Simula
I played with my ballpen habang bumubuntong hininga. Another boring day. Wala na yata akong magawa kundi ang magbilang ng taong dumadaan sa harapan ko. Palihim kong minumura ang mga couples na dumadaan.
Hindi ko alam kung bakit maraming tao ang nabibitter tuwing nakakakita ng mga couples. Siguro dahil alam naman ng lahat na after ng lambingan, at kung ano ano pang kabaduyan ang ginagawa nila ay in the end, magbi-break din sila.
"Kismet!" Malakas na sigaw ang umalingawngaw.
Nilingon ko kaagad ang kaibigan kong si Twist na tumatakbo papunta sa akin habang hawak ang cellphone niya. Nang makarating siya sa pwesto ko ay saglit pa niyang hinabol ang hininga bago nagsalita.
Tinaas niya ang kanyang cellphone, "I have kwento!"
Umirap ako sa kanya. Bukod sa maarte siya ay ang conyo pa niya kaya lalo akong naiirita sa presensya niya. Kung pwede nga lang magtapon ng kaibigan ay baka nasa basurahan na itong si Twist, eh.
"What?"
"May application akong ininstall noong nakaraan, and guess what?" Tumaas baba ang kilay niya.
Hindi ako sumagot at hinintay nalang ang susunod niyang sasabihin. Nang marealize niyang hindi ko siya tatanungin ay pinalo niya ako sa braso. Medyo na-out of balance pa ako kaya napasandal ako sa back rest ng inuupuan namin.
"It's a dating app! Bagay ito sa iyo, Kiss!"
Dating application? Wow. Ganoon na ba ka-excited magkaroon ng girlfriend or boyfriend ang mga tao, kaya pati ang pagde-date ay may application na rin?
Inabot ko ang cellphone niya para tignan ang sinasabi. Nabasa ko lahat ng conversation niya atsaka noong lalaki na naka-match niya raw. Kwento siya nang kwento pero wala namang pumapasok sa isip ko dahil hindi ako interesado sa sinasabi niya.
"Kismet naman, eh!"
Ano bang meron sa love na parang hinahabol ng mga tao iyon ngayon? Wala naman. Paaasahin ka lang tapos ay masasaktan. Paulit ulit na cycle, pero hindi natututo ang mga tao.
Aaminin kong naranasan ko na rin ang ma-inlove. Kaya nga alam ko na kung ano ang simula at ending ng pag-ibig. Bakit pa ako papaloko, hindi ba?
"Try mo lang dali. Malay mo, dito mo na makita ang destiny mo!"
"Tigilan mo nga ako, Twist. Wala akong panahon sa sinasabi mo..."
Inabot ko ang sling bag ko at tumayo na. Tiningala lang ako ni Twist dahil alam niyang hindi na niya ako kayang pilitin sa gusto niyang gawin.
Habang naglalakad ako sa quadrangle ay naagaw ng pansin ko ang isang grupo ng magbabarkada dahil sa ingay nila. Nagtatawanan sila habang nagkikwentuhan. Umiling ako at iniwas nalang ang tingin sa kanila.
"Dude, where are you balls? Hindi yata buo ang loob mo!" Narinig kong sabi ng isang malalim ang boses.
Nagtawanan nanaman sila at kinantyawan ang isa pa nilang barkada. Nagkibit balikat nalang ako at pumunta na sa susunod kong klase kahit na isang oras pa bago magsimula iyon.
Hindi na ako sinundan ni Twist. Hula ko ay pumasok na rin siya sa susunod niyang klase. Nag-iisa palang ako sa classroom kaya pumwesto ako sa dulo at gilid ng bintana. Nilabas ko ang cellphone ko at nakita ko ang maraming message ni Twist sa messenger ko.
Twist Fidelity:
Hi, Kismet, my beautiful bestfriend! Sinend ko na iyong link sa application na sinasabi ko. Baka magbago ang isip mo hihi!
Nagscroll up ako at napahawak nalang ako sa noo ko nang makita ang link. Nag-log out ako sa facebook at inoff nalang ang phone ko para hindi na ako makatanggap ng kahit anong message galing kay Twist.
