Description: Magpapatuloy kaya ang naudlot na pagmamahalan? Mauulit ba ang nakaraan?
WHY: Wala po kasi akong maisip. Love ko ang Philippine Hisotry pero di ko knows ang Philippine Mythology, hmm meron pero kaunti lang pala. Nagustuhan ko rin ang super romantic story ng napili kong Alamat kaya ayon.
HOW: pinilit kong siniksik ang story-ng to. Actually yung original na compo ko eh umabot ng 4,000 words, kaya marami akong scenes na dinelete. Kaya pasensya na po kung medyo bitin, di dapat ganun ang ending ehh pero waley akong magawa huhuhuhu sorry po, di kinaya ng powers ko ang elements T-T. Mas maganda ang story-ng to kung by chapters at mapapasok pa yung intense na mga eksena. Sana magustuhan nyo pa rin.
Ang pagsayaw ng ulap sa bughaw na kalangitan. Ang tila musikang pintig sa aking tenga ng mga huni ng ibon. Nararamdaman ko ang pagdampi ng mga damo, tuyong dahon at ng malambot na lupa sa aking balat, sa buo kong katawan. Pinilit kong tumayo, gumalaw ngunit hndi ko kaya, para bang naparalisa ang buo kong katawan at pinili nalang nitong mahiga sa lupa, ni aking mga daliri ay di ko magawang itaas. Ano ba itong nangyari sa akin? Paano ba ako umabot sa ganito? Ano ba talaga ang plano ni Bathala sa aking buhay?
->>I<<-
10 araw pabalik mula sa kasalukuyang panahon.
"AHHHHH!" binalot ng matinis na sigaw ang buong kwarto nang dumampi ang bulak na punong-puno ng alcohol sa sugat ng batang nakaupo sa upuang kahoy.
"Sandali nalang ito Billie, niliinis ko nalang itong sugat mo. Ikaw naman kasi eh, ang kulit-kulit mo" masiglang sabi ni Nurse Joy kay Billie habang nilalagyn na nito ng plaster ang sugat sa binti.
"Sasusunod huwag ka ng maglilikot ha?" aniya habang ginugulo ang buhok ng bata.
"Opo Ate Joy" pangiting sabi ni Billie, di iniinda ang sugat sa kanyang binti. At saka ito paika-ikang lumabas sa Clinic.
"Alam mo Joy, sobrang napamahal na talaga sayo yang mga batang yan" nagmula ang boses na iyon sa upuan di kalayuan sa mesa ni Joy. Nilingon nya ito at napangiti ng makita ang kapwa nyang Nurse na si Annie na nakaupo sa harap ng sariling mesa, kasama niya ito na Nurse sa Clinic ng Saint Andrews Academy.
"Oo nga eh. Mamimiss ko talaga yang mga yan sa pag-alis ko papuntang Albay" nililigpit nya ang mga ginamit kanina sa panggagamot sa sugat ni Bllie.
"Isang buwan ka lang naman doon diba? At saka mas mabuti na rin yun para makapagbakasyon ka, at makatakas dun sa WALANG HIYA mong jowa" pagdidiin pa nya sa salitang walang hiya na tila galit na galit sya rito.
"UY! EX jowa" angal niya habang tinutok ang hawak na bote ng alcohol kay Annie.
Biglang napatigil si Joy, iniisip ang nangyari kagabi.
Biglang pumasok ang lalaki sa Clinic at padabog na isinara ang pinto. Nagulat si Joy sa ginawa ng lalaki, natakot sya ng bigla naglakad ito patungo sa kinatatayuan nya. Di nya makita ang mukha ng lalaki dahil natatakpan ito ng hood ng suot nitong itim na jacket. Di sya makakilos, kahit anong pilit nya ay parang napako ang kanyang mga paa sa sahig. Wala syang nagawa ng idinikit sya nito sa pader at hawak-hawak ang magkabila nyang braso na parehong idinikit sa pader. Unti-unti na nyang naaninag ang mukha ng lalaking iyon, at parang binuhusan sya ng malamig na tubig ng malaman na ito ay si...
"Cris?" pabulong nyang sabi ngunit sapat na upang marinig sya nito, dahilan upang mapaangat ito sa kanyang ulo at blankong tumingin sa kanyang mga mata. Di niya inaasahan ang sunod na nangyari, marahas sya nitong hinalikan sa leeg, sa pisngi at sa labi, at kahit anong pagpupumiglas na kanyang gawin ay walang epekto.
Akala nya di na ito mangyayari pero biglang tumigil si Cris at pahangos na huminga, sobra itong napagod at nanghina sa kanyang ginawa kay Joy, dahilan upang makawala si Joy sa mahigpit nitong magkakagapos sa kanyang kamay. Walang ano-ano'y ginawaran nya ito ng isang malutong na sampal sa kanan nitong pisngi.
BINABASA MO ANG
Watty Writer's Guild Writing Battle
SonstigesWATTY WRITER'S GUILD presents WRITING BATTLE What is Writing Battle? This will be a battle between members of Watty Writer's Guild. This aims to test your writing skills, your capability as a writer and to challenge you to write the things you nev...