Today 5:23 PM
Chance:
tahimik mo haha
Kiss:
Nagawa mo pa talagang magtext sa harap ko
Chance:
anong problema? ikaw lang naman katext ko
😂
Kiss:
Sinisiko na ako ni Twist!
Akala siguro, iba kausap ko 😂
Chance:
sinisipa na rin ako ni Lake haha
Kiss:
Wag ka na kasi magtext haha
Chance:
wag ka na kasi magreply 😛
Kiss:
Abnoy 😑
Chance:
mahiyain ka pala no?
hindi halata 😁
Kiss:
Paano mo naman nasabi?
Chance:
kanina ka pa nakayuko 😅
hindi ko tuloy makita mukha mo haha
Kiss:
Paanong hindi?!
Kanina ka pa titig nang titig
Nakakailang kaya 😒
Chance:
tinadyakan ako ng bestfriend mo haha
sakit nun ah
Kiss:
Nagtext sakin si Twist hahaha
Chance:
anong sabi hahaha
Kiss:
Wag daw ako magtext sa harap mo
Hahahahahahaha
Chance:
:)
kausapin mo na nga lang ako haha
Seen 5:40 PM
hindi mo sinagot yung "Hi" ko ☹
💎💎💎
Natawa ako ng bahagya nang mabasa ang text mula kay Chance. Binaba ko ang cellphone ko at tumingin sa kanya nang may ngisi pa rin sa labi ko. Magkasalubong ang kilay niya.
"Hi rin, Chance!" I waved my hand.
Natigil sa pag-uusap si Ark, Lake at Twist sa sinabi ko. Ngumisi naman si Chance at maya-maya ay bigla nalang siyang natawa. Natawa rin ako nang makita ang naguguluhang mukha ng mga kasama namin.
"So... anong kalokohan ang nangyayari ngayon dito?" Kunot noong tanong ni Twist na lalong nagpahagalpak ng tawa namin ni Chance.