Umubob ako sa table ko at tinagilid ang ulo para makita pa rin ang sinag ng araw. Tinaas ko ang isang kamay ko at pilit na kinukulong sa aking kamay ang sinag ng araw pero kumakawala iyon.
Kahit anong pilit mong paghawak ng mahigpit sa isang bagay ay nawawala pa rin ito sa iyo. Pilit na gagawa ng paraan makatakas lang sa kamay mo.
At dahil laging late ang professor namin ay late na rin dumating ang mga classmates ko. Nakaidlip pa ako ng kaunti bago nagsimula ang klase. Mailap ako sa tao kaya walang nagbabalak na lumapit sa akin.
Hindi ko alam kung kailan at kung ano ang nangyare, bakit ako nagkaganito. Nagulat nalang ako isang araw, takot na ako sa tao. Takot na ako magtiwala. Takot na ako sa lahat.
At wala akong ibang sinisi kundi ang sarili ko.
"Kiss, nabasa mo ba message ko?" Nakangiti akong sinalubong ni Twist.
Inirapan ko siya at nilagpasan pero dahil dakilang makulit ang isang ito ay alam kong hindi ako titigilan. Dumiretso ako sa Tim Hortons para magkape. Nakakarelax ang ambiance ritp kaya lagi kami ni Twist dito.
Umupo kami sa pwesto namin. Nilabas agad ni Twist ang cellphone niya at nakipagchat na para bang pinapainggit niya sa akin ang application na pinagmamayabang niya.
"Makipagmeet kaya ako kay Taurus? What do you think, Kismet?" Nagkalumbaba siya sa harap ko.
"If you think he's a good guy, then why not?" Walang ganang sagot ko.
Ilang minuto pa bago dumating ang order namin at sa ilang minuto na iyon ay walang ginawa si Twist kundi ang kumbinsihin ako na subukan din ang dating app na ginagamit niya.
Sumimsim ako sa kapeng iniinom habang nakikinig kay Twist. Hindi ko alam kung ano ang nakain ko at bakit nakikinig ako sa kwento niya na mukha namang binibrainwash lang niya ako dahil parang hindi na totoo ang mga sinasabi niya.
"He likes you?" Kunot noong tanong ko.
"Hindi pa niya sinasabi, syempre!" Namula ang pisngi ni Twist. "Pero alam mo iyon? Mararamdamdaman mo naman, eh. Hindi naman manhid ang mga babae."
Hindi nga manhid kaya assume nang assume. Sa huli ay mali naman pala ang inaakala. Gusto kong sabihin sa kanya ngunit tinikom ko nalang ang bibig ko para wala na akong masabi na pwedeng makasakit kay Twist.
"Are you really happy?" Nilingon niya ako sa hina ng boses ko. Lumunok ako. "Masaya ka ba talaga sa pakikipagchat ng ganyan?"
Kahit naman mukha akong walang pakielam sa mundo ay nag-aalala pa rin ako para kay Twist. Sa totoo lang ay malaki ang utang na loob ko sa kanya. Kahit anong mangyare ay hindi niya ako iniiwan. Kahit na ganito ang ugali ko ay napagtitiisan niya pa rin ako.
"Oo naman," ngumiti siya. "Try it then. I just want the best for you, Kismet. I want you to be happy again..."
Hindi ako nagsalita. Hindi ako sumang-ayon at hindi rin ako tumanggi.
Pag uwi ko ng apartment ko ay dumiretso ako sa kwarto ko at binagsak ang sarili sa kama. Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon pero hinayaan ko nalang kung ano ang gusto gawin ng daliri ko. Binuksan ko ang message ni Twist at binuksan ang link ng application na iyon.
Tinder...
Naglog in ako nang mainstall na siya at nandiri pa ako sa sarili ko dahil ikaw pala mismo ang hahanap ng lalaking pasok sa taste mo.
Napahinto ako sa susunod na picture. Binuksan ko ang profile niya at hindi ko alam kung bakit binasa ko ang bio niya. Hindi ko alam kung bakit natawa pa ako kaysa mainis sa nabasa.
"Gentleman na bastos..." basa ko. Kagat ko ang labi ko.
And then, I swiped right.