Description: May kasabihang, "Past is Past". Dati ay dati. Nakaraa ay nakaraan. Ang tapos ay tapos na at hindi na maibabalik pa. Pero kapag ba ang patay, mabubuhay pa? Automatically, hindi na. Pero paano ba baguhin ang imposible para maging posible? May kasabihan rin namang, "Nothing is Impossible". May kasabihan na naman tayong alam na, "Try and try until you succeed", for me "It's good to try but it's better if you prove them and don't cry".
Why: Isinulat ko 'to upang maipahiwatig ang nilalaman nito.
How: Siyempre, nag-research muna ako bago isipin ang mga mangyayari sa storya.
..........
"NURSE! DOC!", sigaw ng dalagang basang-basa dahil sa ulan ngunit tila'y walang nakakarinig sa kanya dahil lahat ng tao sa loob ay may kanya-kanyang ginagawa.
"TUULLLOOOOOONG!", isang malakas na tili ang ginawa niya upang siya'y mapansin. Nagbunga naman ang ginawa niya dahil may lumapit sa kanyang isang lalaking doktor na mukhang ka-edad lamang niya.
"Miss, ayos ka lang ba?", tanong ng doktor ngunit kumulo ang dugo ng dalaga sa kanya.
"KANINA PA AKO HUMIHINGI NG TULONG! ANG KAPATID KO, NAKAHANDUSAY DITO SA HARAPAN KO. Please, hindi ko na alam ang nangyayari sa kapatid ko", sa una, ang dalaga'y nagbabaga sa galit ngunit sa huli'y naging mahinahon siya na parang isang babasaging kristal.
Hindi na nag-aksaya pa ng oras ang doktor at tinignan ang batang lalaking nakahandusay sa sahig na nabalutan ng kumot ngunit basa.
"Nurse, prepare all. We have to examine this little kid", sabi ng Doktor sa isang nurse kaya naman sumang-ayon ito at nagmadali upang gawin ang utos. Dinala nila sa isang silid ang kapatid ng dalaga upang doon isagawa ang kailangang ang eksaminasyon.
Iyak ng iyak naman ang dalaga habang hinihintay ang resulta ng kanyang kapatid sa labas ng silid.
"Hindi ko kayang mawala ang kapatid ko", paulit-ulit na bulong ng dalaga at parang wala siya sa kanyang sarili. Hindi niya alintana ang lamig na kanyang nararamdaman dahil sa labis na pagkalungkot at kaba sa kanyang damdamin.
Makalipas ang ilang oras na kanyang paghihintay, lumabas ang doktor at hinanap ang dalaga upang siya'y kausapin.
"Miss", tawag ng doktor sa dalaga. Inangat ng dalaga ang kanyang mukha upang masilayan kung sino ang tumawag sa kanya at siya naman ay nagulat. Nagulat dahil sa lakas ng pagkabog ng kanyang puso.
"Doc, a-ayos na po ba ang kapatid ko?", nanginginig na tanong ng dalaga.
"I'm Doctor Paul Curt. 'Wag ka sanang mabibigla, your brother needs to have a heart transplant at kailangang maagapan siya sa lalong madaling panahon", sabi ng doktor at inanyayahan ang dalagang umupo sa bench upang maipaliwanag ang lahat.
"Your brother has a Coronary Artery Disease. There's a plaque buildup in his arteries which restricts blood to flow to his heart then become starved by oxygen. The plaque could rupture, leading to a heart attack or sudden cardiac death. That's why I said that as soon as possible, he's going to have a heart transplant and we need a donor" sabi ng doktor kaya naman napasinghap ang dalaga.
"Doc, puwede bang pag-isipan ko muna? H-Hindi ko pa alam", sabi ng dalaga.
"Okay, take your time. I'll go", sabi ng doktor at hahakbang na sana siya nang magsalita ang dalaga.
"Nakapag-desisyon na ako", determinadong saad ng dalaga kaya napatigil ang doktor.
"Ako nalang", sabi ng dalaga kaya nagtaka ang doktor.
"Miss, ikaw nalang ang...?", ani ng doktor.
"Ako nalang ang kunin niyong maging heart donor para sa kapatid ko, please. Kaya kong ibigay ang lahat para sa kapatid ko", tuluy-tuloy na sabi ng dalaga.
BINABASA MO ANG
Watty Writer's Guild Writing Battle
RandomWATTY WRITER'S GUILD presents WRITING BATTLE What is Writing Battle? This will be a battle between members of Watty Writer's Guild. This aims to test your writing skills, your capability as a writer and to challenge you to write the things you nev...