Nakasimangot na umalis si Luke nang sumama ako kay Lyndon. Hindi ko naman sinasadya na masaktan siya. Inisip ko na lang na baka kailangan niyang bumalik sa trabaho dahil panay ang tawag sa kanya kanina. Isa pa, babalik din talaga si Lyndon sa school dahil may klase rin sya katulad ko.
Habang nagkaklase ay panay ang tingin ko sa aking cellphone. Aish! Bakit ba nagu-guilty ako?! Wala naman akong ginagawang masama ah? Ginawa ko lang ang sa kung ano ang tama.
Pero... dapat bang i-text ko sya?
“Ms. Solanor! You're not paying attention to my class!” Lumapit sakin ang professor namin sa subject na ito. Ang buong atensyon ng klase ay nasa akin. Nakakahiya!
“S-sorry, ma'am.” Naku naman! Galit na galit sya sakin!
“Ibigay mo sakin ang cellphone mo. Kunin mo ito sakin mamaya, hanapin mo na lang ako sa department.”
Wala akong nagawa kundi ibigay sa kanya ang cellphone ko. Siguardong pag-iinitan pa ako nito sa mga susunod na araw.
“Psh! Naging model lang, akala mo kung sino na. Buti nga sa kanya.”
“Oo nga. Nakakainis talaga sya.”
Narinig ko ang mga kaklase ko na nag-uusap sa likod. Napabuntong-hininga na lang ako. Alam ko naman na hindi lahat ng tao ay ma-pi-please mo. Hindi ko na lang sila pinansin dahil hanggang salita lang naman sila.
Nang matapos ang klase ay dumiretso na agad ako sa department para kunin yung cellphone ko. Hinanap ko sa admin doon kung si ma'am pero nakaalis na daw sya.
“Ha? Paano po yan eh nasa kanya po ang cellphone ko?”
“Kunin mo na lang ulit sa kanya bukas. Baka nakalimutan lang nya.”
Nakakainis naman si ma'am! Kinalimutan nyang nasa kanya yung cellphone ko. Buti na lang at nakita ko sina Jane at Cha na mukhang papunta na sa parking lot. Tinawag ko sila.
“Mau! Kanina ka pa namin tinatawagan pero hindi ka ma-contact! Anong bang nangyari sayo?” Cha.
“Oo nga. Mag-ce-celebrate kami mamaya sa bar ni Cha. Sama ka ha? Kaya nga tinatawagan ka namin eh. Mabuti na lang tinawag mo kami!” Jane.
“Dala ko ang kotse ko ngayon. Hatid ka na namin sa apartment mo!” Cha.
“Congratulations, Jane! Sorry kung hindi nyo ako ma-contact. Na-confiscate kasi ng isa sa professors ko yung cellphone ko eh. Bukas ko pa makukuha kasi umalis na sya.”
“Salamat! Pero teka, text ka ata ng text sa klase mo ha? Sinong ka-text mo?” May panunuya sa ma titig nila.
“Wala! Tinitingnan ko lang yung cellphone ko.”
“Ayiiiieeee! May inaabangan kang tumawag o mag-text?”
Bago pa magsunod-sunod ang pang-aasar nila sa akin ay may taong kumulbit sakin sa balikat kaya napalingon ako. Bumungad sa akin ang cute na mukha ni Lyndon tapos nakangiti pa sya.
“Hello, Maureen! Uuwi ka na? Sabay ka na sa akin? Hindi umattend yung professor namin sa last subject kaya maaga kaming pinauwi eh.”
Nanlaki ang dalawang mata nina Jane at Cha dahil kay Lyndon. Siguradong may mga iniisip na sila sa amin.
“OMG! Sino sya?!” Jane.
“May boylet ka na, Mau?! Bakit hindi namin alam?!” Cha.
“Teka nga! Bago kayo mag-react, hindi ko sya boylet. Kaibigan ko sya. Lyndon, mga kaibigan ko nga pala... si Cha at si Jane. At kayong dalawa, sya si Lyndon. Kaibigan ko sya. Kaibigan okay?”
BINABASA MO ANG
MY LUKE
Teen FictionNamana ni Maureen Cassidy Solanor ang sumpa ng pamilya ng kanyang ina kaya nakikita niya ang hinaharap sa pamamagitan ng panaginip. Sa kasamaang palad, ay nakita rin niya ang magiging kamatayan nya. Dumating sa buhay nya si Luke kung saan naranasan...