Wakas
Nginuya ko ang kalamares na binili ko sa kabang kalsada habang binaba ang cellphone. Hindi na nagreply si Twist pagkatapos noong mga sinabi niya. Ang weird talaga ng isang iyon.
Umihip ang malakas na hangin kaya nagulo a g buhok ko. Inayos ko iyon. Mataas ang araw ngayong araw ngunit dahil nasa umbrella ako ay naging presko ang paligid. Mamaya pang alas singco ang susunod kong klase at alas tres palang ngayon kaya mahaba haba pa ang tatambayin ko rito.
"Oh my God! Nandito siya sa school natin? Like... whe the eff!" Rinig kong bulong ng mga babae.
Sino nanaman kaya ang pinagbubulungan ng mga ito? Umirap nalang ako at hindi sila pinansin. Basta't makakita lang ng gwapo ay kinikilig na agad sila. Sus, manloloko lang din naman sila. Katulad nalang ni Chance. Akala ko noong una ay iba siya.
"Sa ibang school si Madilyn, hindi ba? Baka naman lasing siya at dito napunta sa pagaakalang narito si Madilyn?"
Kahit na anong pilit kong baliwalain ang lahat ng naririnig ko ay hindi ko mapigilan. Nasusundan ko pa rin ang lahat ng pinaguusapan nila at maging ang conversation ng mga bulong nilang abot hanggang kabilang bayan ang lakas.
"One look at you
My whole life falls in line
I prayed for you
Before I called you mine
I can't believe it's true, sometimes
I can't believe it's true..."
Natigil ako sa pag nguya nang marinig ko ang pamilyar na kanta. Nag angat ako ng tingin at nakita ang isang lalaking may hawak ng mic at flowers. Kumakanta siya at umalingawngaw ang kanyang boses sa boses school.
Ang kalmado niyang boses ay bumagay sa ayos ng kanta. Iyon ang paborito kong kanta mula sa isa kong paboritong singer. Alam kong alam niya iyon dahil sinabi ko sa kanya noong isang beses na nagkatanungan kami.
"I get to love you
It's the best thing that I'll ever do
I get to love you
It's a promise I'm making to you
Whatever may come
Your heart I will choose..."
Lumapit siya sa akin. Ang pamilyar na pakiramdam tuwing tinatawag ako ng teacher namin para sa isang recitation na hindi ko naman alam ang sagot ay ang naramdaman ko.
Nakapikit ang mata niya. Nasa likod niya ang kanyang mga barkada at nakita ko bigla roon si Twist na kinukuhanan pa ng video ang lahat. Imbes na sana ay samahan niya ako rito, ganyan pa ang ginawa niya.
"Forever I'm yours, forever I do
I get to love you, I get to love you..."
Tatayo sana ako dahil malapit na siya sa akin nang bigla kong marinig ang isang boses na alam kong kilalang kilala ni Chance. Nilingon ko iyon at napawi ang ngiti ko nang makita ko siyang nakatingin ng diretso kay Chance habang nakangiti.
"They say love is a journey
I promise that I'll never leave
When it's too heavy to carry
Remember this moment with me..."
Sumikip ang dibdib ko at hindi ko alam ang gagawin ko ng mga oras na ito. Nanatili akong nakaupo sa gitna nila habang gumagawa sila ng eksena sa harap ng maraming taoㅡsa harap ng mga taong kakilala ko.
Nagtilian ang lahat at sinigaw ang shipper name nilang dalawa. Kumurap kurap ako dahil pakiramdam ko ay sa sobrang pag iinit ng gilid ng mata ko ay babagsak doon ang isang luha na hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin.
Ang dating paborito kong kanta ay nagkalamat. Parang ayaw ko na ulit iyong pakinggan dahil sa oras na marinig ko iyon ay ang kahihiyan na ito ang maalala ko. Nahirapan akong huminga at alam kong namumula na ang buong mukha ko ngayon.
Shit, ang sakit pala.
"Kiss," naramdaman ko ang pag tapik ni Mad sa balikat ko.
Ano nanaman ba?! Ipapamukha ba nila sa akin na happy ending na sila. Oo na! Masaya na ako para sa kanila. Hindi pa ba sapat na napapahiya na ako rito sa gitna nila?
"I'm happy for the both of you," ngumiti ako sa kanila. Dinampot ko nag back pack ko at sinuot iyon sa balikat ko. "Sorry, nakagulo pala ako sa scene ninyo..."
Tinalikuran ko sila. Tumigil sa pagkanta si Chance at maging ang bulungan ng tao ay nawala rin. Hindi ko alam kung nabingi ba ako o talagang natahimik silang lahat. Wala akong ibang marinig kundi ang lakas ng tibok ng puso ko ngayon.
"Kismet Reinhart..." natigil ako nang sabihin iyon ni Chance pero hindi ko magawang lumingon.
Hindi ako lumingon. Ayaw kong makita nila ang mukha ko. Mukha kong anumang oras ay iiyak na sa harapan nila. Bakit ko ba kasi nararamdaman ito? Bakit ba ako nasasaktan? Wala naman akong pakielam sa kanila.
"What?" Inis na nilingon ko siya. "Congrats na nga, e. Masaya ako para sa inyo. Ano pang gusto mong marinig mula sa akin?!"
"Gusto kong marinig ang sagot mo sa tanong ko." Ngumisi siya habang palapit sa akin. Kunot noo ko siyang tinignan, pati si Mad na nakangiti lang sa akin.
"H-huh?!"
"Are in love with me?" Tanong niya habang kinakagat ang labi niya.
Binuka ko ang bibig para sana magsalita ngunit walang boses ang lumalabas doon. Parang umurong ang dila ko at iniwan akong mukhang tanga sa harapan ni Chance Jones.
"'Cause I am." Yumuko siya at biglang nahiya dahil sinabi pa niya iyon gamit ang mic na hawak.
"I am in love with you, Kismet Reinhart. My Kismet. My Serendipity. My Chance..."
💎💎💎
Next chapter will be my author's note. Bye! Thank you for the love and support ♡