(Play the video while reading this chapter 👆)
Kabanata 12
Jones
Hindi ako masyadong makasunod sa klase dahil lumilipad ang isip ko sa kung anong pwedeng mangyari mamaya sa Holes. Hindi ko pa nasasabi kay Twist pero alam ko namang papayag iyon kaya baka mamaya ko nalang sabihin.
Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay hindi ko napansing tapos na pala ang klase at lunch time na. Nakita ko sa tapat ng classroom si Twist kaya inayos ko na ang mga gamit ko. Bitbit ko ang back pack ko at ang dalawang libro sa kamay nang lumabas ako ng pinto.
"How are you, my dear bestfriend?" Ngising ngisi si loka.
"U-uh... may sasabihin sana ako, Fidelity..."
Kumunot ang noo niya. Minsan lang kami magtawagan gamit ang last name pero kapag ganoon ay alam naming seyoso na ang usapan. Nawala ang humor sa mukha ni Twist at seryoso niya akong tinignan.
"Mamaya. Sa cafeteria?" Nagaalangang sabi ko.
Hindi na siya muling nagsalita pa. Nilakad namin ang distansya ng Building A hanggang sa cafeteria nang hindi naguusap. Umupo kami sa pwesto namin at nagorder na muna ng lunch.
Hindi ko alam kung paano sasabihin kay Twist lahat. Kasi nahihiya ako dahil noong una ay ayaw ko ng ideyang Tinder, pero tignan mo ngayon? Ako pa ang mauunang makipag-meet sa kachat niya.
"What is it, Reinhart?" Seyosong tanong niya.
"Kasi ano..." lumunok ako.
Akala ko ay mawawala ang barang nakabara sa lalamunan ko sa pamamagitan ng paglunok pero mas lalong bumara ang maraming laway roon; dahilan na hindi ako masyadong makapagsalita.
"Makikipagmeet ako kay Chance mamaya sa Holes..." kinurot ko ang likod ng kamay ko.
Hindi agad ako nakarinig ng kung ano kay Twist. Nagangat ako ng tingin sa kanya para makita ang reaction niya at halos magulat pa ako nang makita siyang nakangisi.
"That's great! I'm happy, Kiss..."
"Pero... can you come with me?"
"Sure naman!"
Nagtawanan pa kami. Sinabi ko sa kanya ang oras na napagusapan namin at ang balak kong agahan ang pagpunta.
"Yumuko ka nga sabi!" Hinila ko si Twist at pinilit payukuin ang ulo niya.
Inagahan talaga naming pumunta sa Holes para makita muna namin sila. Kahit naman hindi sinabi ni Chance na may kasama siya ay alam kong may isasama siya. Lalo na't ipinasama niya ang bestfriend ko.
"Seriously? Tingin mo talaga dadating na sila kahit na isang oras ang aga natin sa usapan ninyo?" Inirapan pa niya ako.
Hindi ko alam. Kabado ako sa mangyayari. Ito ang unang beses na makikipagkita ako sa hindi ko naman ganoon kakilala. Siguro nga mabait naman si Chance kaya walang problema.
Tumugtog ang isang kantang pamilyar sa lahat. Nagkatinginan kami ni Twist at sabay na natawa. Habang hawak ni Twist ang menu ay unti-unti siyang sumayaw. Imbes na mahiya sa pinaggagagawa niya ay mas natawa pa ako.
"Sugar!
Oh, honey honey
You are my candy girl
And you got me wanting you
Honey!
Oh, sugar sugar
You are my candy girl
And you got me wanting you"
Tumunog ang cellphone ko kaya tinignan ko iyon. Hinayaan ko nalang si Twist sa trip niya. Pag bukas ko ng chat mula kay Chance ay halos masamid ako sa sarili kong laway. Agad kong nilibot ang tingin ko sa buong Holes.
Natatamaan ng neon lights ang mukha ko pero wala akong pakielam. Tumigil si Twist nang mapansing balisa ako at umupo siya sa upuan.
"Why?"
"Fucker..." bulong ko. "Chance Jones and friends are already here!"
Iyong akala namin ay maaga kami para dapat sila ang panuorin namin sa pagpasok ng Holes ay mas nauna pala sila. Kanina pa raw sila at pinapanuod ang kalokohang ginagawa ni Twist.
"Oh, dali. Nasaan na raw sila?" May ngiti pa sa labi niya.
Kung ako ay nahihiya para sa kanya, siya naman ay parang walang pakielam. Kung sabagay, kailan ba nahiya ang isang Twist Fidelity?
"Sugar!
Oh, honey honey
You are my candy girl
And you got me wanting you
Honey!
Oh, sugar sugar
You are my candy girl
And you got me wanting you..."
"Hey girls!"
Mula sa kabilang table ay tumayo ang tatlong lalaki. Halos mabali ang leeg ko sa kakatingala sa kanila dahil sa taglay nilang katangkaran. Isa-isa ko silang tinignan at agad na napako ang tingin ko sa isang lalaki na nasa likod nila, nakangisi habang diretso ang tingin sa akin.
Prenteng umupo sila sa harapan namin. Pinanuod ko ang bawat galaw ni Chance. Binasa niya ang kanyang labi gamit ang dila habang umuupo. Tumapat pa talaga siya sa akin.
"Hey, Candy girl..." bati ng isa niyang kaibigan kay Twist.
"Uh..." lumunok ako.
Naghanap ako ng salitang pwedeng sabihin pero wala. Para akong napipe at walang kakayahang magsalita. Nanlalamig ang buong katawan ko at hindi ako mapakali.
"Hey..." tumaas ang dalawa niyang kilay.
"Hey," bati ko pabalik.
This is so awkward! Akala ko noong nagkakachat kami ay hindi ko mararamdaman ang ganitong awkwardness kapag nagkita kami but I was wrong. Halos hindi ako makagalaw sa sobrang hiya. Hindi ko alam ang gagawin ko.
"Hi! I'm Twist and this is my bestfriend, Kismet!" Pakilala ni Twist na akala mo ay ako ang isinama niya.
"I'm Lake!" Nagtaas ng kamay iyong lalaki na nagtawag ng "Candy Girl" kay Twist kanina.
Pilit kong iniiwas ang tingin ko kay Chance pero hindi ko magawa. Every 3 seconds yata ay bumabalik ang tingin ko sa kanya. And to my suprised? Hindi rin nawawala sa akin ang tingin niya. Naiilang ako kasi parang nakikita niya ang loob-looban ko.
"Ark..." ngumisi ang isang lalaki.
Lumipat ang tingin ng lahat kay Chance dahil siya nalang ang hindi pa nagpapakilala. Well, okay lang naman sa akin kung hindi na dahil kilala ko naman na siya.
Umayos siya ng pagkakaupo at pinagpag ang kamay niya. Inayos din niya ang suot niyang Nike na hoodie at ang buhok niyang magulo.
"I'm Jones." Naglahad ng kamay sa harap ko si Chance, "Nice to finally meet you, Reinhart."
💎💎💎
Red Velvet's Joy as Twist Fidelity 🖤
