Kabanata 21

785 44 5
                                    

Kabanata 21

Hindi na ako nagulat nang tumunog ang cellphone ko. Sinilip ko iyon at nakita kung sino ang tumatawag. Kung kanina, puro takot lamang ang nararamdaman ko, ngayon naman ay parang lumulundag ang puso ko sa tuwa.

Binuka ko na ang bibig ko para sana magsalita ngunit natigil ako nang marinig ko ang boses niya. Hindi niya ako binigyan ng pagkakataong mag-hello manlang sa kanya dahil agad siyang kumanta.

"Up all night on my mind

Got me thinking

Wanna stay,

Can you give me a reason?

I don't think so, I don't think so..."

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang ngiti. Alam ko ang kanta dahil sikat iyon ngayon, ngunit ang nagpagulat sa akin ay iniba niya ang tono. Ginawa niya iyong slow at parang kinakantahan ako para makatulog.

"Waking up to nothing

When you're super far from home

And I watch you fall asleep

At night and lay there on my own

Got me begging for affection,

All you do is roll your eyes

Broken down, I've had enough

If this is love, I don't want it..."

Pinikit ko ang mata ko at naghintay ng kasunod ngunit hindi na nasundan. Narinig ko ang halakhak niya. Dinilat ko ang mata ko at tumitig ako sa ceiling habang nakadikit pa rin sa aking tainga ang cellphone.

"Hey?" Namamaos niyang sabi.

"Hmm..." halos mamaga na ang labi ko sa kakakagat.

Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Niyakap ko ng mahigpit ang unan ko at hinayaan na ang labi ko sa gusto nitong mangyari. Lumapad ang ngisi sa labi ko habang nakapikit.

"You all right?" Tanong niyang muli.

"Yeah. Thanks,"

Wala nanamang nagsalita sa pagitan namin. Huminga ako ng malalim at pinikit ng mariin ang mata ko habang nararamdaman ko ang pag iinit ng cellphone ko sa aking tainga.

SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon