Action Battler #1: Toryo with his Racing Thoughts

57 9 9
                                    

Description: Hindi mapapantayan ng pera ang buhay ng isang tao ngunit paano na lang kung hindi rin pupwedeng pumatay ng tao sa kagustuhan ng hustisya nito?

Why: First time ko magsulat ng Action kaya pasensya na kung epic ang kinalabasan hahaha! Gusto ko lang kapag ganito ang genre, dapat bida ang favorite kong caaaaar! Yung pinapangarap kong bilhin next time. Haha kaya ito na, advance sorry kung epic man or what basta naenjoy ko talagang isulat ito. 

How: I used Third Person para maidetalye ko nang mabuti ang magkabilang panig. Ginawa ko ang lahat. Char! Jk lang hindi naman, basta nag-enjoy talaga akong magsulat nito kahit late na ako nagpass hehe.   

---

Sigawan at takbuhan ng mga tao ang naririnig sa Rio Verdenum dahil sa dalawang sasakyan na naghahabulan. Nangunguna ang isang Maybach Exelero, kasunod nito ang itim na SUV. Dahil sa mabilis na pag-andar at walang malawak na daraanan, ang espasyo patungo sa Settler Hall ang pinuntirya nila. Nadamay tuloy ang mga trabahanteng umaasintada sa ginagawang establisyamento. Walang nagawa ang mga naroroon kundi ang murahin sila sa isip at ipaubaya sa Diyos ang karma na mangyayari sa kanila.

Patuloy naman ang pag-uunahan ng dalawang mamahaling sasakyan kahit na marami ang nasisira dahil sa kagagawan nila. Lima ang sakay sa itim na SUV, nasa front seat ang pinakalider nila samantalang ang kanang kamay ay nasa driver seat na nagmamaneho ng sasakyan. Nasa likod ang tatlong tauhan na may dalang mga baril. Kinasa ni Istu ang isa, binuksan ang bintana at mabilis na pinaputukan ang isang gulong ng kalabang sasakyan.

Agad namang nakaiwas ang kotse dahil nakikita ni Toryo sa side mirror ang bawat galaw ng kalaban. Si Victorio Lagunday, pinaikli sa tawag na Toryo. Isa siyang Mechanical Engineer at pumapangalawa sa mahuhusay na inhinyero sa larangang iyon. Bukod doon, isa rin siyang negosyante na nagsusuplay ng mga armas hindi lang sa Gobyerno kundi pati na rin sa mga pribadong organisasyon. Iba't ibang matataas na kalibre ng baril ang nabebenta niya sa halagang bilyones sapagkat ang kalidad na serbisyong hatid ng mga gawa niya ay hindi mapapantayan. Siya mismo ang gumagawa niyon at siya pa lang siguro ang nakakagawa nang ganoon. Marahil na hindi niya pa rin kayang matugunan ang nais ng mga kliyente, ngayon tuloy ay nakikipagsapalaran siya sa taong hindi niya kayang banggain.

Si Vinci Goliat, mas kilala sa tawag na Lord Vinchigo ay isang baron sa Scotland na namumuno sa Great Britain. Kahit na maraming tauhan at hindi naman nagkukulang sa sandata, kailangan pa rin ni Lord Vinchigo ng mga matitibay na armas. Ang seguridad kasi sa komunidad nila ay hindi na matiwasay dahil sa mga kolonistang nais atang pabagsakin sila. Dahil nalaman nitong si Toryo ay nagsusuplay ng iba't ibang armas, sa kanya na ito kumukuha ng mga baril gaya na lang nang gamit nilang Remington shotguns at Parker Hale.

Inalok nito si Toryo ng dalawang bilyong dolyar kapalit ng mga baril na dapat niyang maibigay sa tinakdang panahon. Sapagkat kailangan din ni Toryo nang higit pang pera upang makatayo ng sarili niyang kompanya dahil lumalago na ang kanyang negosyo, pumirma siya sa kontratang binigay ni Lord Vinchigo.

Ang akala niya'y makakaya niya ang oras na pinukol ng baron na iyon ngunit hindi pala. Sa pagkakataong nagsisimula na ang digmaan sa pagitan ng iba't ibang malalaking bansa at nais nang makuha ni Lord Vinchigo ang kapalit nitong bilyones ay hindi niya maibigay. Wala siyang nagawa kundi ang magtago dahil wala siyang maihaharap. Hindi niya rin kayang ibalik ang pera dahil ito'y nagamit na niya sa kanyang pansariling nais.

Masakit man sa loob ni Toryo na may nadadamay siyang inosenteng mga tao, hindi niya pa rin kayang sumuko na lang dahil alam niya sa sarili na wala siyang kasalan. Hindi lang niya nagampanan ang tungkulin dahil na rin sa dami nang kailangang gawin.

Ganoon din ang kabilang panig. Nais nilang parusahan si Toryo dahil sa hindi pagtupad sa pangako niyang iyon. Ang sabi niya'y ibabalik niya na lang ang pera pero hanggang ngayon ay nasaan na? Wala pa rin.

Watty Writer's Guild Writing BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon