Kinakabahan ako. Syempre hindi ko sinabi sa mga kaibigan ko na magkikita kami ngayon ni Luke dahil siguradong magkakagulo sila at mawawala ang focus nila sa darating na eleksyon bukas ng CBA department. Nakakahiya nga kasi wala ako masyadong maitulong kay Jane.
10 minutes late ako nang makarating sa tagpuan namin ni Luke. Isa itong kilalang fine-dining restaurant at kaunti pa lang ang kumakain sa ganitong oras. Nakasuot siya ng hood at salamin nang makita ko siya mula sa malayo. Para bang ang laki ng problema niya dahil tulala lang siya.
“Sorry kung late.”
“No. It's okay. Kain na tayo?” Tinawag nya kaagad yung waiter.
“Teka... kakain tayo? Ano pala yung sasabihin mo?”
“Saka na... kapag naka-order na tayo ng pagkain. Anong sayo?” Nakangiti siyang tumingin sa menu. Sinabi niya sa waiter yung kanya at saka tumingin sakin na hinihintay yung order ko.
“Katulad na lang nung sayo.”
Nang makaalis ang waiter ay diniretso ko na sya.
“Luke, sabihin mo na yung sasabihin mo. Hindi ako pumunta rito para kumain.”
“So galit ka pa rin hanggang ngayon sakin? What should I do, Cassidy. You're making my sanity away.”
Nawala yung ngiti niya at sunod-sunod siyang napamura. Laglag ang panga ko sa ginawa niya. What did I do to him? Bakit ganyan na lang siyang maka-react at ngayon ang unang beses na narinig ko siyang magmura.
I guess, even the famous Luke Anthony Trias can cuss like this.
Bumuga siya nang hininga. It's like he was defeated in a game. Hindi ko siya maintindihan. Bakit masyado siyang apektado na galit ako sa kanya na ang totoo naman ay hindi. Awkward lang sa akin na makasama sya dahil sikat sya at hindi ako nababagay sa industry niya. Tumama lahat sa akin ang mga sinabi niya noon sa Puerto Galera... sa loob ng tent.
“Alright. I just want to eat with you. I want to see you... badly... so badly Cassidy.”
Kumalabog ang puso ko. Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Isa akong fan 'di ba? Ganito ba siya sa mga fans niya? Masyado ba talaga siyang mabait na nakakahulog ng damdamin? Masama na ito. Masama para sa akin ang magkaroon ng nararamdaman dahil siguradong hindi naman kami pareho. Iba ang nararamdaman ko at pawang tingin pang kaibigan lang siguro ang nararamdaman nya sakin. Pwede naman na maging ganito ang mga kaibigan 'di ba?
Nag-serve na ang waiter ng pagkain namin pero hindi pa rin nawawala ang mga mabibigat na titig ni Luke sakin. Hindi ako makatingin sa kanya kaya kinuha ko na lang at kutsara't tinidor at nagsimulang kumain. Wew!
Kumain lang ako nang kumain pero bakit hindi pa sya kumakain? Bakit nakatingin pa rin siya sakin?
“Luke...” Sa wakas ay nasabi ko sa kanya. “Please naman. Naiilang ako sa titig mo. Pwede bang kumain ka na.”
“Oh, sorry. I just want to stare at you. I don't know what it feels if you would stare at me the way I do to you.”
Ang pula ko na siguro! Kaya napainom na lang ako ng ice tea sa sinabi nya.
Nang matapos na kami kumain ay nagyaya siya na umalis na. Hindi na raw maganda na mag-stay pa kami roon dahil may nakita siyang isang kilalang reporter na may iniinterview sa bandang likod ng restaurant.
Mabilis kaming gumalaw at pumasok na sa kanyang sasakyan. Bukod sa sasakyan ni Ismael, kay Luke pa lang na kotse ang nasasakyan ko. Naamoy ko agad ang mabangong amoy niya sa kanyang kotse.
“Sorry for that. Mahirap na makita tayo dahil siguradong magiging malaking issue ito.”
Sumakit ang puso ko nang maisip na baka takot siyang malaman ng kilalang si Jasmine Du ang pakikipagkita sa akin ni Luke. Masakit. Sa tingin ko ay may nararamdaman na taalga ako para sa kanya.
“Kaya ba...” Kinagat ko ang ibaba ng labi ko. “kaya ba natatakot kang makita ng reporter na magkasama tayo kasi makikita ni Jasmine?” Nang makita ko syang nagulat ay agad akong yumukko at humingin ng pasensya. “Sorry! Sorry hindi ko na dapat itinanong yun!”
“No! Of course not! Why would you think that? At bakit nakasama si Jasmine dito? Don't tell me naniniwala ka sa issue?”
“Sorry...” So hindi pala talaga totoo na girlfriend nya yun?
“Hindi totoo ang mga nasa balita. Madami lang talaga ang mga obsess na reporters. Inilalabas lang nila kung ano ang gusto ng tao dahil iyon ang bebenta. Pati... natatakot ako na magulo ka nang dahil sa akin. Ayokong huntingin ka ng mga reporters.”
“Ganito ka ba talaga kabait sa mga fans mo? Alam mong isa akong fan kaya mo ako tinatrato ng ganito? Alam mo... hindi kasi maganda kung ganito.”
Tinanggal niya ang kanyang hood at salamin. Ngayon ay kitang-kita ko na ang perpekto niyang mukha na talagang nakakaakit tingnan. Inayos niya ang buhok ko at hinawakan ako sa mukha.
“I never think of you as a fan. You know Cassidy, I... how do I say this?” Binasa niya ang labi niya at tumitig sa akin. Nang dahil doon ay napatitig na rin ako sa kanya.
“Sht! Now I know the feeling of you staring at me. Your stare is like a huge fire trying to melt my sanity away.” Muli na naman niyang binasa ang kanyang labi at saka ako hinalikan.
Hindi gumagalaw ang mga labi namin pero ang init sa pakiramdam. Ang bilis ng pintig ng puso ko. Matapos nun ay malambing siyang tumingin sakin. “I like you. Do you feel the same way?”
Nanlaki ang dalawa kong mata. Hindi ma-absorb ng utak ko ang sinabi niya. Sht! Gusto niya ako?! Pero pwede naman bilang kaibigan 'di ba?
“Gusto mo ako... bilang kaibigan?” Napangiwi siya sa sinabi ko tapos saka siya ngumiti.
“Kung bilang kaibigan, sa tingin mo hahalikan kita?” Napalagok ako ng laway. Niloloko ba ako ng tadhana? Luke Anthony Trias likes me! How the hell did that happen?! “Mas maayos din sana kung hindi bilang isang artista ang paghanga mo sakin, Cassidy. Because I like you... not as a model but as a woman.
=
Author's note:
Please do vote and comment if you like this chapter. Thanks!
Follow me on twitter: @imericacruzat
BINABASA MO ANG
MY LUKE
Teen FictionNamana ni Maureen Cassidy Solanor ang sumpa ng pamilya ng kanyang ina kaya nakikita niya ang hinaharap sa pamamagitan ng panaginip. Sa kasamaang palad, ay nakita rin niya ang magiging kamatayan nya. Dumating sa buhay nya si Luke kung saan naranasan...