Chapter 14: My Luke

5.2K 147 7
                                    

“Bakit ba galit na galit ka? Para yun lang naman ah? Ayaw mo nun, instant sikat ka?”

Bwisit! Hindi naman ito yung ipinunta ko sa kanya pero yung issue pa rin sa picture namin yung inuungkat nya. Lloyd Sebastian, curse you!

Nakipagkita ako ngayon sa kanya kasi sabi nya may ibibigay daw sya sakin na trabaho. Kahit nakakainis yung ugali nya, kailangan kong magtiis. Hay buhay!

“Hindi yan yung ipinunta ko dito! Nasan na yung trabaho na sinasabi mo?! Pwede bang pakibilisan?!”

“Parang mas busy ka pa sakin ha? Mas inuna nga kita kaysa sa mga nakapila kong schedule. For sure magagalit na naman sakin si Yuki. Haha! Basta huwag ka nang magalit, hindi naman pati kilala kung sino ka eh. Naka-side view ka kaya sa picture.” Tumikhim siya. “May nagselos ba?”

Tumawa na naman sya. Bigla kong naalala yung ginawa ni Luke nung isang araw. Nagseselos nga ba sya? He became irrational after seeing my picture with Lloyd. Pero geez! Kinikilabutan talaga ako dun sa nasa internet! Sana ipalabas na yung movie para tumigil na sa pagwawala yung fans ni Lloyd.

“Isa pa! Kapag hindi ka nagseryoso aalis na talaga ako!”

Palibhasa nalaman nya kay Ms. Yuki na kailangan ko ng pera kaya ganito na lang sya makaasta sakin. Nakakainis naman talaga!

“Alright! Alright! Heto na... yung P.A ko kasi naka-leave ng two days. So ikaw muna yung papalit sa kanya.”

“Alalay mo?! No way!” Nahampas ko pa yung lamesa! Naiimagine ko na yung magiging itsura ko. Siguradong kakawawain nya ako!

“Sure ka? Hm... I'll triple your salary.”

“Triple?!”

“Yep. Imagine na dalawang araw lang yun pero magkakapera ka na ng ganun? Hm... ikaw din.”

Ngumisi sya. Oh I hate his smirk pero mukhang okay din naman pala 'di ba? Just two days, Maureen Cassidy. Two days na pagtitiis lang.

“Okay! Pero... payment muna!” sabi ko sabay crossed arms.

***

“Swerte mo talaga! Ang dami mong makikitang artista sa loob ng dalawang araw!”

“Kung ako sayo makipag-close ka sa kanila!”

“Sa tingin nyo ba makikipa-close sakin ang mga yun kung isa lang akong alalay? Pati napansin ko na masyadong busy ang mga artista,” sabi ko kina Jane.

Kanina ay kasama namin si Lyndon. Umalis lang sya kasi start na daw ng class nya. Siya yung pangalawang lalaking naka-close ko. Napaisip ako, nasaan na kaya yung batang palagi kong iniinis noon?

“Uy Jane! Hindi ba magkasama kayo ni Lyndon kanina? Saan kayo galing?” tanong ko.

“Ha?! Nagpatulong lang ako na gumawa ng props. You know... malapit na ang Christmas ball.”

Hindi naman siya narinig ni Cha kasi busy yun sa pagte-text ngayon. Nag-nod na lang ako sa sinabi nya. Siguradong busy ngayon ang mga officers ng department namin. Sa school kasi na ito, CBA ang pinakamagarang mag-christmas ball.

“Okay ka lang?” tanong ko ulit sa kanya. Napansin kong namumula sya.

“Ha?! Oo naman! Medyo mainit lang!”

This time narinig na yun ni Cha.

“Mainit?! December na kaya! Ang lamig nga eh! Ang weird mo ngayon ha?”

“Hindi ano! Tara na nga!” Hinili ni Jane si Cha tapos nag-wave sila sakin habang umaalis. “May next class pa kami. Bye Mau!”

After class, nagkita na naman kami nina Jane pero this time kasama na nila si Lyndon. Niyayaya na naman nila akong sumakay daw ng sasakyan ni Cha pero sabi ko maglalakad na lang ako kasi walking distance lang naman yung apartment ko sa school eh.

MY LUKETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon