Ibinigay na sa amin ang room number namin kung saan kami magse-stay. Sa third floor kami napa-assign at may kasama akong tatlong models sa kwarto na hindi ko pa nakakausap simula kanina.
"What's your room number?" Tanong sa akin ni Luke na kasalukuyang hawak ang gamit ko. Nang makakita ako nang pagkakataon ay hinigit ko sa kanya ang aking bag.
"Room 26. At s'ya nga pala, salamat sa pagdadala. Kaya ko na."
"Magkalapit lang naman tayo ng room eh. Ako na ang—"
"Ah hindi, thanks na lang ha?" Umalis na agad ako para hindi na siya makahirit pa. Ano ba naman yan?! Napasobra naman yata sa kabaitan itong si Luke! Nakakahiya pati kung siya pa yung pagbubuhatin ko ng gamit ko. Baka may makapansin pa eh magkakaroon agad ako ng issue.
Maliit lang itong hotel na tinuluyan namin pero masasabi kong hindi ito nahuhuli pagdating sa service at sa kalinisan ng mga hotels sa Manila. Pumasok na ako sa kwartong naka-assign sa akin at nakita ang tatlong babaeng makakasama ko sa room. Ngumiti ako sa kanila.
"Hello!" Bati ng isa sa akin.
"Hi."
"I'm Ami." Nakipagkamay siya sa akin. "At ito namang kasama ko ay si Camille. Maureen, right?" Nag-nod ako habang nakangiti. "Bale kayo yung tabi ni Kathreen sa kama. Hey Kathreen! Itigil mo na yang pagbabasa mo dyan!"
Isinara ni Kathreen yung librong binabasa niya at tumingin sa amin. Take note, without smiling.
"Don't worry. Ganyan talaga yan but she's kind." Ami.
May kumatok sa pintuan namin at saka ito bumukas. Bumungad sa amin si Ms. Daisy na hawak ang kanyang tablet.
"Girls, bukas na lang daw magsisimula ang shoot. Pwede muna kayong magpahinga o lumabas basta sa malapit lang. And oh, always bring your phones with you, 'kay?"
"Yes! Thank you po!" Masayang sabi ni Camille.
"Sa wakas! Makakapaglibot pa tayo!" Ami.
"Guys! Lalabas kami. Sasama ba kayo?" Camille.
"Ah, hindi na. Magpapahinga na lang muna ako."
"Eh ikaw Kathreen?"
"Matutulog ako," sabi nito pagkatapos ay nagtalukbong ng kumot.
Nang makaalis na sina Ami ay nagpalit muna ako ng damit. Nagsuot lang ako ng simpleng blouse at shorts para presko sa pakiramdam. Inayos ko na rin yung mga gagamitin ko bukas. Tiningnan ko ang natutulog na si Kathreen habang nakatalikod sa akin. Gusto ko sana siyang kausapin pero mukhang pagod siya.
Tumunog ang cellphone ko at nakitang tumatawag si Jane. Mabilis akong lumabas sa room para hindi magising si Kathreen. Nakakahiya! Ang ingay ng cellphone ko!
"Hello."
"Hello, my friend! Kumusta ka na dyan? Kasama mo si Luke?" Narinig ko pa ang pag-agaw ni Cha sa kabilang linya. Hanggang ngayon magkasama pa rin pala ang dalawang iyon? Para silang kambal na hindi mapaghiwalay!
"Mau! Mag-picture kayo ng madami ni Luke dyan ha? I-uupload namin sa internet! Gagawa kami ng website nyo," saad ni Cha.
"Ano ba naman kayong dalawa! Hindi kami close ng tao ano!"
"Ah basta! Nga pala, tatakbo si Jane bilang vice-president ng CBA student council."
"Bakit mo agad sinabi, Cha! Dapat sa personal eh! Akin na nga yang cellphone ko!" Napangiti na lang ako sa kanilang dalawa.
"Hello, Mau! Basta galingan mo dyan ha? Be confident! Huwag kang mahihiya sa mga kasama mo."
"Opo." Para akong batang tinuturuan ng leksyon.
BINABASA MO ANG
MY LUKE
Novela JuvenilNamana ni Maureen Cassidy Solanor ang sumpa ng pamilya ng kanyang ina kaya nakikita niya ang hinaharap sa pamamagitan ng panaginip. Sa kasamaang palad, ay nakita rin niya ang magiging kamatayan nya. Dumating sa buhay nya si Luke kung saan naranasan...