Battler #2: Maligno

85 12 1
                                    

Description: Naniniwala ka ba sa Maligno?

Why: Para hindi mapagalitan Hahahaha choss. Sinulat ko 'to kasi simula pa no'ng magsimula akong magsulat lagi ko nang naiisip to. Nag-add lang ako ng ibang twist.

How: 500- 1,500 words, gagawin ko sanang book kaya lang dahil walang maisip na ibang plot, sinumarize ko nalang. Gamit ang wattpad app.

~°~

"Jacob, naniniwala ka ba sa mga maligno?" Ayan na naman 'yang mga tanong na 'yan.

Umiling nalang ako, ayoko muna magsalita, ilang araw na kasi ang nakalipas simula no'ng namatay si ate.

"Pa'no mo naman nasabi na walang maligno?" habang kumakain ng fries.

"Pa'no mo naman nasabi na meron ngang maligno?" tanong ko bilang sagot, napa-buntong hininga na lamang siya at nanahimik na.

'Wag mong sabihin kung hindi mo kayang patunayan. Kahit na totoo naman ang sinasabi ni Carlo. Yes, totoo ang mga maligno.

Simula pa bata ako nakakakita na ako ng mga maligno, pero iniisip ko nalang na guni-guni ko lang 'yon at hindi na lamang pinapansin.

"Tara na boi, magdi-dilim na." Pag-aaya ko, kanina pa kasi kami dito sa McDo

"Mamaya na." pagmamaktol niya at nag-astang parang bata.

"Alam mo, ang cute mo," sabi ko sa kan'ya ngumiti siya at sinabi." Syempre, ako pa-" hindi ko na pinatuloy ang sinabi niya. "Ang cute mo, mukha kang aso." pag-tutuloy ko.

" 'Wag ka nang umasa na aayos pa 'yang akala mo diyan nangyari yo'ng World War II." dag dag ko pa, parang pinag-sakloban ng langit ng lupa 'yang mukha niya.

Actually, hindi naman totoo yo'ng mga sinasabi ko. May itsura naman siya eh.

"Hay nako, tara na nga." Pag-suko niya. Alam niya naman na hindi siya mananalo sa asaran, lumaban pa siya, tsk, tsk, tsk.

"Sasabay ka ba?" tanong ko. " 'Wag na, may gagawin pa kasi ako eh." pag-tatanggi niya. " Tsaka baka madumihan ko pa 'yang sasakyan mo." pag-bibiro niya kasabay ng tawa.

Tumango nalang ako. "Basta message mo ako pag naka-uwi ka na." dag-dag ko bago tuluyang pumasok sa kotse.

~~~

"Pst." Kanina pa 'yang pasuwit ng pasuwit, nakakainis na kaya. Simula do'n sa mcdo hanggang dito sa St. **** namamaswit. This time tinignan ko 'yong pumapaswit.

Mula sa center mirror, nakita ko ang isang kapre na naninigarilyo. "Anong kailangan mo?" wala sa sarili kong pag-tatanong.

"Kawawa naman si Carlo." Nakakatindig balahibo bawat salita na namumutawi sa kaniyang bibig. Pero, Carlo?

Nanlaki ang mata ko nang nagsink-in ang mga sinabi niya.

"Anong ginawa mo sa kan'ya?" This time lumingon na ako sa likod kung nasaan siya.

"Tsk, tsk , tsk, look your front" Mapanuya niyang sabi. Gusto kong matawa sa page-english niya, pero at the same time kinabahan ako sa sinabi niya.

Lumingon ako at nakita ang isang truck na malapit ng bumangga, huli na para matapakan ang brake.

Narinig ko nalang ang halakhak ng kapre bago ako mawalan ng malay.

~~~

"Ugh." Daing ko habang pilit na binubuksan ang mga mata ko.

Nanlaki ang mga mata ko na makita si Carlo sa tabi ko, hindi ko pinansin ang dugo sa ulo ko, basta safe siya.

"Pa-paano?" kahit sa loob ko nag-sasaya ako, 'di ko pa ring maiwasan na magtaka. Ang linis niya pa rin at walang kagalos-galos.

"Jacob," Nawala ang ngiti niya na napalitan ng smirk. "Naniniwala ka ba sa maligno?" Tinutukan niya ako ng baril. "Sumagot ka!" nakakatakot ang boses niya.

"Pwes, paalam na kaibigan." Narinig ko ang pag putom ng baril, ramdam ko ang bala na tumagos sa puso ko.

Pero bago pa ako matuluyan, nakita ko ang pag-babago ng mukha niya. Isa rin pala siya sa kanila.

End

Written by: Fantasy_King8

Watty Writer's Guild Writing BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon