siyang makakapagpatino sa isang badboy."
Ano itong pinagsasabi ni Ms. Ana? Nakakalerky siyang pakinggan.
"If that's what you think Ana, well sorry to burst your bubble but a woman won't change me. I'll dance whoever I want, I'll kiss any girl I wish, and I'll fuck any --"
"Fine! Fine, Dragus! We get it but what we're askin' is for you to be discreet about it. Aba! Bigyan mo naman ng break ang mga photographer na kumukuha ng iba't ibang larawan mo na kasama ang iba't ibang babae." Nakataas kilay na sabi ni Ms. Ana
"Are we done?" Tanong nito na parang walang nangyayari.
"Are you even listening, Andragus?" Tanong ni Manager Han na mukhang napipikon na.
"I get it, a'right? I can't promise anything, it's not my fault that there are photographers everywhere. I gotta go." Tumayo ito nang hindi na hinintay ang sasabihin ng mga kasama sa mesa. Nasa may pintuan na ito nang bigla itong lumingon at tumingin sa akin.
"What are you still doing there?" Tanong nito.
Ako ba ang kausap nito?
"Ahm...me?" turo ko sa sarili ko, nakakatakot naman mag assume, di ba?
"Sino pa ba? Hurry up!" Matigas na sabi nito.
Juiceko, wala talagang pasensya ang isang ito.
Magpapaalam pa sana ako kay Jason ng biglang sumigaw na ito.
"I said hurry up, Ms. Matitinag." Seryosong sabi nito kaya hindi na ako lumapit kay Jason.
Nang nasa parking na kami, nilapitan niya ang kanyang security at mukhang may sinabi sa mga ito. May dumating na tinted at black na range rover sa parking. Bumaba ang driver at kasabay nun ay ang pagpasok ni Dragus sa driver seat. Nakatayo pa rin ako sa labas dahil hindi ko alam kung saan ako uupo. Malakas na pito mula sa sasakyan naman ang narinig ko.
BINABASA MO ANG
The Fallen Rockstar
Ficción GeneralShe says, she is ordinary, but to him, she is a gem, She says, she is not pretty, but to him, she is the moon, She says, she is nothing, but to him, she is everything, She says, stars don't fall, but to him, that's not true, for the elusive and mig...