Final Battler #2: Pied Piper

25 2 7
                                    

Description: Ang musika  ang nagpaparamdam sa atin ng iba't-ibang emosyon. May masaya,malungkot,puno ng pighati,pagamahal,at inspirasyon.

Why: Music makes me happy,can make me cry and sad. But music is my inspiration,hindi ko ma-imagine ang sarili ko nang walang music.  Pero nitong huli, marami akong napapakinggan na parang hindi na maganda sa pandinig ang mga bagong musika. Hindi ko nilalahat, pero karamihan.  Isang song na, nakakatuwa ang beat at parang swabe sa pandinig pero kung itatranslate at pakikinggan mo, bastos pala ang laman. Kahit tagalog songs meron. Whats happening on the earth? Haha.

How: tentenenen.  The last minute entry.  Sobrang sabaw talaga ako,wala akong maisip.  Isa pa, tinatamad ang mga daliri ko para magtype ng story na alam kong hindi naman ako desidido,busy rin masyado sa work dahil sa holiday na dumating bukod pa sa preparation before holiday.  Pero pinush ko na ito.  Sorry ngayon pa lang,hindi yata akma ito sa theme.  April 2 na ako nagsimula eh.  Hehe.  'wag tularan:)

Ps: yung title, hindi siya  connected sa fairytail story na pied piper.  Naisip ko lang ititle, wala akong maisip eh.  Hahaha.

....

Bumaba ang isang lalaki mula sa isang pampasaherong jeep na may suot na puting t-shirt,jacket at kupasing  pantalon.

Malamig na simoy ng hangin ang sumalubong at yumakap sa kanya. Malapit nang magtakipsilim at kahit dinadaga man ang kanyang dibdib,tinatapangan niya ang kanyang loob.

Napatingin siya sa sign na nasa itaas ng gate ng village.

"Villa Musica,"basa niya sa nakasulat. Para bang bigla na lang nanlamig at nanghina ang kanyang katawan nang bigkasin iyon.

Medyo may kalumaan na ang gate nito pati ang sign. Wala rin halos dumadaan na mga tao palabas man o papasok.

Napaatras siya ng tatlong hakbang sa narinig. Nag-aalangan siyang pumasok sa lugar na iyon.

Ang sabi ng mga tao sa kanila,ang lugar na iyon ang pinakaiilagan na village sa kanila. Kapag pumasok ka raw roon,wala nang kasiguraduhan na makakalabas ka pa. Maraming nawawalang kabataan sa kanila at ang suspetsa nila ay pumupunta ang mga ito roon.

Huminga siya ng malalim bago binuksan ang gate. Itinapak niya ang kanyang paa sa loob nito.

Nagulat na lamang siya nang magbago ang scenario pagpasok niya. Mula sa luma,madilim at halos walang tao na lugar ay napalitan ito ng maliwanag,maganda,puno ng musika at mga nagsasayawang mga tao.

Nakakaakit ang tugtog nila.Naglakad-lakad siya at napapasayaw habang nanunuri sa mga tao. Para siyang nasa langit. Sobrang liwanag.

Ang ipinagtataka niya lamang ay kung bakit parang walang mga emosyon ang tao sa paligid niya. Sumasayaw sila pero blangko ang ekpresyon ng kanilang mukha.

Napatigil siya sa nakita.  Ang weird naman, iyon ang nasabi niya sa sarili.

Napalitan ang lahat ng madilim na aura. Tumigil ang mga tao sa pagsasayaw at nagsipasok sa kani-kanilang bahay.

Hindi niya alam ang gagawin kaya gumilid na lamang siya nang makita na may paparating na mga tao at isang nakakabayo. Dala nila ang dilim na unti-unting bumalot sa masayang aura kanina. Parang isang kamatayan ang sasalubong sa kanya kaya naman tumakbo siya palayo rito.

Tumakbo siya nang tumakbo hanggang sa makapunta siya sa isang bulwagan.  Nakita niya sa labas ang tarpaulin na may imahe ng limang lalaki.  Sa tingin niya ay banda ito.  Parang may gaganaping concert kaya  pumasok siya.

Sobrang ingay sa loob. Tumatalun-talon ang mga tao at magagara ang kanilang suot.  Kung tutuusin mga normal silang tao pwera na lamang sa kanilang mga mata na blanko at bilog na bilog. Napansin niya rin na lahat sila ay mga nakaitim.

Watty Writer's Guild Writing BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon