Description: Isang babaeng kayang magpakabaliw para sa pagmamahal.
Why: 'Di ko alam actually bakit ko 'to sinulat. 'Di ba sabi ko hindi ako magpapasa? Haha. Pero nga dahil nakabuo ng kung ano 'yong utak ko, ni-push ko na. Hahaha.
How: By aiming the limited time haha. Kanina ko lang kasi 'to ginawa so good luck sa'yo. Maintindihan mo nawa. HAHAHA. Saka nga pala, nabuo din ito habang nakikinig ako ng Titibo-tibo ni Moira hahaha.
--
Maliliit na pagpadyak mula kay Dianne ang maririnig habang nakatambay sa upuang bigay ng tindahan. Ang paa'y nasa dekwartong posisyon habang ang mga kamay ay nakasandal sa likod ng upuan.
"Oh, ano na? Tapos na?" tanong nito sa taong kaharap niya. Nakaupo iyon sa kaharap na upuan habang nakatingin sa malayo at pinipigilan ang pagluha. "Uminom nalang kasi tayo, 'tol. Bawasan natin 'yang nararamdaman mo."
Umiling si Adrian sa alok ng kaibigan. "Ang sakit, 'tol." anito kasabay ng pagpatak ng isang luha.
"Tsk, tsk. Alam ko. Kaya nga kanina ka pa umiiyak diyan, di'ba?" nakakunot ang noo niya habang tinatanong iyon. Tinitigan muli ang kaibigan. "Tama na 'yan. Sawa na 'ko sa mukhang 'yan. Umuwi na nga tayo."
Hindi niya muli iyon pinakinggan at pinagpatuloy nalang ang pagdarama ng sakit na dulot ng kanyang nobya. Este, dating nobya.
Naghiwalay na kasi sila kaya gan'yan ang eksena. Siyempre, to the rescue naman si Dianne para samahan siya.
"Ano? Gan'to nalang?" nagsalita siya muli. "Uupo ka lang diyan at iiyak? Aba, 'tol, sampung minuto na tayo dito!"
Tinignan naman siya nito. "Limang minuto palang."
"'Sus! Gano'n din 'yon--"
Babanat pa sana si Dianne pero tumayo na si Adrian.
"Oh, sa'n ang punta, 'tol?" tanong nito habang hindi pa naglalakad.
"Uwi na 'ko, ingay mo, e."
Napabuntong hininga na lamang siya sa narinig. "'Ge, ingat."
Nang makalayo na siya, saka si Dianne tumayo. Sinundan niya ito nang palihim ngunit habang naglalakad ay siya ang nasurpresa. May humintong itim na van sa gilid niya.
May mga bumabang taong nakaitim mula roon at kinuha siya. Bago pa siya sumigaw ay ginawaran na siya ng isang malakas na sapak. Kaya naman nandilim ang paningin niya at nakatulog.
-
"Kamusta?"
Nagising si Dianne dahil sa malakas na pagsipa sa kanya. Kunot-noo itong tinitigan ang babaeng sumipa sa kanya. "Pakawalan mo ako!" sinubukan niyang tanggalin ang taling tinali sa kanya sa upuan ngunit siya'y nabigo.
Halakhak naman ang sinagot sa kanya. Ang babae ay nakasuot ng bistidang pula at mataas na takong habang hawak ang isang baril. Ngumiti ito. "Are you ready to die?"
"Hayop ka, 'wag mong hintaying makawala ako dito dahil sinasabi ko sa'yo Louise, mapapatay kita."
"Oh, natakot ako. Paano naman kaya mangyayari iyon?" Binigyan niya ng sulyap ang mga matitipunong lalaki sa likod niya.
"Duwag ka, Louise. Ano? Papatayin mo 'ko ng walang laban? Isa kang duwag!"
"Oh, well." Binigyan niya ng tingin ang mga kukong nakapinturang pula. "I don't care who's coward here. This is my revenge!" Tinignan niya si Dianne gamit ang nanlilisik na mata at saka itinutok ang baril sa kanya.
"Hayop ka!" awtimatikong lumabas iyon sa bibig niya nang itapat ang baril sa kanya.
"Are you scared?" nakangiti nitong tanong. "That's what I want!" saka nagpakawala ng halakhak. Pagkatapos ng halakhak ay huminto ito at pasugod na lumapit sa kanya, tinutok ang baril sa sintido. "Yes, Dianne, you will die defenseless. Do you know how eager am I to kill you?"
BINABASA MO ANG
Watty Writer's Guild Writing Battle
De TodoWATTY WRITER'S GUILD presents WRITING BATTLE What is Writing Battle? This will be a battle between members of Watty Writer's Guild. This aims to test your writing skills, your capability as a writer and to challenge you to write the things you nev...